Pamamaga ng mata? Ano nga ba ang mga posibleng dahilan at lunas na maaring gawin.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pamamaga ng mata dahil sa tama ng toy gun.
- Iba’t-ibang sanhi ng pamamaga ng mata.
- Paano lunasan ang pamamaga ng mata.
Talaan ng Nilalaman
Pamamaga ng mata dahil sa tama ng toy gun
Isang babae ang namaga ang mga mata dahil sa tama ng toy gun. Hindi naisip ni Juanita Henschel, 43-year-old, na ang akala niyang simpleng pamamaga ng mata na dulot ng pagtama ng Nerf foam bullet ay muntik nang maging dahilan ng pagkabulag niya.
Kuwento ni Henschel, halos six meters ang layo ng isa sa mga anak niyang teenagers nang aksidenteng mabaril siya nito ng Nerf gun.
Diretso daw na tumama ang foam dart na bala ng Nerf gun sa loob ng kaliwang mata niya na talaga namang napakasakit.
Kinabukasan ay napansin niyang may mga maliliit na black floating spots ang tila humaharang sa vision ng kaliwang mata niya. Kaya naman pumunta agad si Henschel sa kaniyang eye doctor at nagpatingin.
Ayon sa kaniyang doktor ay mayroong partial tear sa retina ng kaliwang mata niya at maari niya itong ikabulag. Ikinagulat ito ni Henschel na inakalang simpleng pamamaga ng mata lang ang nararanasan niya.
Kinabukasan ay agad na nagpunta si Henschel sa isang retina specialist na kinumpirma ang damage na natamo ng retina niya dahil sa pagkakatama ng foam bullet.
Mabuti nalang ay may paraan para magamot ang na-damage na retina ni Henschel sa pamamagitan ng isang laser treatment.
Paalala ng mga doktor sa mga naglalaro nito ay magsuot ng protective glasses para makaiwas sa aksidente na maaring makabulag ng mata nila.
Pamamaga ng mata
Ang pamamaga ng mata ay dahil sa fluid build up sa manipis na layer ng tissue sa paligid ng mga mata. Kapag nagkaroon ng build up ng fluid, maaaring mamaga ang iyong mga mata at eyelids. Karaniwang nagdudulot ito ng discomfort, pangangati at pananakit.
Iba’t ibang sanhi ng pamamaga ng mata
Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng pamamaga sa mata. Kapag hindi umimpis ang pamamaga sa mata sa loob ng 24 hanggang 48 oras, mahalagang ipakonsulta ito sa inyong doktor dahil maaaaring resulta ito ng seryosong underlying condition na maaaring humantong sa pagkabulag.
Larawan mula sa Freepik
Pangkaraniwan ang uri ng pamamaga ng mata na ito. Nagkakaroon ng kuliti dahil sa infection sa eyelash follicle o tear gland. Ang kuliti ay mapula at malambot na umbok sa gilid ng talukap ng mata.
2. Chalazion
Ito naman ay maliit na umbok sa talukap na resulta ng blocked oil glands. Hindi naman ito mapanganib at mawawala rin nang kusa.
3. Conjunctivitis
Kilala rin sa tawag na pink eye, pangkaraniwan ito tuwing panahon na uso ang trangkaso. Sanhi ito ng virus, bacteria, allergens, o iba pang irritants.
Karaniwang problema ito na madaling solusyonan. Madalas na sanhi ito ng adverse reaction sa pagkain, kemikal, at iba pang irritants o kaya naman ay dahil sa hay fever. Ang hay fever ay allergy mula sa pollen o alibakok na nagdudulot ng inflammation at pangangati ng mata at ilong.
5. Graves disease
Ito ay autoimmune condition na nagdudulot ng swollen eyes. Kilala rin ito sa tawag na thyroid eye disease dahil may kaugnayan ito sa thyroid problem.
6. Orbital cellulitis
Nagsisimula ang pamamaga sa sinuses hanggang sa magdulot ng masakit na pamamaga sa talukap ng mata at sa balat sa paligid ng mata. Mas karaniwan ito sa mga bata kaysa sa mga matatanda.
7. Eye bags
Mild na puffiness sa ilalim ng mata ang eye bags. Karaniwan itong sanhi ng pagtanda dahil humihina ang tissues at muscles sa paligid ng mga mata. Tinuturing na cosmetic concern ang eye bags at hindi senyales ng seryosong kondisyon.
8. Eye cancer
Tinatawag din itong eye lymphoma. Sintomas nito ay ang pamamaga ng mata, panlalabo ng paningin, o pagkabulag. Maaari ding makakita ng tila mga spots na lumulutang sa iyong field of vision.
9. Trauma-related injuries
Kapag natamaan ng malakas na impact ang iyong mata, maaaring mamuo ang dugo sa damaged area. Nagdudulot ito ng inflammation at discoloration sa mata.
Kailan dapat mabahala?
Agad na kumonsulta sa iyong doktor o ophthalmologist kung lampas dalawang araw o 48 oras na at hindi pa rin gumagaling ang pamamaga ng mata.
Magpatingin din sa doktor kung nakararanas ng iba pang sintomas bukod sa pamamaga tulad ng mga sumusunod:
- Floaters o mga spots na tila lumulutang sa iyong paningin
- Paglabo ng paningin
- Pananakit ng mata
- Pakiramdam na tila may nakabara sa loob ng mata
Nakaranas man ng pamamaga ng mata o hindi, mahalaga ang regular eye exams para matiyak ang kalusugan ng iyong mga mata. Makatutulong din ang eye exam para malaman kung may senyales ba ng mga seryosong karamdaman tulad ng diabetes, high blood pressure, lymphoma, carotid artery disease, at multiple sclerosis.
Tips para maibsan ang pamamaga ng mata
Ang paunang lunas sa alin mang kaso ng swollen eyes ay linisin ang paligid ng mga mata.
Narito ang ilang maaaring gawin para maibsan ang discomfort na dulot ng namamagang mata:
- Hugasan ang mata gamit ang tubig lalo na kung may kasama itong discharge o muta. Makatutulong ang malamig na tubig kung allergy ang dahilan ng inflammation sa mata.
- Basain ang towel at idampi sa mga mata. Maaaring gumamit ng cool compress bag, lagyan ng malamig na tubig at idampi namamagang mata.
- Kung nakasuot ng contact lens, agad na alisin ito kung namamaga ang mata. Huwag rin munang maglalagay ng ano mang make up sa paligid ng mata hangga’t hindi pa gumagaling ang pamamaga.
- Kapag allergy ang dahilan ng pamamaga ng mata, patakan ito ng antihistamine eye drops. Huwag gumamit nito kung hindi allergy ang dahilan ng pamamaga ng mata.
- Ipahinga ang mata hanggang umimpis ang pamamaga nito.
- Para sa eye bags, maaaring gumamit ng chilled black tea bags at ipatong sa mga mata. Nakakatulong ang caffeine para mabawasan ang pamamaga.
Paano lunasan ang pamamaga ng mata
Ang lunas sa pamamaga ng mata ay nakadepende sa sanhi kung bakit ito namamaga. Kaya naman importanteng patingnan ang mga mata sa doktor kapag nakaranas ng pamamaga para malaman kung ano ang angkop na gamot para dito.
Subukan ang mga sumusunod na hakbang para gamutin ang pamamaga ng mata depende sa kung ano ang sanhi.
Gumamit ng warm compress para maibsan ang pamamaga at umimpis. Makakatulong ang init para sa oil secretion at blockage. Gawin ito nang tatlo hanggang limang beses sa isang araw hanggang sa mawala ang pamamaga.
Linisin ang mata gamit ang warm water at bulak. Gagaling din ang pamamaga nang kusa subalit maaari itong tumagal nang dalawa hanggang tatlong linggo.
Habang namamaga, iwasang hawakan ang mga mata at panatilihing malinis ang mga punda ng unan. Maaari ding iwasan muna ang paggamit ng eye cosmetics at contact lenses.
Kakailanganin mong patakan ng antihistamine drops ang iyong mga mata o kaya naman ay uminom ng oral antihistamine. Makakatulong din kung mananatili muna sa loob ng bahay hangga’t hindi pa gumagaling ang pamamaga ng mata.
Kung impeksyon sa balat o cellulitis ang dahilan ng pamamaga ng mata makakatulong ang antibiotics para gumaling ito. Emergency treatment naman ang kailangan kung makaranas ng iba pang sintomas tulad ng:
- mataas na lagnat
- pagkahilo at pagsusuka
- panginginig
- pagbabago sa paningin
- hirap na igalaw nang normal ang mga mata
- pagkalito
Samantala, kung pag-iyak ang dahilan kung bakit namamaga ang mata, maghugas ng mukha bago matulog. Makatutulong ito para umimpis ang pamamaga paggising kinabukasan.
Kung eye bags naman ang ikinababahala mo, karaniwang hindi ito nangangailangan ng medical care. Magpakonsulta sa doktor kung ang kondisyon mo ay nagdudulot ng problema sa vision o paningin, iritasyon, pananakit ng ulo, at skin rash.
Bakit nagkaka-eye bags?
Ilan sa dahilan ng pagkakaroon ng eye bags ay ang mga sumusunod:
- Pagtanda
- Kakulangan sa tulog
- Allergies
- Paninigarilyo
- Fluid retention paggising o matapos kumain ng maalat
- Genetics o namamana
Mayroong ilang medical conditions na nagdudulot din ng paglaki ng eye bags tulad ng dermatitis, dermatomyositis, renal disease at thyroid eye disease. Kaya naman, mahalaga pa rin na patingnan sa doktor kung nagdudulot ito ng pagkabahala sa iyo.
Karagdagang ulat mula kay Joebelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!