X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Lechon Paksiw: Ang masarsang recipe para sa Lechon leftover (with homemade lechon sauce)

4 min read
Lechon Paksiw: Ang masarsang recipe para sa Lechon leftover (with homemade lechon sauce)

Sawa ka na ba sa pag-iinit ng tirang lechon? Gawin itong masarsa at bagong dish! Ituturo namin sa iyo kung paano lutuin ang lechon paksiw.

Level-up dish ng leftover na lechon baboy ang lechon paksiw recipe na ibabahagi natin sa araw na ito. Isa ito sa mga paraang ginagawa ng karamihan upang hindi magsawa sa paulit-ulit na pag-iinit sa natirang lechon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano nabuo ang konsepto ng pagpapaksiw ng lechon
  • Mga sangkap sa pagluluto ng lechon paksiw
  • Ang paraan ng pagluluto nito
  • Recipe ng homemade lechon sauce
lechon paksiw

Leftover na lechon baboy ang ating gagawaan ng panibagong recipe. | Larawan mula sa iStock

Ang konsepto ng pagpapaksiw ng lechon

Itinuturing na star ng mga handaan at salu-salo ang lechon na baboy. Inihahanda kasi ito sa mga pinakamahalagang okasyon gaya ng kasal, kapistahan, pasko, reunion, at iba pa. May kamahalan kasi ang presyo nito at masyadong malaki para sa isang pamilya. Kaya prefer ng mga Pilipino na ihanda ito sa mga malakihang pagtitipon.

May ilang pagkakataon na hindi nauubos ang lechon baboy sa mga handaan. Para hindi masayang, iniinit na lang ito sa kawali o ginagawang bagong ulam. Nakakaumay din kasi ang ilang araw na puro lechon ang ulam.

Sa pagluluto ng lechon paksiw, nilalagyan ito ng suka, bawang, sibuyas, paminta at lechon sauce. May kaibahan ang bersyon ng mga taga-Luzon at mga taga-Visayas pagdating sa pagpapaksiw ng lechon. Ang mga taga-Luzon ay nagdadagdag ng liver spread sa kanilang paksiw na lechon, samantalang wala nito sa mga taga-Visayas. Gayunpaman, parehong masarap ang bersyon ng mga luto nila.

Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang mga sangkap at paraan ng pagluluto ng lechon paksiw at homemade lechon sauce.

Mga sangkap sa pagluluto:

  • 1 tablespoon cooking oil
  • 1 buong bawang, minced
  • ¾ cup suka
  • 1 medium sibuyas, sliced thinly
  • 2-3 cups tubig (puwede ring gumamit ng beef stock)
  • 2 cups lechon sauce (store-bought o puwede ring homemade)
  • ¾ cup asukal na pula
  • 5 cups leftover lechon or lechon kawali, chopped
  • 3 piraso ng dahon ng laurel (bay leaves)
  • ½ cup liver spread
  • 1 teaspoon pamintang buo
  • Salt to taste
lechon paksiw

Larawan mula sa iStock

Ang proseso sa pagluluto ng lechon paksiw:

  1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa medium heat na apoy. Hayaan itong maluto sa loob ng 30 segundo hanggang 1 minuto. Isunod na ilagay ang tubig at suka. Pakuluin ito ng 3 hanggang 5 minuto. TIP: Para sa mas malasang sarsa, maaaring gumamit ng beef stock imbes na tubig.
  2. Kapag kumulo na ang tubig at suka, ilagay na ang lechon sauce, pamintang buo at asukal na pula. Haluin itong maigi. Idagdag ang leftover lechon at mga dahon ng laurel at muling haluin.
  3. Hinaan ang apoy at hayaang kumulo ito sa loob ng 20 minuto o hanggang lumambot na ang karne. TIP: Kung natutuyuan ng sabaw, magdagdag lamang ng 1 cup ng tubig.
  4. Pagkulo ng 20 minuto, maaari nang ilagay ang liver spread at haluing mabuti. Timplahan ng asin sa nais na panlasa. Puwedeng dagdagan ng pamintang durog kung nais na mas maanghang ang lasa.
  5. Muling pakuluin sa loob ng 10 minuto o hanggang lumapot na ang sarsa. Patayin ang apoy ng kalan at isalin ang ulam sa isang serving bowl. Ihain habang mainit pa!

Recipe ng homemade lechon sauce

  • 2 tablespoon ng cooking oil
  • 1/2 cup sibuyas, minced
  • 2 tablespoon ng bawang, minced
  • 1 1/2 cup dinurog na atay ng baboy
  • 2/3 bread crumbs
  • 2/3 cup asukal na pula
  • 3/4 apple cider vinegar
  • 3 cups ng tubig
  • Salt and pepper to taste
lechon paksiw

Larawan mula sa iStock

Proseso sa pagluluto:

  1. Gamit ang food processor, durugin ang bawang at sibuyas dito upang maging pino para sa ating sauce. Durugin o gilingin din sa food processor ang atay ng baboy hanggang sa maging paste ang texture nito. Note: Isa-isa lang ang pagsalang sa food processor at huwag pagsasamahin ang mga ito.
  2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa medium heat na apoy. Ilagay ang atay ng baboy at lutuin sa loob ng 5 minuto. Unti-unting ilagay ang apple cider vinegar at haluin. Idagdag ang tubig at pakuluin.
  3. Ilagay ang asukal na pula at haluin. Idagdag ang bread crumbs at pakuluin sa loob ng 3 minuto. Patuloy itong haluin upang hindi magbuo-buo. Timplahan ng asin at paminta sa nais na panlasa. Patayin ang apoy sa kalan at palamigin ito.
  4. Kapag malamig na ang mixture ay ilagay ito sa blender at i-blend hanggang sa maging smooth ang sauce. Isalin na ito sa isang lalagyan na may lid.
Partner Stories
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Lechon Paksiw: Ang masarsang recipe para sa Lechon leftover (with homemade lechon sauce)
Share:
  • Scarlet Snow cries after she sees lechon being chopped!

    Scarlet Snow cries after she sees lechon being chopped!

  • Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

    Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Scarlet Snow cries after she sees lechon being chopped!

    Scarlet Snow cries after she sees lechon being chopped!

  • Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

    Paksiw na Bangus Recipe, Pinasarap at Pina-level Up

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko