Matapos ang pagpapatingin sa Singapore, curious ang karamihan tungkol sa latest news on Kris Aquino. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inilathala ng Queen of Social Media ang resulta ng kaniyang medical tests na ipinagawa.
Latest news on Kris Aquino
Kaninang umaga, nag-post ang host-actress sa kaniyang Instagram account. Sinabi nito na natanggap na niya ang resulta ng kaniyang medical test results at binigay na rin ng kaniyang Singaporean doctor ang kaniyang diagnosis.
Nitong mga nakaraang linggo daw kasi, bumagsak ang kaniyang katawan matapos malaman na isa sa mga taong pinagkatiwalaan niya ang nakuhang gumawa sa kaniya ng “financial abuse.”
Saad nito, “Ang hirap madiskubreng may malaking perang pinaghirapan kitain na ginastos ng walang pahintulot para sa luho ng taong pinagkatiwalaan mo—kahit na milyones na ang kinita nya galing sa yo.”
Dahil sa bilis ng kaniyang pagbawas ng timbang, natakot daw siya at inisip na baka mayroon siyang sakit. Ganito rin daw kasi ang naging kalagayan ng kaniyang yumaong ina na si dating President Cory Aquino bago ito na-diagnose ng cancer. Kaya madalian itong nagpatingin sa Singapore para sa isang series of blood tests.
“Ang pera magsipag ako, kikitain ulit. PERO HINDI PO MABIBILI ANG EXTENSION SA BUHAY. Kaya nagmadali kaming lumipad ng Singapore for me to get the most thorough medical evaluation.”
Ang initial daw na diagnosis sa kaniya ay autoimmune disease. May iba’t ibang uri ng autoimmune disease ngunit ang pagkakapareha ng mga ito ay ang pag-atake ng immune system sa sariling katawan. Ang immune system ay responsable sa pagpuksa ng mga bacteria at virus na pumapasok sa katawan. Kapag may autoimmune disease, napagkakamalan ng immune system na bacteria o virus ang mga healthy cells ng katawan at kailangan nitong puksain.
Dagdag ni Kris na kinakatakot nila na mayroon siyang lupus, kagaya ng mga celebrities na fina-follow niya—Selena Gomez, Gigi Hadid, at Wendy Williams. Ang mga celebrities na nasabi ay tumutulong na mag-raise ng awareness tungkol sa sakit na lupus, isang uri ng autoimmune disease.
Lubos na natakot si Bimby dahil alam nito ang istorya ni Selena Gomez, isang Hollywood singer-actress.
“It was heartbreaking to see my 11 year old crying inconsolable tears and pleading, “please don’t leave me mama.” Bimb even offered me his kidney.”
Ang final diagnosis ng duktor: chronic spontaneous urticaria.
Ayon sa US National Library of Medicine, ang sakit na ito ay ang pagkakaroon ng hindi humuhupang sintomas ng urticaria (hives) ng anim na linggo pataas. Karaniwan na nagkakaroon nito ang 45% ng mga pasyente na may autoimmune disease.
Sinabi ni Kris na ang sakit niya ay sanhi ng autoimmune disease.
“I am now, and for the rest of my existence will be, on high dosage antihistamines and having the EpiPen will always be crucial. Severe allergies are life threatening because of anaphylactic shock.”
Mayroon din daw siyang medication para sa kaniyang hypertension at severe migraines.
Bilang panghuli, sinabi nito: “Thank you for being with me through the tears and victories. I AM PROOF, LOVE MAKES US STRONG. Because we know WHY WE ARE FIGHTING…for me it’s for my health because 2 people i love more than life itself still need me for at least 10 more years. My prayer is simple, to raise my youngest son to become a responsible adult who’ll care for his kuya, then God already blessed me more than i deserve.”
Dagdag pa niya, “(October 11, 1954, 64 years ago my mom & dad got married. Heaven timed i’d get my medical answers now for me to remember BEING BRAVE is part of my DNA.)🌈”
Sources: US National Library of Medicine, Health Line
Basahin: Kris Aquino lumipad patungong Singapore upang magpatingin sa espesyalista