Lasik surgery price Philippines at ang iba pang mga dapat malaman tungkol sa procedure na ito.
Ano ang lasik surgery?
Ang LASIK o laser-assisted in situ keratomileusis ay isang uri ng refractive eye surgery. Ito ay isinasagawa upang malunasan ang kondisyong nararanasan ng mga mata tulad ng myopia o nearsightedness, hyperopia o farsightedness at astigmatism. Itinuturing ito na pinakamagandang alternatibo para sa mga nakakaranas ng mga nabanggit na kondisyon na ayaw magsuot ng contact lenses o eye glasses.
Sa tulong ng procedure na ito ay bumabalik sa dating malinaw na paningin ang mata ng isang tao. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pag-re-reshape sa cornea upang mas mag-focus ang ilaw na pumapasok sa mata sa retina. Kumplikado man kung iisipin ngunit ang procedure na ito ay tumatagal lang ng hanggang 15 minuto para sa dalawang mata na. At ang resulta nito ay makikita agad pagkatapos mismo ng procedure. Na mas lilinaw o masasaayos pa pagkalipas ng ilang araw at linggo matapos maisagawa ito.
Lasik surgery price Philippines
Lasik surgery cost ph: Kumpara sa mga contact lenses at eye glasses ay may kamahalan ang lasik surgery. Ang lasik surgery price Philippines nga ay tinatayang nasa P65,000 hanggang P140,000. Ang presyo ay nakadepende sa technology na gagamitin. Pati na rin sa package na ino-offer ng clinic na magsasagawa nito. Dahil maliban sa mismong surgery ay may mga test at screening pang dapat gawin sa pasyenteng gustong subukan ang procedure.
Lasik surgery price Philippines or lasik surgery cost ph
Bagama’t may kamahalan, marami ang dumaraan at gustong subukan ang lasik surgery. Dahil maliban sa mabilis at magandang resulta nito sa paningin ay pangmatagalan na rin ang epekto nito. Sa katunayan, may mga clinics na nag-o-offer ng lifetime warranty sa kanilang pasyente na dumaan sa procedure. Bagama’t nilinaw din nila na maari pa ring makaranas ng paglabo ng mga mata ang mga dumaan na procedure. Lalo na kung ito ay dulot na ng katandaan o ibang kondisyon na umaapekto sa paningin ng isang tao.
Lasik surgery price Philippines | Sino ang maaring dumaan sa lasik surgery?
Ang lasik surgery ay hindi para sa lahat. Dahil bago ito maisagawa ay kailangan munang maging “good candidate” sa procedure o may mga qualifications na dapat taglayin ang isang pasyenteng nais dumaan rito. Una ay dapat 18-anyos pataas na ang pasyenteng nais sumailalim sa procedure. Dahil ayon kay Dr. Emerson Cruz, surgeon mula sa Asian Eye Institute ay hindi pa stable ang vision ng mga batang 18-anyos pababa.
“Ideally, LASIK patients should be over 18 years old since vision at this age is relatively stable. Below 18, the eyes are still constantly adjusting and changing shape.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Cruz. Habang ayon naman kay Dr. Robert Ang, LASIK/Refractive Department Director ng Asian Eye Institute ay mahalagang dumaan sa screening ang mga nais sumailalim sa lasik surgery. Dahil maliban sa eye grade at edad ay may mga factors na dapat pang i-consider bago ito gawin.
“Eye grade is not the only factor we consider. We also check their corneal thickness, eye health, eye history and even their lifestyle. For patients who have thin corneas, severe dry eyes, extremely high eye grade and other eye conditions like cataracts, glaucoma and retinal disease, we offer other options other than LASIK.”
Lasik surgery price Philippines | Sino ang hindi maaring dumaan sa lasik surgery?
At maliban sa mga nabanggit, ayon sa Mayo Clinic, ang mga gustong sumailalim sa lasik eye surgery ay hindi dapat nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:
- May keratoconus o corneal thinning disorder.
- Malalaki ang pupils sa mata dahil mataas ang tiyansang makaranas siya ng night vision problems matapos ang procedure.
- May immune system disorders o sakit na maaring makaapaekto sa pagaling ng mata matapos ang procedure. Ilan sa mga disorder na ito ay lupus, collagen vascular disease, rheumatoid arthritis, AIDS, myasthenia gravis at multiple sclerosis.
- Umiinom ng mga medikasyon tulad ng steroids at immunosuppressants na makakapagpabagal ng eye healing matapos ang procedure.
- Buntis o nagpapasuso dahil ang hormone changes ng isang babae ay maaring makaapekto sa kaniyang eye grade stability.
- May eye injuries o lid disorders.
- Nakakaranas ng severe nearsightedness o na-diagnose na may high refractive error.
- May age-related eye changes na nagdudulot ng malabong paningin o tinatawag na presbyopia.
- Active o naglalaro ng mga contact sports na kung saan maaring matamaan ang mukha tulad ng boxing at martial arts.
- Nakakaranas ng depression at iba pang chronic pain conditions tulad ng migraine, irritable bowel syndrome at fibromyalgia.
Lasik surgery price Philippines|Mga dapat asahan sa lasik surgery procedure
Kung ikaw ay good candidate at ang resulta ng isinagawang screening sayo ay positive ay maari ng i-schedule ang lasik surgery.
Bago ang procedure
Bilang paghahanda ay may ilang bagay kang dapat gawin bago isagawa ito. Tulad ng pagtanggal ng contact lenses sa iyong mga mata bago ang iyong schedule lasik surgery. Para sa soft contact lenses ito ay dapat tanggalin, isang linggo bago ang surgery. Habang hindi naman dapat bababa sa six weeks ng naialis ang hard contact lenses bago ang lasik surgery scheduled date.
Dahil ayon sa mga eksperto, ang contact lenses ay binabawasan ang amount ng oxygen na umaabot sa cornea ng mata. Kaya naman naapektuhan nito ang measurement accuracy ng optical exams ng isang pasyente.
Samantala, sa araw na pagsasagawa ng procedure ay hindi dapat maglagay ng eye make-up, facial lotion o moisturizer, perfume at kahit ano pang alcohol-based products. Ito ay dahil ang laser ay sensitive sa mga scents. Pati narin sa usok ng tobacco at sigarilyo.
Habang ginagawa ang procedure
Sa aktwal na pagsasagawa ng procedure, asahan na makakaramdam ng mabigat na pressure sa iyong eyeball. Ito ay dahil sa sunction ring na inilalagay upang manatili sa gitna ang iyong eyeball. Saka ito sunod na gagamitan ng laser upang putulin at hugisin ang cornea. Ito ay upang maibalik ito sa normal na hugis at luminaw na ang iyong paningin. Tumatagal sa lima hanggang pitong minuto ang treatment sa bawat mata. Ang buong procedure ay hindi naman magiging masakit dahil papatakan ng anesthesia ang mga mata bago ito simulan.
Mga dapat asahan pagkatapos ng lasik surgery
Ayon pa rin kay Dr. Emerson Cruz ng Asian Eye Institute, karamihan ng kanilang pasyente ay napansin agad ang malaking pagbabago sa kanilang paningin matapos ang surgery. Bagama’t nakakaranas sila ng kaunting discomfort o paninibago sa kanilang mga mata
“Most LASIK patients notice immediate improvement in their vision after surgery, and usually go back to work the following day. However, they may experience a little discomfort, especially when blinking, for the first 24 hours of the surgery. They may also see glare and halos around lights, but that is just normal and vision will continue to improve within one to three months.”
Ito ang pahayag ni Dr. Cruz.
Maliban nga sa nabanggit, ang iba pang dapat asahan na maramdaman pagkatapos ng lasik surgery ay ang sumusunod:
- Pasa o bloodshot sa mata dulot ng suction ring na mawawala sa loob ng 1 hanggang 3 linggo.
- Mabigat na pakiramdam sa mata o parang may buhagin o pilikmata sa loob ng iyong mata.
- Bahagyang pagsakit o discomfort sa mata na maaring gamitan ng painkillers. Ngunit kung ang sakit ay sobra ay ipaalam agad ito sa iyong doktor.
Tamang pangangalaga sa mata matapos ang surgery
May mga bagay ring dapat tandaan upang maalagaan ng tama ang mata matapos ang surgery. Ito ay ang sumusunod:
- Iwasang kutkutin ang mata at gamitin ang eye shield na ibinigay ng doktor matapos ang procedure.
- Gamitin din sa oras ang eye drops na inireseta sa iyong mga mata.
- Iwasang mapasukan ng tubig ang mga mata habang naliligo sa loob ng isang linggo.
- Limitahan ang paggamit ng TV, cellphone at computer sa unang 48 oras matapos ang surgery.
- Huwag muna maglagay ng eye make-up sa loob ng isang buwan. Ito ay upang maiwasang ma-irritate ang mata.
- Huwag na munang mag-swimming sa loob ng isang buwan upang maiwasang mapasukan ng tubig ang mata.
- Magpunta sa follow-up check-up na itinakda ng doktor.
Side effects at komplikasyon ng lasik surgery
May mga kaakibat ring side effects at komplikasyon ang pagsasagawa ng lasik surgery sa isang tao. Ngunit ito naman ay bibihirang nangyayari. At kung maranasan man ay nawawala rin ng kusa sa loob ng ilang linggo o buwan pagtapos ng surgery. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Dry eyes o ang temporary decreased sa tear production ng mata,
- Hirap na makakita sa gabi, may “halo” na makikita sa tuwing tumitingin sa maliwanag na bagay at double vision o pagkaduling.
- Malabong paningin dulot ng undercorrection o hindi sapat ang tissue na nagtanggal sa mata,
- Overcorrection o nasobrahan naman ang tissue na natanggal sa mata.
- Astigmatism dulot ng hindi pantay na tissue removal sa mata.
- Flap problems tulad ng infection at excess tears.
- Vision loss o changes o ang pagkawala at mas lalong pagkalabo pa ng paningin.
Kaya naman para maiwasan ito ay may paalala si Dr. Ang sa mga nagnanais sumubok ng lasik surgery. Ayon sa kaniya, hindi dapat ang lasik surgery price Philippines ang tingnan kung saan nais ipagawa ang procedure. Kung hindi ang experience ng surgeon at uri ng technology na gagamitin niya upang maisagawa ito.
“Cost should not be the sole basis of your decision. Ask the surgeon about how many surgeries they have done, how many patients have returned for enhancements and what technology they are using.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Dr. Ang.
BASAHIN: Sore Eyes sa mga bata: Mga mahalagang kaalaman