Legit Filipino homebased jobs ba ang hanap mo? Narito ang mga websites na maari mong pagsimulan at paghanapan ng trabaho habang ikaw ay nasa bahay.
Sa panahon ngayon, hindi na natatapos ang role nating mga mommies sa mga gawaing bahay. Dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya partikular na sa internet ay pwede narin tayong makapagtrabaho habang nasa bahay
Malamang ang tanong mo ay paano ito sisimulan? Narito ang mga websites na maari mong tingnan at paghanapan ng legit filipino homebased jobs.
Mula sa full time, part time at project based na trabaho ay makakakita ka ng swak sa skills at background mo sa websites na ito.
Ang kailangan mo lang ay magsign-up, gumawa ng account at pwede mo ng simulan ang pagjojob hunting mo.
Websites for legit Filipino homebased jobs
1. Upwork
Nangunguna sa listahan ng mga websites na pwedeng pag-applyan ng legit Filipino homebased jobs ay ang Upwork. Ito ay ang dating kilala sa tawag na Elance-oDesk na isang global freelancing platform. Dito ay makakakita ka ng iba’t-ibang negosyo at tao na nangangailangan ng isang freelancer na gagawa ng projects para sa kanila.
Dito ay pwede ka ding gumawa ng account mo ng libre. Ito ang magiging basehan ng mga employers sa pag-aapply mo. Hindi mo rin kailangang mag-alala sa kasiguraduhan ng pagbababayad ng kliyente. Dahil sa Upwork ay protektado ang karapatan mo bilang isang freelancer.
2. Outsourcely
Isa pang website na pwede mong pagsimulan ng legit Filipino homebased jobs ay ang Outsourcely. Parang itong Upwork na kung saan makakakita ka ng mga job postings na pwede mong applyan. Nakasaad narin sa job posting ang qualifications, skills at background ng taong kakailanganin ni employer.
Dito makakakita ka ng trabaho tulad ng data encoder, writer, graphic designer at iba pa.
3. Online Jobs PH
Ang OnlineJobs.ph ay tulad rin ng Upwork at Outsourcely kung saan pwede kang ma-hire bilang freelancer, full-time o part-time employee.
Mula rin sa iba’t-ibang bansa ang ilan sa mga employer na nagpopost ng job vacancies rito. Kaya naman makakasiguro kang kikita ka ng maganda kahit nasa bahay lang.
4. Craigslist
Ang Craiglist ay hindi lamang isang buy and sell website, makakakita ka rin rito ng legit Filipino homebased jobs.
Kailangan mo lang maging masipag maghanap ng trabahong magiging perfect para sayo.
Upang makasiguro lang na mapagkatiwalaan ang employer na kumakausap sayo ay mag-background check muna dito. Dahil hindi tulad ng nauna pang mga website ay hindi kontrolado ng Craiglist ang magiging pag-uusap nyo ng kung sakaling magiging future employer mo,
5. WeWorkRemotely
Isa pang website na kung saan makakakita ka ng mga online remote jobs ay ang WeWorkRemotely. Bisitahin mo lang ang page nila at magsign-up upang masimulan mo ng magtrabaho habang nasa bahay ninyo.
6. Freelancer
Ang Freelancer ay isa ring website na kung saan makakakita ka ng legit Filipino homebased jobs. Magpunta lang sa kanilang page, magbasa-basa at gumawa ng account mo ng libre. Saka mag-apply sa mga job postings na tugma sa skills at background mo.
7. PeopleperHour
Isang UK-based company ang PeopleperHour pero nag-ooffer ito ng mga homebased jobs sa mga Pilipino. Basta mayroon kang stable internet connection, good working laptop o desktop computer ay pwede mo ng masimulang magtrabaho na bayad ang kada oras mo.
8. Fiverr
Ang Fiverr ay isa ring online platform na kung saan may mga job posting na available para sa mga aplikante sa buong mundo, Ngunit karamihan ng mga nagtratrabaho dito ay mga Pilipinong pinatunayang maasahan tayo pagdating sa pagbibigay ng excellent na trabaho.
Ang ilan pa sa mga websites na pwede mong bisitahin upang makahanap ng legit Filipino homebased jobs ay ang sumusunod:
9. 99designs
10. DesignCrowd
11. CrowdSPRING
12. Crowdsite
13. 199Jobs
14. Stackoverflow
15. Outsourced
16. Big Outsource
20. 5 Star VA
Photo: Freepik
Basahin: 10 home-based jobs na puwedeng gawin ng mga nanay