Libreng polio vaccine ipinamimigay sa ilang ospital sa Maynila. Alamin kung anu-ano ang mga ospital na ito at kailan maaring pumunta para magpabakuna.
Mga ospital na nagbibigay ng libreng polio vaccine
Narito ang listahan ng mga ospital na nagbibigay ng libreng bakuna kontra polio sa Maynila. Bukas ito sa mga batang limang taong gulang pababa na hindi pa o nabigyan na ng bakuna kontra polio.
Isang mahalagang paalala, kailangang dalhin ang immunization o vaccination record ng iyong anak sa pagbabakuna.
1. Our Lady of Lourdes Hospital
Sanchez St. Sta.Mesa, Manila
Mula pa noong October 14 ay isa ang Our Lady of Lourdes Hospital sa mga ospital na nagbibigay ng libreng polio vaccine sa Maynila. Ito ay kanilang gagawin hanggang October 27 sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes tuwing 9am-12nn at 1-4pm. Sa araw ng Sabado naman, ito ay kanilang gagawin mula 10-4pm ng hapon.
Kung may katanungan ay tumawag lang sa mga numero ng ospital na 8716-8001-20 local 1205.
2. Ospital ng Maynila
719 Quirino Avenue, corner Roxas Blvd, Malate, Manila
May libreng bakuna rin kontra polio ang ipinamimigay ng Ospital ng Maynila. Ito ay mula pa noong October 14 hanggang October 27. Magpapatuloy rin ito sa November 25 hanggang December 7.
Magpunta lang sa outpatient department ng ospital at maparehistro para sa pagbabakuna.
3. Ospital ng Malabon
F. Sevilla Blvd. Barangay Tañong Malabon City
Tulad na petsang nabanggit sa Ospital ng Maynila, October 14-27 at November 25-December 7 ay libre ring namimigay ng polio vaccine ang Ospital ng Malabon. Kung may katanungan ay makipag-ugnayan lang sa kanilang numero na 518-8602.
4. Capitol Medical Center
Quezon Ave. corner Scout Magbanua St., Quezon City
May libreng polio vaccine rin sa Capitol Medical Center mula October 14-27 at November 25-December 7.
Kung pupunta sa ospital ng 10am-12nn ng tanghali ay dumeretso lang sa outpatient department ng ospital. Magtungo naman sa emergency room ng ospital kung bandang 12pm-4pm balak magpabakuna.
Para sa mga katangunan, maaring tawagan ang Capitol Medical Center sa mga numerong 372-3825 o i-email sila sa pediacapitol@yahoo.com.
5. FEU-NRMF Medical Center
Dahlia St. West Fairview, Quezon City
Mula October 14-27 at November 25-December 7 ay namimigay rin ng libreng polio vaccine ang FEU Hospital sa Fairview, Quezon City mula 8am to 3pm. Isinasagawa ito sa dating emergency room ng ospital. At ito ay first come, first serve basis.
6. De Los Santos Medical Center
201 E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City
Patuloy naman ang pamimigay ng libreng bakuna konta polio sa Delos Santos Medical Center ngayong October 21-25 tuwing 9am ng umaga hanggang 4pm ng hapon. Samantala, 9am-12nn sa October 26. Isasagawa ang pagbabakuna sa outpatient department ng ospital na matatagpunan sa lower ground floor ng main hospital building.
7. UERM Medical Center
64 Aurora Blvd, Quezon City
Nakikiisa rin ang UERM Medical Center sa programang “Sabayang Patak Kontra Polio“. Ito ay kanilang sinimulan noong October 14 hanggang itong October 26, 9-4pm ng hapon. Magpunta lang sa UERM parking lot para sa libreng pagpapabakuna.
8. The Medical City
St. Francis Mandaluyong City
Mula October 21-25 tuwing 9am-4pm ay may libreng patak kontra polio din ang isasagawa sa The Medical City sa Mandaluyong. Magpunta lang sa pedia office sa 4th floor ng ospital para sa libreng pagpapabakuna.
9. Jesus Delgado Memorial Hospital
7 Kamuning Road, Quezon City
Nagsimula naring mamigay ng libreng polio vaccine ang Jesus Delgado Memorial Hospital sa Quezon City noong October 14. Magtatapos ito hanggang October 27 mula 10am-4pm. Magpunta lang sa well-baby room sa outpatient department ng ospital o kaya naman ay tumawag sa 8924-4051 to 65 kung may katanungan.
10. World Citi Medical Center
960 Aurora Blvd, Project 4, Quezon City
Ang World Citi Medical Center sa Quezon City ay nakikiisa rin sa “Sabayang Patak Kontra Polio”. Ito ay sinimulan nila mula pa noong October 14 na nagpapatuloy hanggang October 27 at November 25 hanggang December 7.
Magpunta sa lang OPD Pavillion ng ospital o kaya naman ay tumawag sa 8913 8380 loc. 431 o 09177085843 para karagdagang impormasyon.
11. Metropolitan Medical Center
1357 Masangkay St, Santa Cruz, Manila
Nagpapatuloy naman sa pamimigay ng libreng polio vaccine ang Metropolitan Medical Center sa Sta.Cruz, Maynila hanggang sa October 26 tuwing 8am-3:30pm ng hapon. Magpunta lang sa emergency room sa lobby area ng main hospital building.
12. Chinese General Hospital and Medical Center
286 Blumentritt Rd, Sampaloc, Manila
Libre ring namimigay ng polio vaccine ang Chinese General Hospital mula pa noong October 14 hanggang ngayong October 25 tuwing 9am-2pm ng hapon. Magpunta lang sa lobby ng ospital para sa libreng pagpapabakuna.
13. TriCity Medical Center
269 C. Raymundo Ave, Pasig City
Mayroon ring libreng bakuna sa polio ang ipinamimigay sa TriCity Medical Center. Nagsimula ito nito lamang October 17 na magpaoatuloy hanggang October 26. Ang pagbabakuna ay isinasagawa tuwing 9am-12nn ng tanghali at 1pm-4pm ng hapon sa conference room ng ospital.
Samantala, maliban sa mga ospital na nabanggit at mga barangay health centers ay maari ring mabigyan ng libreng polio vaccine mula sa mga pampublikong ospital sa buong bansa. Tandaan lang na dapat dalhin ang vaccination records ng iyong anak sa pagpapabakuna.
Source: Relief Web
Basahin: 8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio