Laureen Uy nakunan sa kaniyang unang baby: “It was the worst day of my life.”

undefined

Ayon sa vlogger, bigla nalang daw nawalan ng heartbeat ang kaniyang baby na labis nilang ikinalungkot na mag-asawa.

Laureen Uy ibinahagi ang nakakalungkot na miscarriage experience sa kaniyang first baby. Kilalang vlogger may emosyonal na mensahe sa kaniyang unborn child.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Laureen Uy miscarriage.
  • Mensahe ni Laureen sa kaniyang unborn baby.

Laureen Uy miscarriage

laureen uy pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Laureen Uy

Sa Instagram ay ibinahagi ng kilalang vlogger at influencer na si Laureen Uy na siya ay nakaranas ng miscarriage sa kaniyang unang baby. Ayon kay Laureen na ang ipinagbubuntis sana ay isang baby girl, hindi niya lubos akalain na ito ay mangyayari. Lalo pa’t nitong Oktubre lang nila inanunsyo ng mister na si Miggy Cruz ang kanilang pagbubuntis.

Si Laureen ibinahagi ang lungkot na nararamdaman sa pamamagitan ng isang open letter para sa kaniyang baby na tinawag niyang Miles.

“From the moment we found out we were pregnant with you, Dad and I were overcome with joy. It was the best news of our lives—a love so immense and instant, it’s hard to put into words. You filled our hearts in a way we’d never known before.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Laureen para sa kaniyang unborn child.

Mensahe ni Laureen sa kaniyang unborn baby

laureen uy miscarriage

Larawan mula sa Instagram account ni Laureen Uy

Pagpapatuloy pa ni Laureen, excited na sila ng mister na si Miggy sa pagdating sana ni Baby Miles sa kanilang buhay. Sa katunayan ay naimagine na nga daw nila ang mga oras na hawak-hawak ito at kasama sa mga travels nilang mag-asawa. Kaya naman parang gumuho ang kanilang mundo ng isang araw ay malaman nilang wala na itong heartbeat. Ayon kay Laureen, ang araw na iyon ang worst day of her life. Ayaw niya man sanang tanggapin na wala na ang kaniyang baby ay wala na siyang magawa pa.

“I didn’t want to let you go—my body didn’t want to let you go. Even now, it feels like a nightmare I can’t wake up from. But this is our reality, and it’s a pain I never thought I’d have to bear.”

Ang vlogger pinaabot ang pagmamahal niya at ng kaniyang mister sa kanilang unborn child na mananatiling parte umano ng kanilang buhay at puso kahit hindi nila ito nasilayan.

“We will miss you every single day. We’ll miss the quiet talks we had with you during tummy time, the dreams we built around you, and all the love we poured into the little life growing inside me.”

“We trust that you are now in the hands of our Lord, surrounded by peace and love. And we believe He has a plan for us–a future where your memory will forever remain a part of our story,” she added.”

Ito ang mensahe pa ni Laureen sa kaniyang baby.

 

laureen uy with husband

Larawan mula sa Instagram account ni Laureen Uy

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!