Inanunsyo ng fashion influencer and content creator na si Laureen Uy sa kaniyang social media ang kaniyang pregnancy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Laureen Uy pregnant sa first baby nila ng non-showbiz husband
- Pagbubuntis ng misis ‘best news ever’ para kay Miggy Cruz
Laureen Uy pregnancy announcement: “We’re so happy that we’re finally pregnant”
Hindi lang sa Instagram kundi maging sa kaniyang YouTube vlog —masayang inanunsyo ng fashion influencer na si Laureen Uy ang kaniyang pregnancy.
Oktubre 26, 2024 nang ibalita ni Laureen Uy sa social media ang kaniyang pagdadalantao sa panganay nila ni Miggy Cruz.
Larawan mula sa Instagram ni Laureen Uy
Nitong Sabado, nagpost sa Instagram si Laureen ng isang video na umantig talaga sa mga netizen. Sa nasabing video, ipinasilip ni Laureen ang kaniyang baby bump pati na rin ang ilang clips ng mga unforgettable moments nila ni Miggy. Mula sa kanilang engagement, sa wedding, at syempre ang pagtanggap nila ng balita na positive ang pregnancy test result.
Saad ni Laureen sa kaniyang caption, “Can’t wait to be a family of 3”
Samantala, sa kahiwalay na post naman na naglalaman ng pictures nil ani Miggy kung saan ay hawak nila ang ultrasound image ng kanilang anak, ang tanging caption ni Laureen ay, “Happiness.”
View this post on Instagram
Pagbubuntis ng misis ‘best news ever’ para kay Miggy Cruz
Hindi nga nagtapos sa Instagram ang pagbabahagi ng masayang balita ng mag-asawa. Dahil hanggang sa YouTube vlog ng soon-to-be-mommy, masayang idinetalye nila ang kanilang nararamdaman sa bagong milestone ng kanilang pagsasama.
Sa nasabing YouTube vlog, sinabi ni Laureen Uy na sobrang saya nila sa kanilang pregnancy news.
Saad naman ni Miggy Cruz, “It’s the best news ever.”
Larawan mula sa Instagram ni Laureen Uy
Na sinegundahan naman ni Laureen. Aniya, ito raw ang pinaka incredible na pakiramdam para sa kanila bilang mag-asawa.
Kinakabahan man sa unang step sa kanilang pagiging parents, mas nangingibabaw ang saya ng dalawa.
14 weeks na pala ang pregnancy ni Laureen Uy. Pero noong una ay sinabi lang muna nila ito sa kanilang pinakamalalapit na kaibigan at kamag-anak.
“We kept it to ourselves and our closest friends and family members lang muna until we were ready to share it with the world.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!