Maraming pagbabagong pinagdaaanan ang katawan ng mga nagbubuntis. At matapos manganak, kadalasan ay hindi na naibabalik sa dati ang katawan ng mga ina. Kasama na dito ang pagkakaroon ng lawlaw na tiyan.
Ngunit sa halip na ikahiya o itago ito, sinasabi ng isang ina na dapat raw ay mahalin at tanggapin ito ng mga ina. Ano kaya ang dahilan niya para dito?
Lawlaw na tiyan, bahagi na ng pagiging ina
Iba-iba talaga ang katawan ng mga ina. Minsan, kahit ang mga napakafit na mommies ay nagkakaroon ng mga stretch marks o kaya lawlaw na tiyan, kahit na madalas pa silang mag-ehersisyo o kumain ng tama.
Dahil dito, maraming ina ang nahihiya o kaya hindi natutuwa sa pagbabagong nangyari sa katawan nila. Pero ayon sa isang ina at influencer, dapat daw mahalin ng mga ina ang kanilang katawan, at magkaroon ng body positivity.
Mas naging conscious siya sa pagkakaroon ng lawlaw na tiyan
Ayon kay Natalee Jorge-Martin, hindi naging madali sa kaniya ang pagtanggap sa kaniyang postpartum body. Aniya, nahiya pa daw siyang i-share sa Instagram ang picture ng kaniyang postpartum body, dahil naging conscious daw siya sa kaniyang hitsura matapos manganak.
Pero hindi daw naging siya naging conscious sa stretch marks, o sa pagkakaroon ng dagdag na timbang. Mas nahiya daw siya na mayroon siyang ‘mom pouch’ o lawlaw na tiyan.
Madalas raw ay nagsusuot siya ng high-waist pants para maitago ang kaniyang tiyan. At naiinis daw siya sa katawan niya matapos manganak dahil dito.
Pero pagtagal ay natutunan din niyang mahalin ang pagkakaroon niya ng mom pouch. Normal na bahagi lang daw ito ng pagiging ina, at hindi daw mahalaga kung ano ang kanilang hitsura. Dapat raw ay mahalin ng ina ang kanilang mga sarili, kahit ano pa ang hitsura nila.
Bagama’t hindi naman masama sa mga ina na gustuhing maging fit, o mawala ang kanilang mom pouch, hindi dapat sila malungkot o mawalan ng pag-asa kapag hindi nila marating ang fitness goal nila.
Hindi raw dapat hayaan ng mga ina na manaig ang kanilang insecurities at negatibong pag-iisip. Dapat pairalin ang body positivity at mahalin ng mga ina ang kanilang postpartum body.
Source: Health
Basahin: Ano ang safe na paraan para matanggal ang stretch marks?