X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

DOH at DILG hinihikayat ang publiko na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay

5 min read

Social distancing at wearing face mask at home iminumungkahi ng DOH at DILG. Ito ay upang mas makontrol ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Social distancing at wearing face mask at home

Patuloy ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa Pilipinas. Sa katunayan, base sa pinaka-latest na data mula sa DOH ay may 129, 913 kumpirmadong kaso ng sakit na sa bansa. Habang may naitala ng 2,270 na kataong nasawi dahil rito. Isa nga sa pangunahing dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit umano ay hawaan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Kaya naman dahil dito ay iminungkahi ni DILG Secretary Eduardo Año sa isang panayam na dapat ay isagawa parin ang social distancing sa loob ng bahay. At kung ito naman ay malabo o imposibleng magawa ay dapat i-praktis ang face mask at home o pagsusuot ng facemask kahit ikaw ay nasa loob ng bahay ninyo na.

“Dapat ang best try ay gawin nila. Ang pinaka-importante dyan, kung talagang hindi nila maiiwasan, talagang magsuot sila ng mask. Advisable din ‘yung face shield dyan.”

Ito ang pahayag ni Año.

face mask at home

Image from Freepik

Pahayag ng DOH

Ang pahayag na ito ni Año ay sinuportahan ng Department of Health. Ayon sa kanila, ang pagsusuot ng facemask sa loob ng bahay ay dapat lang gawin. Lalo na kung may isang miyembro ng pamilya ang nagpapakita ng sintomas ng sakit na COVID-19. At may miyembro ng pamilya ang kabilang sa vulnerable population. Tulad ng mga senior citizens, immuno-compromise o may iniinda ng ibang karamdaman.

Sa pagsasagawa umano ng mga hakbang na ito ay nababawasan ang tiyansa ng isang tao na mahawa sa sakit ng hindi bababa sa 85 porsyento.

Findings ng isang pag-aaral

Ang pahayag ng dalawang ahensya ay maiuugnay naman sa naging resulta ng isang pag-aaral tungkol sa pagsusuot ng face mask at home. Ang pag-aaral ay nailathala sa BMJ Global Health journal na sinabing ang pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay ay 79% effective na paraan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa bawat miyembro ng pamilya. Mas tumataas nga daw ang effectivity nito, kung ito ay gagawin kahit wala pang ipinapakitang sintomas ang sinuman sa loob ng inyong bahay.

Ang konklusyon na ito ng pag-aaral ay nabuo matapos interviewhin ng mga researchers ang 460 na katao mula sa 124 na pamilya sa Beijing, China na nag-positibo sa sakit. Mula sa kanilang ginawang panayam tungkol sa household hygiene at behavior ng nag-participate sa ginawang pag-aaral natuklasan nilang ang person-to-person transmission ay madalas na nangyayari sa pagitan ng magkakapamilya.

face mask at home

Image from Freepik

Reaksyon ng mga eksperto

Ayon naman sa CDC, ang pagsusuot ng face mask at home ay ipinapayo sa mga oras na may ibang tao ang nasa loob ng inyong bahay. Tulad ng mga bisita na hindi naman nakatira o namamalagi rito. Kung maari ay dapat ding isagawa ang social distancing, bagamat sa loob ng bahay ay napaka-hirap nitong gawin.

Pero para kay Dr. Tom Miller, Chief Medical Officer sa University of Utah Health, ang pagsusuot ng face mask at social distancing ay mahalagang dapat gawin sa tuwing lalabas ng bahay. Ito ay upang maiwasan ng madala o maipasok pa ang virus sa loob ng bahay. Dahil ang pag-iwas ng interaksyon sa bawat miyembro ng pamilya ay mahirap. Lalo na sa maliliit na bata o ating mga anak.

“I think the important thing is to, again, really get it into everybody’s heads that when they leave the house when they cross the threshold, they’re super aware of what the environment is like outside. Because that’s the best way when they come home to eat, to sleep, to engage with other family members. That they’ll be as safe as they can be.”

Ito ang pahayag ni Dr. Miller.

Hindi niya naman kinontra ang effectivity ng pagsusuot ng mask sa loob ng bahay kontra COVID-19. Ngunit dahil sa ito ay mahirap gawin lalo na ang social distancing mas mabuti umanong isagawa ang pinaka-best na paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa sakit. Ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

Mga dapat gawin sa loob ng bahay bilang proteksyon laban sa COVID-19

face mask at home

Image from Freepik

  • Madalas na paghuhugas ng kamay.
  • Pag-iwas na mahawakan ang mukha kung hindi pa nakakapaghugas ng kamay.
  • Paglilinis sa mga commonly used areas sa loob ng bahay. Lalo na ang mga surfaces na madalas na nahahawakan tulad ng door knobs.
  • Hindi rin dapat naghihiraman o nagsheshare ng plato, baso, kutsara o iba pang gamit pangkain. Ganoon rin ang iba pang personal items tulad ng tuwalya o towel.
  • Pagpraktis ng physical distancing at pagsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.

Samantala, maliban sa panukalang pagsusuot ng face mask at home, ay ipinanukala rin ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield. Lalo na ang mga bumabyahe o sumasakay sa pampublikong transportasyon na mataas ang tiyansang ma-expose sa COVID-19 virus.

 

Source:

ABS-CBN News, CDC

BASAHIN:

Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?

Fake face masks mula sa China nadiskubre sa Pilipinas

Dumadami ang pimples dahil sa face mask? 5 tips kung paano maiiwasan ito

Partner Stories
Accenture Recognized as Breastfeeding-Friendly Workplace by the Philippine Pediatric Society
Accenture Recognized as Breastfeeding-Friendly Workplace by the Philippine Pediatric Society
P&G Philippines’ Erica Cabayan shares why more women leaders and allies matter at work
P&G Philippines’ Erica Cabayan shares why more women leaders and allies matter at work
Gretchen Ho: Connecting women in action
Gretchen Ho: Connecting women in action
Why the right breakfast cereal is healthier than you think, according to nutrition experts
Why the right breakfast cereal is healthier than you think, according to nutrition experts

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • DOH at DILG hinihikayat ang publiko na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay
Share:
  • Mga hindi magsusuot ng face mask sa Pasay City, mumultahan ng 2000 pesos

    Mga hindi magsusuot ng face mask sa Pasay City, mumultahan ng 2000 pesos

  • Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

    Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mga hindi magsusuot ng face mask sa Pasay City, mumultahan ng 2000 pesos

    Mga hindi magsusuot ng face mask sa Pasay City, mumultahan ng 2000 pesos

  • Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

    Fact Check: Safe ba magsuot ng face masks ang bata?

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.