Aktres na si Liza Soberano ay pormal na naghain ng reklamo kasama ang kaniyang manager na si Ogie Diaz. Matapos mag-rape joke ang isang netizen laban sa aktres.
Kasama nina Liza Soberano at Ogie Diaz ang kanilang legal counsel na si Atty. Jun Lim ng Lim-Yutatco-Sze law firm. Nag-took oath si Liza sa harapan ni Deputy Prosecutor Irene Ressureccion huwebes ng umaga.
Ang pagsasabi ng mga rape remark o rape joke ng isang netizen sa isang trend sa comment sa Facebook post ay isang malinaw na violation. Ang violation na ito ay Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012,” in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.
Below the belth aniya ang mga comment sa kaniya kaya naman hindi niya hahayaan na ito’y ipagsawalang-bahala niya.
Ayon kay Liza Soberano, “It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago,”
“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, ‘di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape,’” dagdag pa niya.
Ikinalungkot umano talaga ni Liza ang comment na ito, “I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,”
Hindi biro ang pagbitaw ng rape joke dahil ito’y isang uri ng karahasan. Napakapersonal umano ang pahayag na ito kaya naman nagpadesyunan niyang magsampa ng kaso laban sa netizen.
Tingin ni Liza na kailangan daw umanong mas maging responsable at maingat tayo sa pagpapahayag ng mga ganitong komento. Maging handa rin sa mga pwedeng kahihitnan nang pagbibitaw ng mga ganitong komento.
“I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media,”
Dagdag pa ni “I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,”