Ikaw ba ang mangangak ngayong September 22 hanggang October 23? Naku, isa nan gang certified Libra baby ang iyong anak.
Image from Unsplash
Alamin kung ano ang katangian ng isang batang ipinanganak sa Libra season. Kung wala pang maipapangalan sa iyong baby narito ang ilan mga suggestion na pangalan na angkop din sa katangian ng iyong anak.
Katangian ng isang Libra baby
Ang mga baby libra ang likas na matalino, independent, malayang mag-isip at laging naghahanap ng balanse sa kaniyang buhay. Sa kabilang banda ang mga negatibong traits naman ng isang libra baby ay madali umano itong ma-frustrate, at malungkot kapag sinusubok ang kanilang buhay.
Huwag na raw magtagka sa mga magiging magulang ng mga libra baby dahil may kakulitan umano ang mga libra baby. Asahan na magpapakita ang inyong mga ng unexpected behaviours. Maaaring maging napaka-social nito, basta’t sa naayon sa kaniyang gusto.
Asahan na raw na magiging wonderful sleeper ang iyong Libra baby, o maaaring maging challenging din naman ito.
Dagdag pa rito, hindi susuko ang mga Libra baby upang maipahayag ang kanilang damdamin at pananaw. Kayan naman asahan na mga mommy na magkakaroon ng mga argumento sa pagitan ng iyong anak. Sa kaniyang pagtuntong ng childhood, maaaring may mga pagsubok kasama ng boredom at frustration kung saan bumabagal ang pace sa academic learning. Na maaaring magpakita ng natural rebellious streak.
Ang pagkakaroon ng self-motivation ang pinakamalaking challenge para sa isang Libra child. Hindi karaniwan sa isang Libran na ipakita ang kakaiba nitong ugali, na mayroong humanitarian na outlook sa buhay. At naghahanap laging ng katotohanan at hustisya para sa lahat.
Mabilis matuto sa buhay ang mga Libran baby. Sa kahit anong aspeto man ng kaniyang buhay.
7 posibleng ipangalan sa iyong Libran baby girl
-
Alexandria
Ito ang mula sa salitang Griyego na nag ibig sabihin ay “defending men”. Ang pangalang ito ay mas madalas na ginagamit sa Egypt at Virginia.
-
Amaya
Ibig sabihin ng pangalang ito ay mother city, o night rain. Mula ito sa salitang Espanyol na Amaia o Japanese. Nagmula ito sa isang bundok at village sa Amaya sa Espanya.
-
Bela
Nagmula ang pangalang ito sa Czech sa Russia na ang ibig sabihin ay “white” o “puti”.
-
Celestia
Galing ang salitang Celestia sa wikang Latin na ang kahulugan ay “heavenly”. Naging popular na pangalan ito noong 19th century.
-
Daisy
Mula ito sa salitang English sa ang ibig sabihin ay “day’s eye”. Isa rin itong uri ng bulaklak. Makulay ang kasaysayan ng pangalan na ito dahil napabilang ito sa pop culture history noon.
-
Freya
Ang ibig sabihin naman ng Freya ang “a noble woman” na nagmula sa Old Norse. Nagmula ito sa salitang Freyja, na ang ibig sabihin ay “Lady, noble woman.” Katulad din ito ng pangalan ng Norse goddess of love, beauty, and fertility.
-
Opal
Nagmula sa salitang Sanskrit ang pangalang Opal na may kahulugang “gem”. Naniniwala ang mga Greek na ang mga Opal ay luha dahil sa ligaya na galling kay Zeus nang matalo niya ang Titans. Nagtataglay umano ang opal ng isang prophetic powers. Sa mga Romano naman sinisimbolo nito ang pag-asa at good fortune.
7 posibleng ipangalan para sa iyong Libran baby boy
Image from Unsplash
-
Sebastian
Ito’y pangalan ng isang lalaki sa Greece, at nagmula ito sa wikang latin na may kahulugang “person from the ancient city of Sebastia.”
Nagmula ito sa mga Greek Sebastianos, na may kahulugang “from Sebastia.” Ang Sebastia ay isang siyudad sa Asia Minor-na Sivas, Turkey na sa kasalukuyan. Isaeus
Mayroong kahulugan na “equality” ang pangalang Isaeus. Ang isa sa mga Attic orators noon at pinakamahuhusay sa akademya ay may pangalan na Isaeus. Ito’ys magandang piliin ng mga magulang na mayroong kaisipan patungkol sa social justice.
-
Gareth
Ang pangalang Gareth ay pangalan ng isang lalaki mula sa Welsh na ang ibig sabihin ay “gentle”. Ito ay pangalan ng pinakamagalang at matapang na knight ni King Arthur. Sensitibo sa kaniyang mga aksyon, dahan-dahang gumagawa ng mga desisyon.
-
Coro
Nagmula ang pangalang ito sa Native American na may kahulugang “wind” o hangin. Ito’y isang katutubong salita rin mula sa Venezuela.
-
Alfred
Ito’y galling sa wikang English at ang ibig sabihin ay “wise counselor”. Popular ang pangalan ito dahil nagging pangalan ito ng isang royality sa England, na si Alfred the Great, King of Wessex at siyang isang matalinong tao.
-
Septimus
Ang pangalan na ito ay galling sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “the seventh son”. Naging popular ang pangalang ito nang dahil kay Roman Emperor Septimus Severus na patron of arts and letters.
-
Clement
Nagmula ang pangalang Clement sa salitang Latin na ang kahulugan ay “mild, merciful.” Ang pangalan na ito ay nagging pangalan na ng 14 na Santo Papa at ilang mga santo.
SOURCE:
kidspot, nameberry
BASAHIN:
400 beautiful baby names for 2020 na puwede mong pagpilian
100 baby names inspired by saints
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!