LJ Reyes binahagi ang kanyang appreciation post para sa kanyang panganay na anak na si Aki. Hindi rin nakalimutan ni LJ na si Aki ang naging dahilan kung bakit naging ‘very strong’ na nanay siya.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Appreciation post ni LJ Reyes sa kanyang panganay na si Aki
- Pagbisita ni Paulo Avelino kay Aki sa New York
- 4 tips sa pag-handle ng nagbibinatang anak
Appreciation post ni LJ Reyes sa kanyang panganay na si Aki
Very proud na nanay si LJ Reyes para sa kanyang panganay na si Aki!
Sa appreciation post na binahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, inalala nito na medyo bata pa siya noong magdalang-tao siya sa kanyang first child.
Ngayon ay nakikita niyang nagbibinata na si Aki, na nag-celebrate ng kanyang 11th birthday noong July 2021.
“I think I was quite young when I had you, but still the generational gap exists!”
Ito ang pahayag ni LJ nang kanyang ibahagi ang kasalukuyang larawan ng anak nila ni Paolo Avelino.
Pahayag pa ng aktres na ngayo’y naninirahan sa New York, kahit magbinata na ang kanyang anak ay mananatili pa rin na siya ang mommy nito.
“Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak.”
Wika pa ng aktres, alam niyang darating ang mga araw na magkakaroon sila ng pagkakaintindihan ni Aki. Nag-iiba na rin daw kasi ang mga hilig ng kanyang anak tulad sa kanilang taste pagdating sa music.
Palagi rin pinapaalala ni LJ sa kanyang anak ang mga responsibilities nito na kailangang sundin ngayon binatilyo na ito.
“Ang kulit ko parang naka-repeat araw araw sa responsibilities mo, pero makulit ka rin naman sa kakaulit ng game time and currencies mo! So quits lang tayo.”
Ayon pa kay LJ, ano man ang mangyari ay mananatiling ‘baby boy’ niya si Aki. Pinagdarasal din niya na sana’y maintindihan ng kanyang anak kung bakit mahalagang i-prioritize lagi si Lord sa anumang bagay.
“I pray that some day, you will understand why I want you to put God first above all else. Let Jesus be your guide!”
“I still remember all the moments you made mommy very strong! And I keep that in my heart.”
Mensahe pa ni LJ sa kanyang anak na si Aki, na pinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa America.
Pagbisita ni Paulo Avelino kay Aki sa New York
Kasabay ng pagpunta ni Paulo Avelino sa America ay hindi niya rin pinalampas ang pagkakataon na madalaw si Aki.
Sa nakalipas na Instagram story ng aktor, makikitang sinundo nita ang anak na lumabas ng isang gusali.
Kaagad namang tinawag ni Aki ang kanyang ama na si Paulo noong makita niya itong naghihintay sa kanya.
Sa kabila ng naging paghihiwalay nina Paulo at LJ, nanatiling responsableng ama ang aktor sa kanilang anak. Ito’y binahagi ni LJ sa isang panayam sa TV at talk show host na si Boy Abunda.
Ayon kay LJ, hindi man niya madalas makausap si Paulo ay sinisiguro naman ng aktor na lagi siyang nandiyan para kay Aki.
“Parang nagsabi lang siya sa ‘kin na I know you are going through a very difficult time. Siyempre ang iniisip niya daw ay si Aki. If anything daw that I need when it comes to Aki I can always tell him.”
Malayo man ang distansya sa pagitan ng mag-amang sina Paulo Avelino at Aki, nagkakaroon pa rin ng bonding moments ang dalawa.
Ayon kay Paulo sa nakaraang press conference para sa isang concert tour, pareho nilang hilig ni Aki ang games. At dahil sa kanilang hobby ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na makapag-bonding at mag-usap.
Hiling ni Paulo na makapiling sana niya ang kanyang anak habang lumalaki ito. Sa ngayon ay nasa poder si Aki ng kanyang ina na si LJ Reyes.
BASAHIN:
LJ Reyes to her children, Aki and Summer: “Kaya ko dahil kayo ang lakas ko”
Kristine Hermosa binawal panonood ng TV sa mga anak: “Masyado pang maaga para ma-pollute ‘yong utak”
4 tips sa pag-handle ng nagbibinatang anak
1. Huwag sila masyadong higpitan
Mahalaga para sa isang teenager na magkaroon ng space para ma-establish nila ang sarili nilang identity. Ito’y makatutulong sa kanilang development para sa hinaharap.
Ang pagbibigay ng kalayaan sa inyong mga anak ay makatutulong para sila’y mahanda sa mga aral na hatid ng real world.
2. Kilalanin ang kanilang mga kaibigan
Makatutulong para sa mga magulang na makilala at makilatis ang mga kaibigan ng anak. Para magawa ito, puwede silang imibitahin sa inyong tahanan para sa isang dinner.
Doon mo maaaring makita kung ano ang akto ng mga kaibigan ng inyong binatang anak.
3. Maging mabuting role model
Kapag pinagbabawalan ang anak na gumawa ng isang maling bagay, dapat siguruhin ng magulang na hindi niya rin ito ginagawa. Ang pagiging role model sa mga anak, lalo sa mga teenager, ay magandang paraan para mapasunod sila.
Ito rin ang magsisilbing susi para maiwas sila sa masasamang gawain tulad ng bisyo at iba pang aktibidad.
4. Madalas na pakikipag-usap sa inyong mga anak
Hindi dapat kalimutan na mag-check in pa rin sa inyong mga anak kahit pa teenager na ang mga ito. Ito’y para maging updated pa rin ang mga magulang sa mga bagong kinahihiligan o pagbabago sa inyong mga anak.