Madalas ka bang nakakaranas ng matagal na regla na may kasamang malakas na mens o regla? Alamin ang mga posibleng sanhi nito.
Ang pagkakaroon ng regla o menstruation ng isang babae buwan-buwan ay pahirap na para sa kababaihan. Bukod kasi sa nakakaramdam ng sakit at pagkahilo ang karamihang babae, may dagdag pa itong pasakit kung ito ay matagal na menstruation.
Talaan ng Nilalaman
Gaano katagal ang matagal na regla o menstruation
Maraming range ng isang normal na mens o regla. Ayon kay Jessica Sheperd, MD. Isang minimally invasive gynecologist sa Dallas,
“Usually, it can last between five to seven days,” dagdag pa niya, “But there are times at which it can be a few days longer or shorter.”
Narito ang Menstrual cycle 101
Tuwing period cycle ang katawan ng isang babae ang nagpapadala ng hormones upang kumapal ang lining ng uterus (endometrium) upang maging maganda itong tahanan para sa isang potensyal na fertilized egg.
Sa kalagitnaan ng inyong period cycle, ang isa sa inyong mga obaryo ang nagre-release ng isang egg cell kada buwan. Nagta-travel ito pababa ng inyong fallopian tube.
Kapag nakipagtalik ang babae, dito papasok ang sperm cell upang makabuo ng isang sanggol. Kapag hindi naman ito nakapasok ang sperm cell ay lalabas ang egg cell na ito sa katawan ng babae at ito ang magiging regla o mens. Kasama sa paglabas ng regla ang uterine lining na na-built up.
Ang lahat ng babae ay dumadaan sa prosesong ito, ang haba at matagal na mens o malakas na regla maaaring mag-iba-iba sa babae.
Sapagkat nakadepende ito sa kanilang hormonal shift tuwing menstruation cycle nila. Nakakaapekto ito sa endometrium development, at dahil rito ang maaaring umabot ito ng ilang araw bago ito mag-shed ay kay Dr. Shepherd.
Kaya naman kung ikaw ay may matagal na regla na tumatakbo ng isa o dalawang araw o mas umiikli kaysa sa normal niyong tagal ng regla ay hindi dapat ito ipag-aalala.
Subalit kung nakakaramdam ka ng extreme na menstrual pain o cramps, at malakas na regla kasabay ng matagal na regla ay dapat na kayong komunsulta sa inyong doktor.
11 na posibleng dahilan ng matagal na menstruation
Isa sa mga sanhi ng matagal na regla ng mga younger women ay dahil sa IUD (intrauterine devices), isa itong uri ng birth control kung saan inilalagay ito direkta sa cervix ng isang babae.
Nagiging sanhi umano ito ng matagal na regla, lalo na pagkatapos nitong ilagay sa cervix ng babae. Nagiging sanhi rin ito ng malakas na regla o malakas na mens regla. Isa umano itong side effect.
Kapag ganun pa rin umano ang nararanasan matapos ang tatlong cycle ng inyong regla o menstruation bumalik na sa iyong doktor upang mapagkonsulta.
Ito ay nangyayare kung ikaw ay nireregla at nilalabas ng inyong katawan ang extra blood o tissue sa inyong katawan kung na-fertilized ang inyong egg cell.
Pero sa ibang pagkakataon ang mga hormonal signal na ito ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo habang nire-release ang egg cell. Ayon ito kay Sherry Ross, MD, isang ob-gyn at awtor ng She-ology.
Ang tawag umano rito ay “intermenstrual bleeding”. Ito ay nangyayari dahil sa resulta ng slight dip ng estrogen; na nangyayari kapag ovulation.
Maaaring mag-cause ito ng spotting. Kung nakakaranas ka nito kapag malapit ng matapos ang iyong cycle ay hindi mo dapat ito ipag-aalala pero kung nakakaranas ka nito na may kasamang matinding sakit, agad na puntahan ang iyong doktor upang magpakonsulta.
Isa rin umanong sanhi ng matagal na regla ay ikaw ay buntis. Ang signs na ito ay hindi madalas o karaniwan. Ayon ito kay Dr. Toth. Sa kaniyang pagpapaliwanag,
“A common cause for abnormal menses, including longer bleeding, is pregnancy.”
Maaaring hindi kasama rito ang tipikal na sintomas ng pagbubuntis katulad ng nausea.
“Any time a woman has unusual bleeding, it’s always best to eliminate the possibility of pregnancy with a blood test for pregnancy for reassurance,” dagdag pa niya.
Maaari ka ring makaranas ng matagal na menstruation kung umiinom ka ng hormonal birth control. May potensyal umanong mapahaba ng birth control na ito ang inyong mens o regla.
Ang mga uri ng hormonal birth control na ito ay pill, patches, rings, shots, at implants. Ang magandang balita umano ayon kay Dr. Toth ay maraming option ay nagba-vary ng iba’t ibang lebel at types ng hormones.
Kaya naman kundi sa swak sa ‘yo ang isang uri ay marami ka pang options na pwedeng gawin na angkop sa iyong katawan.
Ang polycystic ovary syndrome o PCOS ay isang kundisyon na nakakaapekto sa 10% ng kababaihan. Kung saan nahihirapan silang magkaanak, ayon ito sa Office of Women’s Health (OWH).
Ito’y ang pagtubo ng maliliit na cysts sa obaryo ng babae at nagiging sanhi ito upang hindi makapag mature ang egg cell ng isang babae; na maaaring maresulta ng fertility issues.
Kung ikaw ay nakakaranas nito at iba pang sensyales ng PCOS. Katulad ng migraines, facila hair growth, at weight gain. Magpakonsulta na sa inyong doktor.
1 sa 8 kababaihan ang nagsa-suffer sa low thyroid function o hypothyroidism, minsan sa kanilang buhay ayon ito sa OWH.
Ang thyroid ay isang maliit na butterfly-shaped gland na nakokontrol sa inyong hormones, na nareregulate sa maraming system sa inyong katawan.
Katulad na lamang kung gaano kayo kabilis mag-burn ng calories, o gaano kabilis ang tibok ng iyong puso, o kasama na rin dyan ang inyong menstruation o regla.
Ang pagkakaroon ng maliit na thyroid hormone ay maaaring mag-resulta ng matagal na menstruation at malakas na mens. Isa pang sintomas ng hypothyroidism ay weight gain, fatigue, at hair loss. Kung pakiramdam mo ay nakakaranas ka nito agad na komunsulta sa inyong doktor.
-
Malapit ka nang mag-menopause
Kung ikaw ay tumatanda na at malapit na sa menopause stage tiyak na paiba-iba na ang cycle ng iyong regla. Maaari kang nakakaranas na ng menopause kung ikaw ay 12 na buwan nang hindi nakakaranas ng regla. Kadalasan ang mga babaeng nasa 50 taong gulang pataas ang nakakaranas nito.
Kapag nangyari ito, maaari kang makaranas ng malakas at matagal na regla. Maaari rin mas maikli na lang ito at hindi na ito regular.
Ang pagiging stressed din ay maaaring sanhi ng matagal na regla o malakas na mens.. Ang reaksyon ng katawan ng babae sa stress ay maaaring maging sanhi ng pagbabago ng maraming hormones. Ayon ito kay Dr. Horton.
“Stress can cause delayed ovulation, causing your period to start later than expected, which can make your periods longer and heavier than usual,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, “Identifying and eliminating stressors in your life will help regulate your periods over time. Meditation, getting enough sleep, and regular exercise are also effective ways to manage stress.”
-
Pagiging medically overweight o obese
Kapag ikaw naman ay overweight o obese maaari din itong dahilan ng matagal na regla. Ayon pa rin ito kay Dr. Horton. Sapagkat mas malaki ang iyon katawan mas nagpo-produce ito ng excess estrogen; na maaaring makaapekto sa iyong regla at magiging sanhi rin ng pag-o-ovulate niyo ng regular.
“When you stop having periods every month, the lining of the uterus will become thick, and eventually shed, resulting in very heavy and prolonged bleeding.” Wika ni Dr. Horton.
Ang pagbabawas ng timbang (ideally umano 15 percent ng iyong body weight) ay maaaring makatulong upang ma-regulate ang iyong mens o regla, ayon ito sa kaniya.
Maaaring mag-prescribe any iyong doktor ng birth control pills o progesterone upang makatulong ito sa matagal na mens at malakas na regla o malakas na mens.
Isa na sa maaaring pinaka-severe na dahilan ng matagal na regla ay ang pagkakaroon ng cervical cancer. Ang pagdurugo ng hindi normal o pagdurugo matapos makipagtalik, o spotting sa pagitan ng mga period cycle ay maaaring senyales na ng cervical cancer.
A cervical abnormalities ay maaaring ma-detect sa isang Pap smear o HPV test. Kaya naman siguraduhing regular na magpatingin o magpa-check up sa iyong doktor lalo na kung may history kayo ng cancer sa pamilya.
Gamot sa matagal na regla
Mainam na agad na magpakonsulta sa inyong doktor kung nakakaranas kayo ng hindi normal na period cycle. Lalo na kung matagal na menstruation at malakas na regla ang lagi niyong nararanasan. Gayundin kung mahina pero matagal na regla. Ang pagkonsulta sa doktor ay magbibigay ng mas angkop na gamot sa mtagal na regla.
Ang gamot sa matagal na regla ay depende sa:
- Iyong pangkalahatang kalusugan
- Dahilan ng iyong mga abnormalidad sa regla
- Iyong kasaysayan ng reproductive system
Kakailanganin din ng iyong doktor na tugunan ang anumang napapailalim na kondisyong medikal, tulad ng thyroid dysfunction.
Maaaring kabilang sa mga gamot sa matagal na regla ang mga sumusunod:
Narito ang ilang mga gamot sa matagal na regla na maaaring ireseta sa iyo ng doktor.
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDS), tulad ng ibuprofen o naproxen
- Iron supplements
- Hormone replacement injection na maaaring gamutin ang hormonal imbalances.
- Mga oral contraceptive na maaaring umayos sa iyong cycle at paikliin ang mga regla.
Maaari kang makipagtulungan sa iyong doktor upang maghanap ng mga alternatibo kung ang iyong matagal na regla ay dahil sa mga gamot na iniinom mo na.
Maaari ding magsagawa ng medical procedures bilang gamot sa matagal na regla kung kinakailangan. Ito ay para sa mga mas malalang dahilan ng matagal na regla.
Ang dilation at curettage, na kilala rin bilang D&C, ay isang pamamaraan kung saan pinapalawak ng iyong doktor ang iyong cervix para mag-scrape ng tissue mula sa lining ng iyong matris. Ito ay medyo pangkaraniwang pamamaraan at sa pangkalahatan ay binabawasan ang matagal na regla.
Ang operasyon ay ang pinakakaraniwang paggamot para sa mga tumor na may kanser. Isa rin itong opsyon upang gamutin ang fibroids, ngunit hindi ito palaging kinakailangan. Ang pag-alis naman ng mga polyp ay maaaring gawin gamit ang isang hysteroscopy.
Ang endometrial ablation ay isang pamamaraan na ginagamit sa mga kababaihan na hindi pa nagtagumpay sa mga gamot na ginagamit upang makontrol ang matinding pagdurugo at mga kaugnay na sintomas.
Ang pamamaraang ito ay nagsasangkot ng pagsira ng iyong doktor sa lining ng matris, na nag-iiwan ng kaunti o walang daloy ng regla.
Tinatanggal ng endometrial resection ang lining ng matris. Ang pamamaraang ito ay makabuluhang binabawasan ang iyong mga pagkakataon ng pagbubuntis sa hinaharap.
Kung nagpaplano kang magkaroon ng mga anak, maaaring gusto mong talakayin at isaalang-alang ang iba pang mga opsyon sa paggamot.
Ang hysterectomy ay ang pag-opera sa pagtanggal ng matris at cervix. Maaari ring alisin ng iyong doktor ang iyong mga ovary, kung kinakailangan. Nagreresulta ito sa premature menopause.
Ang pamamaraang ito ay maaaring ang ginustong paggamot kung mayroon kang kanser o fibroids. Nagagamot din nito ang endometriosis na hindi tumugon sa iba pang hindi gaanong invasive na paraan ng paggamot.
Ang pagkakaroon ng hysterectomy ay nag-aalis ng iyong kakayahang magkaanak.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!