Ligtas na paggamit ng hand sanitizer, ating alamin!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang masamang epekto ng hand sanitizer sa mata ng iyong anak?
- Ligtas na paggamit ng hand sanitizer
- Sintomas ng COVID-19
Masasabi nang pangangailan ang pagsusuot ng face mask at hand sanitiser lalo na ngayong nakakaranas tayo ng pandemic sa buong mundo. Kasama na rito ang matinding pag-iingat hindi lang natin kundi pati na rin ang ating mga anak para makaiwas sa nakamamatay na virus.
Isa sa pag-iingat na ating sinasanay ay ang madalas na pag-gamit ng hand sanitiser na matatagpuan sa ating bag. Isang paniniwala na kapag gumamit nito, patay lahat ng germs sa iyong kamay.
Ngunit isang pag-aaral ang nagsasabing may masamang dulot ang hand sanitizer sa mga bata. Ito’y dahil maaaring magkaroon ng delikadong epekto sa kanilang mga mata.
Ano ang masamang epekto ng hand sanitizer sa mata ng iyong anak?
Ayon sa pag-aaral na nakalimbag sa JAMA Opthalmology, ang sobra-sobrang paggamit ng alcohol-based hand sanitizer ngayong pandemic ay lubhang delikado sa mata ng mga bata at maaaring magdulot ng injury.
Mula April 1 hanggang August 24, 2020, nakapagtala ang French Poison Control Centre ng mataas na kaso ng eye injury na pasok sa edad 18 pababa. Ito ay dulot ng delikadong kemikal na matatagpuan sa mga hand sanitizer. Mas mataas ito kung ikukumpara sa nakaraang taon.
BASAHIN:
FDA, ipinagbawal ang ilang hand sanitizer dahil sa toxic content nito
Dumadami ang pimples dahil sa face mask? 5 tips kung paano maiiwasan ito
Sa parehong taon, 16 na bata ang natalang isinugod sa pediatric ophthalmology hospital sa Paris. Ito’y dahil natalsikan ng hand sanitizer ang kanilang mga mata. May dalawa ring kaso na kinakailangan ng transplant tissue surgery sa kanilang cornea.
Dagdag pa ng mga researcher, halos nasa edad 4 pababa ang naitalang naka-confine sa ospital. Kaya naman dito nila nalaman na mas high risk sa eye injury ang mga bata.
Paalala pa nila na delikado sa mga bata ang hand sanitizer dispenser na matatagpuan sa public places katulad ng mall, school, public transportation at offices.
Una itong nadiskubre noong 2020 nang nagkaroon ng 63 kaso ng exposure sa pampublikong lugar. Wala namang naitalang kaso taong 2019.
“Moreover, other irritant additives, including hydrogen peroxide, polyethylene glycol (to increase viscosity), perfumes, or essential oils, may increase the ABHS ocular toxicity.”
Paliwanag ng mga researcher, ang mga alcohol-based hand sanitizers na ito ay lubhang delikado dahil naglalaman ito ng mataas na lebel ng ethanol concentration. Maaari nitong mapatay ang cells sa cornea ng isang tao.
Paano mapoprotektahan ang iyong anak?
Bilang kaugnayan sa pag-aaral na nakalimbag sa JAMA Opthalmology na hatid ng physicians mula India, narito ang ilang preventive measure sa ligtas na paggamit ng hand sanitiser.
- Imbes na gumamit lagi ng alcohol-based hand sanitizers, mas makabubuti ang paghuhugas ng kamay na may kasamang sabon.
- Turuan ang iyong anak ng tamang paggamit ng hand sanitizer.
- Para sa mga mall, mas makabubuti kung may separate dispenser ang hand sanitizer para sa mga bata na tama lang sa kanilang height.
- Maglagay ng caution signs sa tabi ng sanitiser dispenser.
Dagdag pa ng mga researcher, mas makabubuti kung may patnubay ng matatanda ang mga bata sa paggamit ng alcohol-based hand sanitisers.
Ngunit maaari naman gumamit ng alcohol-free hand sanitisers para sa mga bata.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Karagdagang ulat mula kay Mach Marciano