Face mask safe for toddlers nga ba? Narito ang pahayag at paliwanag ng mga eksperto.
Face masks for kids
Sa patuloy na pagkalat ng sakit na COVID-19 naging normal na sa ating lahat ang pagsusuot ng facemask sa tuwing lumalabas ng bahay. Dahil ayon sa mga health experts isa ito sa pinaka-epektibong paraan upang maiwasang makalanghap ng mga air droplets na maaring may dala ng COVID-19 virus.
Pero ang pagsusuot ng mask ay hindi madali, dahil ito ay nakakapagdulot minsan ng hirap sa pahinga at sakit ng ulo. Paliwanag ng CDC ang mga sintomas na ito ay dulot ng kondisyon na kung tawagin ay hypercapnia. Ito ay ang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng sobra o excessive na carbon dioxide sa bloodstream ng isang tao. Madalas itong nararanasan kapag sobrang tagal o mahabang oras ng nakasuot ng facemask.
Maliban sa hypercapnia, mataas rin ang posibilidad na makaranas ng hypoxia ang isang tao sa pagsusuot ng mask. Ito naman ay ang kondisyon na kung saan hindi nakakakuha ng sapat na oxygen supply ang tissues sa katawan. Dahilan upang mauwi ito sa suffocation kung mapapabayaan.
Dahil sa mga nabanggit na epekto ng facemask, naging isang malaking tanong sa mga magulang kung ang face mask safe for toddlers nga ba. Ang sagot ng mga eksperto ay oo, basta tamang facemask ang ipapasuot sa kanila.
Face mask safe for toddlers
Pahayag ng American Academy of Pediatrics, ligtas naman ang pagsusuot ng mask sa mga batang edad dalawa pataas. Ngunit hindi para sa mga batang dalawang taong pababa. Dahil sila umano ay hindi pa marunong mag-alis ng mask kung nahihirapan na silang makahinga na nagpapataas ng tiyansa ng suffocation.
“They may not have the motor skills or coordination to remove a secured mask if having breathing difficulty or are overheated,”
Ito ang pahayag ni Dr. Jennifer Shu. Siya ay isang certified pediatrician at spokeswoman ng American Academy of Pediatrics.
Ayon naman kay Dr. Jeffrey Kahn, mahalaga ang pagsusuot ng mga face coverings na nagsisilbing barrier ng mga bata laban sa COVID-19 virus. Lalo na nga kung sila ay nasa labas ng bahay o pampublikong lugar. Ang mga oras nga lang daw na ligtas na walang suot na facemask ang mga bata ay kapag nasa loob sila ng bahay. Sa tuwing nag-swiswimming at kapag naglalaro sa labas kasama ang ibang mga bata na may 6-foot distance sa isa’t-isa.
Image from Freepik
Para naman sa mga batang may sensory disorder o mental health condition na maaring mahirapan sa pagsusuot ng mask, mas mabuti umanong panatilihin nalang sila sa loob ng bahay.
“If your child has a developmental disability, mental health condition, or sensory disorder that makes it difficult to wear a cloth face covering, it may be best to avoid crowded places or social interactions where masks are needed.”
Ito ang pahayag ni Dr. Kahn. Siya ay ang chief ng division of pediatric infectious disease sa UT Southwestern Medical Center.
Ligtas na facemask para sa mga bata
Ayon naman kay Dr. Vivek Cherian, isang internal medicine physician mula sa Baltimore, Maryland, hindi lahat ng uri ng mask ay ipinapayong ligtas para sa mga bata. Partikular na ang N95 face mask na madalas na isinusuot nating matatanda. Dahil sa ito ay kayang mabawasan ang oxygen intake ng 5 to 20% na nagpapataas ng tiyansa ng suffocation sa mga bata. Sa halip, ipinapayo niya ang pagpapasuot ng cloth face mask sa mga bata na sasakto ang fit sa kanilang ilong at bibig. Makakatulong nga umano kung ang mga ito ay may adjustability features tulad ng ties o metal nose bridge. Ito ay upang mapanatiling protektado sila sa sakit habang sila ay komportable o maayos na nakakahinga.
Payo naman ng CDC, kung magtatahi ng sariling cloth face mask ay may dapat isaisip. Ang tatahiing face mask ay dapat maayos o masinsinang itinahi. At gawa sa dalawang layers ng telang 100% cotton.
Pero maliban sa pagsusuot ng facemask, mariing ipinapayo ng mga eksperto na iwasan nalang ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Iwasan ang pagkakaroon ng interaksyon sa ibang tao o hindi kasamang nakatira sa loob ng iisang bahay. Laging i-observe ang physical distancing kung lalabas. Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay. At higit sa lahat panatihing malusog ang katawan laban sa mga sakit. Ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at pagkakaroon ng sapat na tulog o pahinga.
Kung naghahanap naman ng facemask for kids, narito ang ilan sa maari ninyong mabili online.
Facemask para sa mga bata na mabibili online
1. Disney’s Cloth Face Masks P390.00
Available in Lazada
2. Airbon Nano Mask for Kid P100.00
Available in Lazada
3. MEO Kids Face Mask P799.00
Available in Lazada
4. Orange and Peach Kids Face Masks P249.00
Available in Lazada
5. 3-Ply Disposable Face Mask for Kids P369.00
Available in Lazada
Sources:
Healthline, USA Today
BASAHIN:
DOH at DILG hinihikayat ang publiko na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!