Nagbabala ang publiko sa kumakalat na fake face mask sa brand na Aidelai. Ito raw ay inaakalang ‘Made in Taiwan’ ngunit natagpuan na sa China pala galing.
Fake face masks mula sa China nadiskubre sa Pilipinas
Sa isang Facebook page, ibinihagi nito ang ilang litrato ng face mask na may brand name na ‘Aidelai’ at ito raw ay napagalamang fake.
Ang fake Aidelai face mask ay inaakalang Made in Taiwan ngunit sa China pala ito mismo nanggaling. Kalat ito sa bansa dahil sa pagbebenta ng bulto o naka box ng mga filipino sellers. May description rin ito na “anti-bacterial, able to keep out smells, dust, smog, sunlight, and can block PM2.5 particulates”
Sa certificate ng face mask na ito nakalagay na ito ay manufactured “Taibei Rongyi Textile Co”. Makikitang mali rin na mali ang spelling ng capital ng Taiwan na ‘Taipei’. Habang ang company nitong Rongyi Textile Co. ay hindi nakita sa mismong bansa dahil ito ay natagpuan sa Jiangsu province, China.
Narito ang mga registered facemask na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA):
|
Product Name |
Company Name |
Blue Cross Disposable Surgical Mask |
Pharmatechnica Laboratory Inc. |
Disposable Face Mask |
Hexagon Medical Supplies |
Face Mask PM2.5 Disposable Mask |
Funtastic International, Inc. |
Indoplas Face Masks |
Indoplas Philippines, Inc. |
KN95 Indoplas Face Mask |
*Indoplas Philippines Inc. |
Indoplas Face Mask |
Indoplas Philippines Inc. |
KN95 Disposable Face Mask |
Funtastic International, Inc. |
McBride Device Name: KN95 Protective Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
McBride Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Mediclean Device Name: Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Resprotec Disposable Surgical Mask |
Pharmatechnica Laboratory, Inc. |
Safeplus Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
For Kids: Safeplus Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Safeplus KN95 Protective Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Sure-Guard Carbon Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Sure Guard Face Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Sure-Guard® Device Name: KN95 Protective Mask |
AMB HK Enterprises Inc. |
Valved Masks
Bukod rito, kamakailan lang rin ay nagbigay rin ng paalala ang Food and Drug Administration o FDA na hindi napipigilan ng face mask na may mga valve ang pagtigil ng COVID-19 sa paligid. Dagdag pa nito, ang valved mask na ito ay hindi dinesenyo para sa medikal na gamit. Kadalasan kasi itong ginagamit sa mga industrial use katulad sa construction site na pangsala ng mga alikabok.
Mahigpit din itong pinagbabawal ang pagsusuot sa mga ospital o ‘yung may mga active exposure ng COVID-19.
“Karamihan po kasi sa masks na may valve, hindi po registered iyan as a medical device. Designed po sila for industrial use, sa mga construction workers, karpintero. Ang talaga kini-keep out niya ‘yung abo o particles. Hindi siya designed for infection control.”
Dagdag pa nito na nasasala nito ang bacteria na papasok ngunit hindi ang paglabas. Mas makabubuti pa ang pagsusuot ng surgical at cloth mask sa pagpigil ng COVID-19, ayon rito.
Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihir lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Image from Unsplash
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
Taiwan News
BASAHIN:
Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA
Maaaring makulong ang mga hindi magsusuot ng mask, ayon kay Interior Secretary Año
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!