Kapag kinuskos ng iyong anak ang kaniyang mga mata at nakita mo ang pamumula, maaaring sintomas ito ng sore eyes. Huwag kang mag-alala dahil nandito ang mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa mga sanhi, sintomas, gamot at home remedies para sore eyes ng inyong anak .
Ang Sore Eyes ng bata, na kilala rin sa pangalang “pink eye” o conjunctivitis, ay madalas na nagmumukhang malala kaysa sa kung ano talaga ito. Kadalasan, dapat ito’y hindi na maging sanhi ng pag-aalala.
Maaaring maagapan o malapatan ng gamot ang sore eyes sa pamamagitan ng mga remedyong magagawa sa mga gamit na mayroon sa loob ng bahay.
Ngunit, mayroong mga okasyon na kung saan kakailanganin mong humingi ng opinyon ng mga doktor para sa conjunctivitis ng iyong anak – na aming ibabahagi sainyo sa artikulong ito.
Ang conjunctivitis ay ang pamamaga ng conjunctiva, na isang manipis na film na tumatakip sa eyeball at loob ng mga talukap.
Ang mata ay mayroong tear ducts at mucus glands upang manatili itong lubricated. Pero kapag ang sistema ay na-overwhelm, pwede itong maging mas aktibo.
Maaaring magsimula na maglabas ng protective tears o mucus ang mga mata, na ang siyang sanhi ng pamamaga. Ang mga ito ay ilang mga karaniwang palatandaan ng conjunctivitis.
Ano ang mga sanhi nito?
Kung ang iyong anak ay nagrereklamo ng matinding sakit, magandang dalhin na agad siya sa isang doktor
- Impeksyon ay ang pinaka-karaniwang dahilan ng conjunctivitis. Ang nakakahawang uri na madalas kumakalat sa mga daycare centers at paaralan. Kadalasang sanhi ito ng bacterial o viral na impeksyon. Ito rin ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng pagbahing o pagubo ng mga droplets of infected mucus. Ayon sa mga eksperto, kung ang nana na nakapaligid sa mata ay kulay dilaw, ito ay marahil na sanhi ng bacteria. Tulad ng golden staph na maaaring magamot ng antibiotic. Kung ang nana naman ay kulay puti, maaaring cold virus naman ang sanhi ng sakit.
- Allergy ay isa pang karaniwang dahilan ng sore eyes. Maraming tao na mayroong allergy sa pollen ay maaaring magkaroon ng pamumula at pamamaga sa kanilang conjunctiva.
- Irritants tulad ng chlorine (sa mga swimming pools) o kaya shampoo ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng conjunctiva mo o ng iyong anak.
Bukod sa mga naunang nabanggit, may ilan ding mga sanhi ng sore eyes sa mga bata ang hindi gaanong pangkaraniwan. Ngunit mahalaga ding malaman at maunawaan ang mga ito:
- Problema sa kalusugan tulad ng Rosacea at Reactive Arthritis
- Madalas na paggamit ng gamot sa mata
- Pagka-expose sa mga kemikal
- Meibomitis o pamamaga ng meibomian glands sa mata
- Blepharitis
Kung maagang mapapansin ang mga sintomas ng sore eyes sa iyong anak, mas madali at mabilis itong magamot at maiiwasan din ang paglala o pagkakaroon nito ng impkesyon.
Ang mga mas magagaan na sintomas ng sore eyes ay kayang-kayang masolusyunan ng iba’t ibang mga home remedies kaya naman mahalagang maging maalam tungkol dito.
6 sintomas na maaaring may sore eyes ang bata o matanda
- Pamumula ng isa o parehong mata ng iyong anak
- Malagkit na talukap, lalo na sa paggising
- Madilaw na crust sa may pilikmata
- Madilaw o maputi na nilalabas ng mata
- Hindi komportable, makati o sensitibo sa liwanag
- Sinat o magang lymph nodes malapit sa mga tainga
Obserbahang maigi ang iyong anak kung ito ay nagpapakita ng mga senyales o sintomas ng sore eyes gaya ng mga nabanggit upang agad mong matukoy kung ano ang gamot sa sore eyes na angkop para sa kanya.
Sintomas ng sore eyes sa bata. | Larawan mula sa iStock
Paano gamutin at mawala ang sintomas ng sore eyes?
Ang conjunctivitis ay bihira maging malala ngunit ito ay lubos na nakakahawa. Kung ang iyong anak ay mayroon nito, ang pinakamagandang paraan ay panatalihin siyang nasa bahay hanggang ang kaniyang sakit ay mawala.
Ayon sa ipinamahagi ni Dr Gerard Nah, ang Medical Director ng W Eye Clinic, ang sore eyes ay dahil sa viruses. Wala naman talagang treatment na kinakailangan dahil ang mismong immune system na din ang rumeresolba dito.
Ngunit mayroong tinatawag na artificial eye drops na maaaring maibsan and discomfort. Ang mga gamot para sa sipon, ubo, allergy tulad ng antihistamines ay makakatulong din. Pero importantent ikonsulta muna ito sa doktor.
Kung gusto mong sumubok ng mga natural remedies upang mapagaan ang pakiramdam ng iyong anak, iminumungkahi namin ang mga sumusunod na gamot sa sore eyes o home remedies upang maibsan ang mga sintomas ng conjunctivitis ng iyong anak:
Larawan mula sa iStock
-
Hayaan na matanggal ng kaniyang mga luha ang mga mikrobyo!
Ang mga luha ay naglalaman ng mga natural na kemikal na nilalabanan ang mga mikrobyo. Nang walang anumang paggamot, karamihan sa mga mayroong infective conjunctivitis ay nawawala nang kusa sa loob ng 2 hanggang 5 araw. Karaniwang hindi magtatagal ng lagpas 1 hanggang 2 linggo.
Ang mga ito ay maaaring ilagay sa labas ng mga nakasarang talukap ng iyong anak ng iilang beses na isang araw upang mapawi ang nararamdamang pananakit.
Inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit ng cold compresses para sa mga may allergen-related conjunctivitis at warm compresses para sa mga may impeksyon.
-
Linisin ang mata ng iyong anak.
Mula sa loob (malapit sa ilong) hanggang sa labas na sulok gamit ang basang twalya na binabad sa tubig o chamomile tea na pinakuluan at pinalamig.
-
Pakainin siya ng mga pagkain na makakatulong mawala ang sore eyes
Magsama ng mga nakakagamot na pagkain tulad ng bawang, strawberries, oranges, cantaloupe, kiwi fruit at broccoli sa pagkain ng iyong anak. Siguraduhin lamang na wala siyang allergy sa mga ito.
-
Gumamit ng breastmilk para linisin ang mata ng iyong anak (kung ikaw ay may breastmilk pa)
Ang breastmilk ay hindi lamang nakakalusog para sa iyong anak, ngunit ito rin ay isang magandang home remedy para sa sore eyes. Magbabad ng malinis na twalya sa breastmilk at gamitin ito upang linisin and mata ng iyong anak tulad ng paraan na gamit ang tubig.
-
Paggamit ng Chinese medicine
Chinese medicine ay isang mahusay na paraan para gamutin ang sore eyes. Mayroon isang Traditional Chinese Medical (TCM) practitioner ang titingin at susuri sa iyong anak, gagawa ng diyagnosis at maghahanda ng angkop na halamang gamot.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga epektibong gamot o home remedies para sa sore eyes ng bata. Pinakamainam pa rin na iwasan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng tamang hygiene at pagiging malinis sa katawan.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor kapag may sintomas ng sore eyes?
Larawan mula sa iStock
Ayon ulit kay Dr Nah,
“Red eyes in children is usually viral in nature, and often comes with symptoms of a cold or flu. Generally, parents should bring their children to see a doctor when the kids are not feeling well.
Or if they are not getting better after a few (3-5) days of rest. If, however, a child complains of eye pain, or poor or blur vision, then it becomes necessary to see a doctor quickly.”
Ngunit kapag ang iyong bagong silang na sanggol ay may conjunctivitis, dapat na agad na dalhin ito sa isang doktor.
May mga mikrobyo na nagngangalang chlamydia o gonorrhea na maaaring maging sanhi ng conjunctivitis ng mga bagong silang na sanggol.
Ito ay mga malubhang sexually transmitted infections na maaaring maipasa sa mga sanggol mula sa kanilang mga ina kung ito ay mayroong isa sa mga impeksyon sa panahon ng panganganak (vaginal birth).
Ito ay iba sa mga karaniwang sticky eye ng mga bagong silang na sanggol na sanhi ng isang blocked tear duct. Sapagkat ito ay hindi magreresulta sa pamumula at pamamaga ng conjunctiva.
Karaniwan na gagamutin ng doktor ng iyong anak ang sore eyes gamit ang antibiotic eye drop o eye ointment. Maaaring magrekomenda ng ibang paraan ang doktor depende sa kalubhaan ng conjunctivitis.
Paano naipapasa sa iba ang Sore eyes ng bata?
Maaaring maipasa ang sore eyes sa ibang bata. Pati na rin sa mga adult kung magkaroon ng contact sa apektado nito. Kahit sa pamamagitan lamang ng paghawak sa mga bagay na nahawakan din ng batang infected nito.
Higit na nakakahawa ang sore eyes na viral at bacterial at pwede rin itong maipasa sa hangin sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo ng batang mayroon nito.
Hindi naman nakahahawa kung ang sore eyes ng bata ay dahil sa allergy o irritation. Ngunit kung nais makasiguro, mainam parin na maging maingat.
Kaya naman ay maaari mo munang pansamantalang ‘wag palabasin ng bahay ang inyong anak sakaling sya ay nagpapakita ng mga sintomas ng sore eyes.
Kailan maaaring muling makihalubilo sa ibang tao ang aking anak kung siya ay may mga sintomas ng sore eyes?
Nakadepende sa sanhi at mga sintomas na taglay ng bata kung gaano katagal ang pag galing. Gayundin naman kung ano ang gamot sa sore eyes na pinakaepektibo para sa iyong anak.
Importanteng matukoy mo ang sanhi ng kanyang sore eyes. Upang mabigyan mo ito ng tamang remedyo at maiwasan mo din ang paghawa nito sa iba.
Kung ang mga sintomas ng sore eyes na ipinapakita ng iyong anak ay dahil sa iritasyon o allergy, hindi mo na kakailanganing ilayo ang bata mula sa ibang tao.
Maaari mo na siyang papasukin sa eskuwela. Puwede na ring hayaang makipaglaro at makihalubilo sa iba pang mga bata. Basta sya ay komportable na at hindi nakararanas ng malalang uri ng sore eyes.
Kung ang pink eyes nya ay may mga sintomas na ito ay viral o bacterial, maaari lamang muling makihalubilo ang bata sa iba pagkatapos ng 24 oras kung ito ay ginamot nang may kasamang antibiotic.
Ngunit kadalasan ay kusang nakakarecover ang bata mula sa sore eyes pagkatapos ng isa o dalawang linggo. Kung kaya naman iwasan munang dalhin ang bata sa mga pampublikong lugar hanggat hindi pa gumagaling ang sore eyes.
Bakit madalas magkaroon ng sore eyes ang iyong anak?
Maaaring magkaroon muli ng sore eyes ang isang batang nagkaroon na nito. Normal ito lalo’t higit kung ang iyong anak ay madalas na maglaro o makipaglaro sa ibang mga bata. Gayundin kung madalas siyang nae-expose sa mga allergens sa kanyang paligid.
Ngunit ang madalas na pagkakaroon ng conjunctvitis ay maaring dahil din sa mga kondisyong medikal tulad ng Stevens-Johnson Syndrome, na kailangang mapagtuunan ng agarang atensyon. Maaari ring mayroong mga allergies ang iyong anak na hindi mo pa natutukoy o nadadiagnose ng doctor.
Kung nagiging madalas na ang pagkakaroon ng mga sintomas ng sore eyes ng iyong anak, makabubuting ikonsulta ito sa espesyalista. Upang malaman kung ano ang dahilan ng paulit-ulit na pagkakaroon ng sore eyes ng bata.
Dapat tandaan ng mga magulang na kung mayroong conjunctivitis ang kanilang mga anak ay laging paalalahanan na maghugas ng kamay.
Dapat din na pakiusapan na huwag munang mamahagi ng pagkain o laruan sa ibang mga bata. Gayundin ang mga kapatid niya kung mayroon man. Ito ay upang hindi kumalat ang impeksyon sa ibang tao.
Bukod pa rito, mahalagang gawin din ang mga sumusunod:
- Panatilihing malinis ang paligid
- Palitan ang kanyang mga punda at sapin sa higaan upang malabhan at madisinfect
- Gumamit ng malinis tuwalya
- Iiwas sya sa direktang pakikihalubilo sa iba
- Huwag ipahihiram sa iba ang mga personal na gamit ng bata. Lalo na ang mga isinusuot nito sa mukha tulad ng sunglass.
Ang susi sa matagumpay na pag gamot ng sore eyes ng bata ay ang kalinisan at istriktong pag-iwas sa mga bawal na gawin. Ang tagal o haba ng recovery mula sa Pink Eyes o Conjunctivitis ay nakadepende sa maagang pagtukoy sa mga sanhi at sintomas nito. Pati na rin sa pagbibigay ng agaran at tamang lunas na angkop sa uri ng sore eyes na mayroon ang bata.
Karagdagang impormasyon mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!