Ang pagkakaroon ng discharge kahit pa nagbubuntis ay isang normal na pangyayari. Maaari itong mapansin kahit pa bago malaman na nagdadalang tao. Ang discharge na ito ay tinatawag na leukorrhea. Alamin ang kailangang malaman tungkol dito at kung kailan dapat mabahala.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Leukorrhea
Ang leukorrhea ay normal na discharge na nakukuha sa pagbubuntis ng isang babae. Ito ay hindi malapot na clear o mamuti-muting discharge. Hindi ito masyadong maamoy at maaaring makita 1 o 2 lingo pa lamang ng pagbubuntis. Lalo itong kapansin-pansin habang lumalaon ang pagbubuntis. Kapag mapansin na mayroon na itong kasamang kakaunting dugo at malalapot na discharge, isang senyales ito ng unang bahagi ng labor.
Makakabuti ang hindi paggamit ng tampons habang nagbubuntis dahil maaari itong magpasok ng germs na magdudulot ng impeksiyon. Kung malakas talaga ang discharge, maaaring gumamit ng scented na panty liner. Huwag din gumamit ng douche dahil masisira nito ang balanse ng healthy bacteria sa iyong ari. Ito ay hindi isang impeksiyon na kailangang gamutin. Ganonpaman, kung nag-aalala ay maaaring magpasuri sa iyong duktor para mapanatag ang loob.
Sanhi
Ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng leukorrhea ay ang madalas na sanhi ng mga sintomas sa mga buntis, pabago-bagong hormones. Kahit pa nagbubuntis na, ang mga hormones ay patuloy paring nakaka-apekto sa vaginal discharge. Dahil sa pabago-bagong levels nito, nag-iiba rin ang discharge sa pagtagal ng pagbubuntis.
Sa pagbubuntis din, nagkakaroon ng mga pagbabago sa cervix ng mga babae na maaaring magdulot ng vaginal discharge. Nagsisilbi ang discharge na panlaban sa impeksiyon. Ito ay nangyayari sa pagnipis ng cervix at vaginal walls. Dumarami rin ang discharge kapag ang ulo ng baby ay lumalapit na sa cervix. Nangyayari ito kapag malapit na manganak ang isang nagbubuntis.
Kailan kokonsulta sa duktor
Ang clear o namumuting discharge na may kakaunting amoy ay hindi dapat ikabahala. Subalit, kailangang magpasuri kung ang discharge ay:
- Kulay dilaw, berde o gray
- May malakas na amoy
- May kasabay na pangangati, pamumula o pamamaga
Isa sa mga karaniwang impeksiyon na nakukuha ng mga buntis ay ang candidiasis o yeast infection. Makakabuting maiwasan ito sa pamamagitan ng pagsuot ng malinis at kumportableng underwear. Siguraduhin din na mapunasan itong maigi matapos itong mabasa sa pagligo, paglangoy o maging sa page-ehersisyo. Maaari ring kumain ng yogurt para makuha ang mga healthy bacteria na makakapatay sa mga bacteria na maaaring magdulot ng yeast infection.
Isa ring karaniwan na nagdudulot ng abnormal na discharge ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted disease (STD). Ito ang dahilan kung bakit ang mga nagbubuntis ay kadalasang pinapasuri ng duktor para sa STD. Layunin nito na hindi na maipasa ang sakit sa dinadalang sanggol.
Maaari rin itong maging senyales ng problema sa pagbubuntis. Kapag ang discharge ay kulay pula at lumagpas na ang dami sa 1 ounce, maaaring senyales ito ng placenta previa o placental abruption. Makakabuting magpasuri agad sa iyong duktor.
Basahin din: Iba’t ibang uri ng discharge sa ari ng babae
Source: Healthline, American Pregnancy