Liham ng pasasalamat para sa minamahal na mister at magulang

Basahin ang isang liham para sa minamahal na mister mula sa nagpapasalamat na misis. Pati na rin ang liham ng isang anak para sa kaniyang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan sa sobrang daming ginagawa sa bahay at sa pag-aalaga sa mga anak, nakakalimutan natin magpasalamat sa ating mga mister. Basahin ang isang liham para sa minamahal na mister mula sa nagpapasalamat na misis. Mayroon ding bukas na liham para naman sa pagmamahal ng magulang mula sa kaniyang anak.


Liham para sa minamahal na asawa

Dear husband,

Malalim na ang gabi, napatulog ko na ang mga bata, finally, makakaupo na ako! Halos buong araw, nakatayo ako—inaalagaan ang mga anak natin, gumagawa ng gawaing bahay, at nagtratrabaho.

Pagod na pagod na ako.

Sa pagod ko, hindi ko namalayan na hinawakan mo ang buhok ko nang papunta ka sa kusina. Sa pagod ko, hindi man lang ako ngumiti nang inabot mo sa akin ang aking inumin.

Habang nakahiga na tayo sa kama, hindi ako makatulog. May bumabagabag sa akin.

Doon ko na-realize na mula nang maging nanay ako, hindi na ako gaanong nagpapasalamat sa iyo para iba’t ibang paraan na sinusuportahan mo ako at ang mga anak natin. Nakakaligtaan kong pasalamatan ka sa pagiging ama mo.

Kaya, thank you.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Salamat dahil hinahayaan mo akong matulog nang mas matagal kapag weekend. Tuwing gigising ako, nahanda mo na ang agahan natin sa lamesa. Nilulutuan mo ang mga anak natin ng mga paborito nilang pagkain. Inihahanda mo na sila sa mga gawain para sa araw na ‘yon.

Salamat dahil kahit pagod ka sa trabaho, pinapakinggan mo ang mga litanya ko.

Hindi mo naman talaga kailangan pakinggan kung paano sumuka si bunso matapos niyang kainin ang huling subo ng kaniyang tanghalian… At kung paano ko ito sinalo ng kamay ko! Hindi mo rin kailangan malaman kung gaano ako ka-stressed matapos kong habulin ang mga bata habang nagtratrabaho sa bahay. Hindi mo kailangan marinig kung paano ako nagalit sa isang driver na nakagitgitan ko sa daan. At kung gaano ko kagusto ng masahe ngayong gabi—na siyempre ginawa mo.

Habang naglilitanya ako, nakakalimutan ko na nagigising ka rin ng maaga para pumunta ng opisina at magtrabaho buong araw. Nakakalimutan ko na pag-uwi mo ng bahay, wala ka rin pahinga dahil tinutulungan mo ako sa paghanda ng hapunan, pagpaligo ng mga bata, at pagbasa ng libro sa kanila bago matulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ka rin nag-atubili nang sabihin ko sa ‘yo na kailangan kong pumunta sa magulang ko ng ilang araw dahil may sakit ang nanay ko.

Aaminin ko na bago ako umalis, nag-alinlangan ako. Napa-isip ako kung kakayanin mo ba na maiwan nang mag-isa. Ngunit nakaya mo!

Larawan mila sa Freepik

Salamat sa pakikinig mo habang binibigay ko sa ‘yo ang sangkatutak na bilin kung paano patakbuhin ang bahay at kung paano alagaan ang mga bata habang wala ako. Salamat sa pag-sagot mo sa tawag ko at pag-sagot sa isang milyong tanong ko kung okey kayo habang wala ako.

Ni hindi ka man lang nag-reklamo na nahirapan ka. Ni hindi ka tumawag sa akin nang mag-alburoto si bunso habang nasa grocery kayo. Hindi ka rin nag-panic nang sabihin sa ‘yo ng panganay natin na may homework siya kahit na patulog na sana kayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tumawag ka lang para sabihin sa akin na wag akong mag-alala dahil okey lang kayo.

Kaya, salamat.

Salamat sa mga yakap mo sa amin at pagpapaalala kung gaano mo kami kamahal.

Parati mong sinasabi sa mga anak natin na masuwerte sila dahil may nanay sila na katulad ko. Nakakaligtaan kong sabihin sa kanila kung gaano rin sila kasuwerte na mayro’n silang tatay na katulad mo. Masuwerte sila sa ‘yo. Masuwerte ako sa ‘yo.

Kaya, salamat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagmamahal,

Your wife

Kailan mo huling pinasalamatan ang mister mo? Gawing kagawian na magpasalamat sa mga minamahal natin sa buhay araw-araw.

Liham pasasalamat sa magulang

Narito naman ang isang liham pasasalamat sa magulang o liham pasasalamat sa ina at ama

Dear Nanay at tatay,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kumusta? Alam kong madalas naman tayong magkakasama pero batid ko rin na lagi niyo lang inuuna ang para sa aming mga anak ninyo. Madalas na hindi na namin kayo nakakamusta. Kung maayos pa ba ang lagay niyo, kung okay pa ba ang nararamdaman niyo.

Nay at Tay, gusto ko lang din magpasalamat sa lahat ng pagkakataon na inaasikaso at inaalagaan niyo kami. Sa kabila ng pagod niyo sa kani-kaniyang trabaho ay naglalaan pa rin kayo ng oras para kumustahin kami at asikasuhin.

Salamat sa mga simpleng pagliligpit ng kalat namin, paglalaba ng mga damit, at pagluluto ng pagkain. Malaking bagay ito lalo ngayong abala kami sa eskwela. Pasensya na kung minsan ay sakit kami sa ulo. Pero dahil sa pagmamahal niyo nanay at tatay, natututo kami sa buhay.

Salamat sa paggabay sa amin sa dilim man o liwanag ng mga daan na binabagtas namin. Kung walang ilaw at haligi ang tahanan, matatawag pa ba itong tahanan? Hindi. Kaya salamat dahil nariyan kayo. Salamat sa pagmamahal ninyo. Gusto ko ring ipaalam sa inyo na kayo ang inspirasyon ko upang magpatuloy sa buhay sa kabila man ng mga rason na nagpapabigat ng damdamin ko minsan.

Alam kong hindi sapat ang pasasalamat para matumbasan ang hindi matatawarang pagmamahal ninyo sa inyong mga anak. Pero sa ngayon, tanging pasasalamat pa lamang ang kaya kong ibigay at pagtulong sa mga gawaing bahay. 

Salamat nanay at tatay. Mahal na mahal ko kayo.

Nagmamahal,

Anak

Liham para sa minamahal na asawa: Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza mula sa artikulong
https://sg.theasianparent.com/letter-to-my-husband-with-gratitude

Liham pasasalamat sa ina at ama isinulat ni Jobelle Macayan

Sinulat ni

Nalika Unantenne