Isang siyam na taong gulang na bata na galing Belgium na nagngangalang Laurent Simons ay magtatapos na sa isang unibersidad na may degree sa electrical engineering.
Ibang klaseng prodigy si Laurent Simons
Ang mundo di-umano ay nabighani na sa mga prodigy na mayroong abilidad sa pag-master ng mga instrumento o di kaya naman sa pagpipinta, marahil rin ito ay magaling sa isang sports o di kaya naman nagtapos sa napaka-batang edad.
Pero sa panahon nga ngayon kung saan ang teknolohiya ang popular, si Laurent Simons nga raw ay hindi ang typikal na prodigy na iyong makikilala sapagkat mahilig ito sa social media tulad na nga lamang ng Instagram.
View this post on Instagram
Mahilig din si Laurent sa mga paglaro-laro ng mga video games sa kaniyang cellphone at siyempre ang manood ng Netflix.
Sa edad nga na siyam na taong gulang marami na di-umano itong plano matapos nitong gumraduate ng Bachelor in Electrical Engineering sa Eindhoven University of Technology sa Netherlands.
Nakapasok nga ito ng unibersidad sa edad na walong taong gulang at ang supposedly na tatlong taong programa sa Electrical Engineering, natapos ito ni Laurent ng sampung buwan lamang.
Sagot nga ni Laurent sa isang interbyu sa kaniya, “I’m quite lazy,” sapagkat nga hindi ito mahilig sa kahit na anong sports.
Ang kinakahiligan nga di-umano niya ay ang panonood ng Netflix, ang Fortnite, at Minecraft.
Bukod sa malapit na nga magtapos si Laurent, balak pa raw di-umano nito na kumuha ng medisina, mag-PhD, at gumawa ng mga artispisyal na mga body organs.
Tulad rin ng ibang mga batang ka-edad niya
Sambit nga ng ama ni Laurent Simons sa isang interbyu, si Laurent di-umano paglabas ng unibersidad ay katulad rin ng ibang mga bata na mahilig nga di-umano sa mga video games o di kaya naman sa paglangoy.
View this post on Instagram
Hilig nga rin di-umano ng bata ang panonood ng mga TV series tulad na nga lamang ng The Blacklist—isang American crime at thriller na serye.
Mahilig at may simpatya nga rin si Laurent sa mga hayop tulad na nga lamang ng kanilang alagang asong German Shepherd na nagngangalang Joe.
Kamakailan nga lamang nag-post ito sa kaniyang Instagram na pagbati ng 1st birthday kay Joe.
View this post on Instagram
Nabanggit nga rin sa itaas na mahilig ito sa social media lalo na sa Instagram, pero ang mga magulang pa rin di-umano ni Laurent ang nangangasiwa ng account nito.
Ang IQ nga ni Laurent ay 145. Ibig sabihin nga nito kung ipagpapalagay, ang isang normal distribusyon at no measurement error, ang IQ 100 ay nangangahulugang mas matalino ka kaysa sa 50% ng populasyon.
Pero kapag dumating na ang isang tao sa IQ na 145, ito ay nangangahulugang mas matalino ka na kaysa sa 99.9% ng populasyon.
Genius ngang maituturing ang siyam na taong gulang na si Laurent.
Source: The New York Times
Basahin: Yaya nagtapos ng cum laude sa kolehiyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!