TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?

4 min read
Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?

Mas prone sa COVID-19 ang mga matangkad? Totoo ba ito? | Lead Image from Freepik

Totoo bang mas high risk sa COVID-19 ang mga taong matangkad? Ano nga ba ang katotohanan sa pag-aaral na ito?

Sa dami ng mga pag-aaral na lumalabas ngayon tungkol sa nararanasan nating COVID-19 pandemic, hindi na natin alam kung may sapat pa bang basehan ang mga ito. Ngunit kung titignan natin ang ibang anggulo, binibigyan rin tayo nito ng dagdag impormasyon sa nasabing sakit.

COVID-19 sa mga matangkad

Sa pag-aaral na isinagawa ng University of Manchester, pinag-aralan nila ang kaugnayan ng height ng tao sa pagkakaroon ng COVID-19. Kasama sa pag-aaral na ito ang 2,000 na tao mula sa United Kingdom at United States kung saan sila ay pinasagot ng survey.

covid-19-sa-matangkad

COVID-19 sa mga matangkad | Image from Unsplash

At dito nga nalaman na ang mga 6 footer pataas na tao ay mas doble ang risk na magkaroon ng COVID-19.

“Taking both samples together, being tall more than doubled the probability of having a COVID-19 medical diagnosis or positive test for people over 6 feet.”

Ngunit paano nga ba ito nangyari? Ayon sa pag-aaral na kanilang isinagawa, ito ay may kinalaman sa aerosol transmission.

“[T]he data in both countries, argue the researchers, could suggest that aerosol transmission is very likely, with taller individuals at higher risk – something that would not be expected if transmission was exclusively through droplets.”

Matagal nang iniisip ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist ang maaaring maging posibilidad ng transmission ng COVID-19 sa mga matatangkad. Nagsimula ito sa pagbibiro niya sa mga kasamang hindi masyadong matangkad. Ayon sa kaniya, maswerto ang mga kasama niyang doctor dahil less risk sila dahil sa height.

Kaya naman ikinagulat niya ang lumabas na pag-aaral ng University of Manchester tungkol sa risk ng mga tatangkad sa COVID-19.

“We have already established that COVID-19, the possibility of transmission is also airborne aside from droplet. Nandun sya sa ere na medyo matagal… I would seem to agree baka may correlation din yung height because if you are taller than 6 feet and above the air will be exposed to that longer.”

Ngunit paglilinaw ng doctor na hindi dapat ito maging basehan sa hindi na pag-iingat ng mga taong hindi katangkaran. Ito ay dahil maaari pa ring magkaroon ng COVID-19 ang mga hindi 6 feet ang tangkad.

Hindi naman kumbinsido ang infectious disease expert na si Dr. Benjamin Co sa pag-aaral na ito. Ayon sa kaniya, kailangan pa ng mas matibay na ebidensya para masabing ang mga matatangkad ay mas prone sa COVID-19.

covid-19-sa-matangkad

COVID-19 sa mga matangkad | Image from Unsplash

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib
covid-19-sa-matangkad

COVID-19 sa mga matangkad | Image from Freepik

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

Fake face masks mula sa China nadiskubre sa Pilipinas

STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga may O blood type

STUDY: Mas mataas ang chance na magkaroon ng COVID-19 sa bahay

Partner Stories
EPIK HIGH Is Here: Asia Pacific Tour 2022 - Manila
EPIK HIGH Is Here: Asia Pacific Tour 2022 - Manila
Celebrate Nutrition Month with these four well-balanced recipes for kids!
Celebrate Nutrition Month with these four well-balanced recipes for kids!
Cebu Pacific issues reminders to Fly Easy as travel picks up
Cebu Pacific issues reminders to Fly Easy as travel picks up
Learn new fun, useful skills from these awesome YouTube creators
Learn new fun, useful skills from these awesome YouTube creators

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko