Mag-ingat sa modus na ito: Pekeng lipat-bahay service tinangay mga gamit ng biktima

Pinahakot ng biktima sa lipat bahay service ang kanilang mga gamit at nagbayad siya ng P80,000. Pero ang mga gamit, tinangay ng mga kawatan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang pamilya ang nagbayad umano sa lipat bahay service upang matulungan sila sa paglilipat ng kanilang mga gamit mula Maynila patungong Mindanao. Pero ang service na ito, modus lang pala!

Lipat bahay service modus pala! Tinangay ang gamit ng biktima

Ayon sa report ng TV Patrol, tatlong suspek ang nahuli ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division kamakailan. Ang mga ito raw ay nagpanggap na lipat bahay service.

Sa panayam ng ABS-CBN sa biktima, kinuwento nito na hahakutin sana ang kanilang mga gamit mula Maynila patungong Mindanao. Kaya naman kinailangan nila ng serbisyo ng lipat-bahay service.

Nagbayad umano ang mga ito ng P80,000 para sa paghahakot ng mga gamit. Pero ang mga hinakot ng mga ito ay hindi nakarating sa dapat na destinasyon. Dagdag pa rito, hindi na nagpakita pa sa mga biktima ang mga suspek.

“Compared sa ibang trucking mas mura talaga siya. At tsaka, nagtiwala kami kasi recommended ng pinsan e. After a week, nag-deactivate na siya sa Facebook, kung saan naming siya naka-transaction. Doon na kami kinutuban,” kwento ng biktima sa interview ng ABS-CBN News.

Samantala, natunton ng NBI Cybercrime Division ang truck ng mga suspek sa Tondo, Maynila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by freepik</a

Nang buksan ng mga awtoridad ang truck, tumambad ang mga gamit ng biktima. Habang ang iba pa umanong gamit na ninakaw ng mga ito ay nakatambak sa isang storage area.

Nahuli man ay itinaggi pa rin ng mga suspek ang alegasyon na modus lamang ang kanilang lipat bahay service.

Saad ng suspek sa interview ng ABS-CBN, “Samin ma’am dinideliver naming Kahit matagalan. Hindi naman kami nangmo-modus ma’am. ‘Yang mga gamit na ‘yan, 28 lang ata ma’am. Wala e, wala kaming ibang mahanap na pandagdag pambyahe.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kulong sa kasong theft, estafa, at computer-related forgery ang tatlong suspek.

Ayon sa NBI, kasama na rin daw sa modus na ito ng grupo ang pagkuha ng serbisyo ng mga kilalang transport service para mapaniwala ang mga biktima na lehitimo ang kanilang business.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman, payo ng NBI na dapat na maging mapanuri kung makikipagtransaksyon lalo na sa online o internet.

“Para sa ating mga kababayan, before you engage in a transaction, especially online transaction, i-validate niyo muna. I-verify niyo: May opisina ba ‘yang kausap niyo na pwede niyong balikan, pwede niyong puntahan kung sakaling may problema. ‘Yung kausap niyo ba, totoo ba yung identity na ipinapakita.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ABS-CBN News

Sinulat ni

Jobelle Macayan