Iba't ibang uri ng discharge sa ari ng babae

Iba't ibang uri ng discharge sa ari ng babae

Ito ang ilang mga mahahalagang kaalaman para matukoy kung ang discharge sa ari ng babae ay normal o abnormal. Suriin ang vaginal discharge chart.

Attention mga kababaihan (at mga curious na kalalakihan). Ngayon, ating tatalakayin ang isang sikreto ngunit importanteng isyu: Ano ang itsura ng discharge sa ari ng babae. Ang ating vaginal discharge chart ang maglalarawan nito.

Amin ding sasagutin ang mga karaniwang katanungan tungkol sa discharge tulad ng: Normal ba ang discharge ko? Dapat ba ito ay puti o dilaw? Dapat ba slimy o tila gel? Normal ba na maging medyo brown? Lahat ng mga katanungan na ito ay nakakatakot, ngunit nananahimik tayo tungkol dito.

Nginunit ito ang katotohanan: normal ang discharge sa ari ng babae. Lahat ng babae ay nagkakaroon nito. Walang dapat ikahiya. Hindi ito nakakadiri. At, ito ay parte ng iyong katawan.

Lahat ng dapat malaman tungkol sa discharge sa ari ng babae

Ang iyong discharge ay binubuo ng vaginal secretions at cervical mucus. Ito ay normal na ginagawa ng katawan at pinapanatili ang kalusugan ng iyong ari. Ito a naiiba sa bawat babae.

Subalit, mayroong ilang uri ng vaginal discharge na maaaring abnormal at baka indikasyon ng impeksiyon. Alamin natin ito nang masmalalim pa.

Vaginal discharge chart

Vaginal discharge chart: ano ang itsura ng iba pang vaginal discharge? Image source: File photo

Ano ang normal na vaginal discharge?

Kadalasan, ang normal na vaginal discharge ay malinaw o namumuti at walang mabahing amoy. Ang texture ay maaaring mag-iba. Maaaring maging malabnaw o malapot. Depende ito sa panahon sa buwan nang tignan mo.

Ang dami ngvaginal discharge ay maaari ring mag-iba. Halimbawa, maaaring konti lang ito nang ilang araw, madami sa iba pang araw at wala naman sa iba pa.

Samakatuwid, ang ‘normal’ ay maaaring mag-iba kaya mahalaga na alam mo ang normal para sa iyo. Ngunit paano ito gagawin? Maaari itong gawin sa pagsuri sa kulay, lapot at amoy ng discharge.

Ano ang iba’t ibang uri ng vaginal discharge?

Ang normal na vaginal discharge ay maaaring magkulay puti hanggang dilaw at malapot hanggang malabnaw. Depende ito sa kondisyon ng iyong kalusugan at panahon ng iyong cycle sa buwan na iyon.

Ang cervix ang gumagawa ng 4 na uri ng mucus sa ari base sa panahon ng ovulation.

1. Dry discharge
Vaginal discharge chart

Vaginal discharge chart: Ganito ang itsura ng dry discharge. Image: YouTube screengrab.

Tulad ng pangalan nito, ang uri ng discharge na ito ay tuyo, pasty at nagpapahirap sa penetration. Maaaring maramdaman na nanunuyo ang vulva at kadalasan itong nangyayari sa infertile na panahon ng buwan, pitong araw bago at matapos ang menstrual cycle.

Ang mga araw na iyo ay tinatawag na ‘dry days.’ Sa totoo, mababa ang posibilidad na mabuntis sa mga araw na ito kahit pa mag-unprotected na sex. Ang gamit ng tuyo at pasty na discharge na ito ay pigilan ang sperm na makapasok ng uterus.

2. Creamy discharge
vaginal discharge chart

Vaginal discharge chart: Ganito ang itsura ng creamy discharge. Image: YouTube screengrab.

Sa pagtaas ng estrogen levels ng iyong katawan, ang cervix ay maglalabas ng mas likidong uri ng discharge. Sa panahon na ito, ang iyong vulva ay tila malagkit at basa.

Maaaring mapansin ang malagkit at basang discharge sa iyong labia sa mga araw sa pagitan ng ovulation at dry days. Kaya halimnawa, kung mayroong 28 na araw ang cycle, makikita ang ganitong uri ng normal na discharge sa pagitan ng ika-7 at ika-11 araw.

Kadalasan, ang ganitong uri ng discharge ay manipis at nafi-filter ang mababang kalidad o abnormal na sperm bago pumasok ng uterus.

3. Egg-white discharge
Vaginal discharge chart

Vaginal discharge chart: Nangyayari ang egg-white discharge kung ikaw ay fertile. Image: YouTube screengrab

Habang lumalapit sa ovulation days, mapapansin ang stretchuy at madulas na uti ng discharge. Ito ay kadalasang tinatawag na egg-white vaginal discharge.

Makakaramdam ng kakaibang basang pakiramdam sa iyong vulva na may strings ng discharge na tila egg-white. Ang ilan pa ay maaaring may buo-buo.

Ito ay magandang senyales ng ovulation. Kung ang iyong menstrual cycle ay 28 araw, maaaging makita ang uri ng discharge na ito sa pagitan ng ika-12 at ika-16 na araw. Kaya kung nagpla-plano na magbuntis at napansin ang uri ng discharg na ito, ito ang magandang panahon para sumubok.

Ang uri ng discharge na ito ay gumagawa ng daanan para sa dekalidad na sperm papasok sa uterus.

4. Lubricating discharge
Vaginal discharge chart

Vaginal discharge chart: Ito ang itsura ng lubricating discharge. Image: YouTube screengrab.

Ilang araw lamang bago ang ovulalation, ang iyong discharge ay magiging madulas. Nawawala ang pagkastretch ng cervix mucus at nagiging lubricating.

Nakatuwang kaalaman: ang huling araw na mapansin ang ganitong uri ng discharge ay ang pinaka-fertile na araw sa cycle.

Ito ay dahil ito ang huling araw bago ilabas ang egg. Mayaman din sa potassium ang discharge na ito.

5. White discharge
discharge sa ari ng babae

Vaginal discharge chart: Ito ang itsura ng normal na creamy discharge. Image: File photo.

Ito kadalasan ang normal na vaginal discharge. Maaaring makapansin ng kaunting white discharge sa simula o dulo ng menstrual cycle. Subalit, kung mapansin ang makapal at slimy na discharge na may texture na tila cottage cheese na may kasamang pangangati, malaki ang posibilidad na mayroon kang yeast infection.

Malalaman din kung may impeksiyon kung ang white discharge ay may mabahong amoy, pananakit ng balakang at malalang pangangati o kawalan ng ginhawa.

6. Clear and watery discharge
discharge sa ari ng babae

Vaginal discharge chart: ang malinaw at madulas na vaginal discharge ay normal lamang. Image: YouTube screengrab

Bukod sa mga nabanggit na uri ng vaginal discharge, maaaring makapansin ng malinaw ay tila tubig na discharge. Maaari itong makita ano mang panahon ng cycle.

Hindi ito abnormal. Sa totoo, ito ay talagang normal at kadalasan itong mapapansin matapos ang nakakapagod na ehersisyo.

7. Brown o madugong discharge sa ari ng babae
discharge sa ari ng babae

Vaginal discharge chart: Ang madugong mucus ay maaaring mangyari bago o pagkatapos ng iyong period. Subalit, kung maamoy ito o may kasamang pananakit, dapat magpasuri sa duktor. Image: YouTube screengrab

Bago matapos ang period, maaaring may mapansin na brown na discharge. Huwag mag-alala, normal na discharge ito. Ito ang paraan ng katawan para linisin ang uterus pagkatapos ng period.

Dagdag dito, kung nag-unprotected sex at may napansin na brown o madugong discharge, maaaring indikasyon ito ng pagbubuntis. Ganunpaman, ang malakas na spotting ay maaari ring indikasyon na nakunan. Ano man dito, kailangang pumunta sa duktor para sa tamang checkup.

Sa mga nagmenopause na, maaaring senyales ito ng cervical cancer. Ang routine na pap smear o pelvic examination ay maaaring magklaro ng mga hinala.

8. Yellow discharge
discharge sa ari ng babae

Vaginal discharge chart: Kung may dilaw na discharge, magpasuri sa duktor. Image: YouTube screengrab

Ang dilaw na discharge ay maaaring indikasyon ng impeksiyon. Kadalasan, ang ganitong discharge ay malapot at kung may di magandang amoy, ito ay malinaw na indikasyon ng impeksiyon sa ari.

Maaaring indikasyon din ito ng trichomoniasis, isang sexually transmitted na impeksiyon. Tandaan na kahit maraming may chlamydia o gonorrhea na walang sintomas, ang dilaw na discharge ay isang indikasyon. Bantayan ang ganitong uri ng vaginal discharge dahil hindi ito normal.

9. Green discharge
discharge sa ari ng babae

Vaginal discharge chart: Ang berdeng discharge ay hindi normal. Image: YouTube screengrab.

Ang ganitong uri ng discharge ay abnormal at kadalasang senyales ng seryosong impeksiyon. Kung may kasamang hindi magandang amoy, indikasyon din ito ng trichomoniasis.

Kung may mapansin na ganitong uri ng discharge, magpatingin sa duktor.

Ngayon na napagusapan na natin ang mga normal na discharge at ilang abnormal, ating intindihin kung paano nagiging abnormal ang discharge.

Ano ang abnormal na discharge?
discharge sa ari ng babae

Ang paggamit ng scented na sabon o lotion, o maging pagkakaroon ng regular na bubble bath o pelvic infection ay maaaring maging dahilan ng pagiging abnormal ng iyong discharge. | Image source: File photo.

Kung ang normal na discharge ay magkaroon ng imbalance na bacteria at may di magandang amoy o kulay, ito ay nagiging abnormal. Ito ang ilang bagay (ayon sa WebMD) na nagiging dahilan ng pag-abnormal ng discharge.

  • Paggamit ng antibiotic o steroids
  • Bacterial vaginosis, karaniwang bacterial infection sa mga buntis
  • Kung maraming sexual partners and isang babae
  • Birth control pills
  • Cervical cancer
  • Chlamydia o gonorrhea (STDs), mga sexually transmitted infections
  • Vaginal douches
  • Paggamit ng scented soaps o lotions, o ang regular na pag-bubble bath
  • Pelvic infection
  • Pelvic inflammatory disease (PID)
  • Trichomoniasis, isang parasitic infection na dahil sa unprotected sex
  • Vaginal atrophy, ang panunuyo o pagnipis ng vaginal walls dahil sa menopause
  • Vaginitis, ito ay ang irritation sa loob o paligid ng ari
  • Yeast infections
  • Diabetes
  • Pagbubuntis
Paano masasabi kung normal ang discharge?

Para masabi kung ang discharge ay normal o abnormal, sinusuri ng mga duktor ang ilang factors. Kasama dito ang medical history, pagbubuntis, menopause, at lagnat sa ilang kaso.

Ito ang maaaring itanong kung magpasuri para sa discharge:

  • Ikaw ba ay pre-menopausal o menopausal?
  • Nakabuo ba at nagbubuntis?
  • Nakakaranas ba ng pananakit at lagnat kasama ng discharge?
  • May mabahong amoy ba ang discharge?
  • May napansin bang rash o bukol sa bandang ari?
  • Nakipag-talik ba nang hindi gumagamit ng proteksiyon?

Apart from these, another crucial factor is colour and consistency. Although it should be noted that sometimes even white discharge can become abnormal if there is an underlying medical condition.

In such a case the doctor will administer a pap smear test or take a sample of your vaginal discharge.

Paano ginagamot ang abnormal na discharge?
discharge sa ari ng babae

Laging panatilihin na malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito gamit ang maligamgam na tubig at mild na sabon. | Image source: File photo

Kapag natukoy na ng duktor ang sanhi ng abnormality sa discharge, ang paggagamot ay sisimulan na. Halimbawa, kung may yeast infection, reresetahan ka ng anti-fungal na gamot na maaaring inumin o ipasok sa ari.

Maaaring bigyan ng pills o creams para sa bacterial vaginosis. At para sa trichomoniasis, maaaring resetahan ng metronidazole o tindazole.

Sigurado mang magpapakonsulta para sa abnormal na discharge, siguraduhin na alalahanin ang ilang bagay kahit pa normal ang iyong discharge.

  • Panatilihin ang kalinisan ng ari sa pamamagitan ng paglinis nito gamit ang maligamgam na tubig at mild na sabon.
  • Gumamit ng 100% na mga cotton panty at huwag magsuot ng mga sobrang sikip na salawal.
  • Huwag gumamit ng mga scented na sabon, douche o feminine soap.
  • Matapos dumumi, magpunas mula harap pa-likod. Ito ay para maiwasan ang pagpasok ng impeksiyon sa ari.

Sundin ang mga simpleng alituntunin na ito, mapapanatili mo ang kalusugan ng iyong ari.

Sources: WebMD, NHS

Basahin: May kinalaman ba ang vaginal discharge sa pagkakaroon ng cervical cancer?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner