X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Albert Martinez nilunok ang pride para mapagamot si Liezl: "You'll do anything for your wife"

5 min read

Liezl Martinez, hindi basta umano mapapalitan ng ibang babae sa puso ng mister na si Albert Martinez. Albert inalala ang mga huling sandali na kasama ang namayapang misis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-alala ni Albert Martinez sa namayapang misis na si Liezl Martinez.
  • Paano nilunok ni Albert Martinez ang kaniyang pride para mapatagal pa ang buhay ng misis.

Pag-alala ni Albert Martinez sa namayapang misis na si Liezl Martinez

liezl martinez at mister na si albert martinez

Image from Instagram

Nakapanayam ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang aktor na si Albert Martinez. Ang topic ng kanilang interview ay tungkol sa namayapang misis ni Albert na si Liezl Martinez at ang mga huling sandali nito na kasama siya.

Si Liezl ay namayapa noong 2015 sa edad na 47 dahil sa breast cancer.

Malinaw pa sa alala ni Albert ng malaman nilang may tumor na nakita sa suso ng kaniyang misis at dating aktres rin na si Liezl noong 2008.

Kuwento ni Albert, hindi nila inakala na mayroon na palang malalang sakit ang misis. Ito ay aksidente lang nilang natuklasan ng sumailalim sa mga test ang misis na biglaan lang naisipan ni Liezl kasama ng isang malapit na kaibigan.

“I was doing a project with ABS that time and I lost weight within two weeks. Because I couldn’t sleep, I couldn’t eat. We don’t know what to do. We are in limbo because we are not prepared.”

Ito ang pagkukuwento ni Albert na sobrang nagulat sa sakit na taglay ng asawa na nasa stage 3 breast cancer na noon.

Maliban sa pag-alala sa kondisyon ng asawa, naging pahirap rin daw kay Albert ang gastos sa pagpapagamot sa misis. Pero ginawa niya ang lahat para maisalba ang buhay ng asawa. Sa katunayan ay minsan na daw nitong natalo ang cancer na inakala nilang hindi na magbabalik pa.

Pero bumalik ang cancer ni Liezl at mas lumala pa. Kumalat na rin ito sa ibang bahagi ng kaniyang katawan. Si Liezl umabot na sa puntong ayaw niya ng magpagamot.

Sapagkat alam niyang hindi na nila kayang tustusan financially ang pagpagamot niya. Pero hindi pa rin tumigil si Albert at handa paring gawin ang lahat para sa misis niya.

“We don’t know what to do to it anymore. We checked ‘yong vitals niya hindi na ganoon kaganda. Her heart’s got affected, her kidneys got infected. Tapos sabi niya I don’t want to do chemo anymore. Let’s accept it the way it is.”

“It was bad, but she was the one who made the decision. She said na ‘Papa I know, we got hit really bad financially. I don’t want to pull you too much down anymore.’ Sabi ko, ‘No, let’s do it. Whatever we can do, let’s go for it.’”

Ito ang kuwento pa ni Albert.

Paano nilunok ni Albert Martinez ang kaniyang pride para mapatagal pa ang buhay ng misis

liezl martinez at mister na si albert martinez at mga anak nila

Image from Instagram

Para nga lang daw mapagamot ang misis, sabi pa ni Albert ay nilunok niya ang pride niya. Lumapit siya sa kaniyang father-in-law at nakiusap na tulungan siya para maipagamot pa ang asawa. Humingi na rin siya ng tulong sa mga kaibigan at kakilala niya.

Matatandaang hindi naging maganda ang relasyon sa pagitan ni Albert at mga magulang ni Liezl na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez. Dahil para lang magkasama ay kinailangang magtanan ni Albert at Liezl upang makapagpakasal.

“She found this drug in Spain that is supposedly good but the amount is huge. That was the point na I swallowed my pride.

I talked na to my father-in-law, ang sabi ko magtulungan tayo because we really don’t have the funds na to cover that. I have to talk to other friends na hindi ko pa nakausap. Talagang, you’ll do anything for your wife.”

Ito ang kuwento pa ni Albert.

BASAHIN:

LOOK: Geoff Eigenmann ikinasal na sa kaniyang girlfriend na si Maya Flores

Bettina Carlos on ectopic pregnancy: “Kahit sabihin nila na ‘Hindi pa tao ‘yan…’ For us, it was real.”

Coleen Garcia sa pagsama kay Baby Amari sa lock-in taping: “Breastfeeding pa rin kasi ako.”

Liezl mahirap palitan para kay Albert Martinez

Pero noong March 14, 2015 sumuko na si Liezl sa laban niya. Si Albert bagamat gusto pa noong lumaban at in denial pa rin sa pinagdadaanan ng asawa ay wala ng nagawa.

“Alyssa was there with me. I asked Alyssa to resuscitate, sabi ni Alyssa ‘No, let Mama rest na.’”

Ito ang kuwento ni Albert sa mga huling sandaling kasama niya ang asawa at bunsong anak nilang si Alyssa.

Sa ngayon, si Albert matapos ang halos pitong taon ay umaming nahihirapan pa rin sa pagkawala ng misis niya. Kuwento niya pa, napakahirap palitan nito sa buhay niya.

“I don’t go through with it parang I am not ready yet. It’s Liezl. She was very hard to fill.”

Ito ang sagot ni Albert sa tanong kung bakit hindi na siya nag-asawang muli.

Sa ngayon, maliban sa pag-aartista ay binubuhos ni Albert ang atensyon at oras niya sa mga anak at sa kaniyang tatlong apo.

albert martinez kasama ang kaniyang mga apo

Image from Albert Martinez’s Facebook fan page

 

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Albert Martinez nilunok ang pride para mapagamot si Liezl: "You'll do anything for your wife"
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.