LJ Reyes on split-up with Paolo Contis: “Pakiramdam ko iniintay lang niya na manggaling sa akin.”

Hindi daw 3rd party ang puno’t-dulo ng hiwalayan ng dalawa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes at Paolo Contis hiwalay na! Ito ang kumpirmasyon ng aktres. Kuwento niya matagal niya ng nararamdamang malayo na si Paolo sa kanila ng kaniyang mga anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan ng hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis.
  • Reaksyon ni LJ sa naging hiwalayan nila ni Paolo.

LJ Reyes at Paolo Contis hiwalay na! Ito ang kumpirmasyon ng aktres

LJ Reyes at Paolo Contis hiwalay na!/ Image from LJ Reyes Official Facebook account

Nitong mga nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang hiwalayan nila Paolo Contis at LJ Reyes. Ito ay nagsimula sa biglaang pag-unfollow ni Paolo kay LJ sa Instagram. Pati na ang pagbubura nito ng mga pictures nilang magkasama.

Ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay isang malaking tanong sa mga fans. Marami ang nagsasabing gimik lang ito kaugnay sa bagong pelikula ni Paolo.

Pero matapos maglabas ng pahayag ang manager ni Paolo na si Lolit Solis na kinu-kumpirma ang hiwalayan nila ay marami ang nalungkot.

Sa pahayag ni Solis ay sinabi nitong hindi 3rd party ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Kung hindi dahil over na sa romance stage diumano ng kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong araw, sa panayam kay LJ ng beteranong talk show host na si Boy Abunda ay nagsalita na ang aktres. Ayon sa kaniya, napaka-hirap at napaka-sakit ng naging hiwalayan nila ni Paolo.

“It was so difficult, it was so painful. Kung hindi lang malakas 'yong pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Ito ang pagsasalarawan niya sa kasalukuyan niyang nararamdaman.

Dahilan ng hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis

Dagdag pa ni LJ, ayaw niya sanang magsalita pa tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Paolo. Pero para sa kapakanan ng mga anak niya ay hindi siya mananahimik at hahayaang mangingibabaw ang kasinungalingan ukol sa hiwalayan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung ako lang yung involve I could have kept my silence, kaya kong manahimik. Lagi kong sinasabi first and foremost I am a mother of 2 beautiful kids. Kapag sila na ang apektado I think kahit sinong nanay will step up and will defend yung mga anak nila at pamilya nila.”

“There are stories out there na medyo twisted na 'yong facts at ayokong umabot sa punto na ang nasa public ay hindi totoo.”

Ito ang pahayag ni LJ sa kung bakit nagdesisyon siyang magsalita na.

Bagamat hindi nagbigay ng konkretong detalye si LJ, sinabi niyang ang hakang-hakang may third party ay maituturing na least concern sa paghihiwalay nila ni Paolo.

Hindi daw 3rd party ang puno’t dulo ng hiwalayan ng dalawa

“Sa totoo lang kung anuman yung 3rd party na sinasabi nila its actually the least of my concern. Kaya nga ako nag-speak up kasi pag anak mo na 'yong nagagawan ng mali kailangan mong sabihin na hanggang dito lang. Kailangan ko somehow malayo ang mga bata, kailangan ko maprotektahan sila.”

Ang pahayag na ito ni LJ ay nilinaw niyang hindi dahil sa sinasaktan ni Paolo ang mga bata physically. Pero dahil nitong mga nakaraang buwan ay nag-iba na umano ang pakikitungo nito sa kaniya at mga anak niya.

Isang bagay para kay LJ na nakikita niyang hindi lang nagdudulot sa kaniya ng sakit kung hindi pati narin sa dalawang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po iyon.

Pero honestly po, ako po 'yong nagsabi na parang nasa ibang mundo na po siya at parang pakiramdam ko e iniintay lang niya na mang-galing sa akin.”

Kuwento niya pa ang dating Paolo na nakilala niya noon ay malayong-malayo na sa Paolo na kilala niya ngayon.

Si Paolo nag-iba umano ang pakikitungo kay LJ pati sa mga anak niya

Image from LJ Reyes Official Facebook account

“Ang nakilala kong Paolo iyong maalaga. Kahit na tigasin siya deep inside generous siya. At kapag mahal niya ang isang tao, mahal niya.

Minsan lang hindi siya marunong siya mag-express, pero nawala 'yon. 'Yong hindi ko kilalang Paolo kapag kausap ko siya the past months para siyang lumulusot.”

Dagdag pa ni LJ, sinubukan niya namang kausapin si Paolo tungkol sa naging pagbabago sa pagsasama nila. Pero hindi siya sinasagot ng maayos nito at dini-dismiss lang ang mga sinasabi niya.

“Are we okay? Parang iba ka. Hindi ko na nafi-feel yong dating ikaw o yong treatment mo sa amin. Nagtatanong po ako regularly.”

“Akala mo lang yon. Ganoon pa rin naman.”

Ito umano ang minsang naging sagot sa kaniya ni Paolo ng komprotanhin niya ito.

Ang gusot na ito sa pagitan nilang dalawa ay nadagdagan pa daw ng marami ng nakakarating na balita kay LJ. Mga balitang naging daan para ma-realize niyang matagal na palang siyang niloloko ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The past two months have been parang revelation after revelation. Sa gabi ang nagpapatulog lang sa akin is praise and worship songs.

Minsan binabangungot na ako kasi hindi ko alam kung paano nangyari 'yong mga bagay na nangyari. Na hindi ko na mahiwalay 'yong reality sa mga nalaman ko na bagong information, revelation sa akin ng mga taong sa paligid ko, 'yong mga na-uncover ko.”

BASAHIN:

Lolit Solis sa hiwalayang Paolo at LJ: “Na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon”

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

LJ Reyes nag-share kung paano nga ba i-train ang anak upang maging independent

Si Paolo ang sumuko sa relasyon nila

LJ Reyes at Paolo Contis hiwalay na!/ Image from LJ Reyes Official Facebook account

Marami mang nalaman si LJ, hindi parin niya sinukuan si Paolo. Naisip man niyang hiwalayan na ito ay agad niya itong binawi para sa kapakanan ng mga anak nila. Pero ang nakakalungkot ayon kay LJ si Paolo na mismo ang umayaw sa kanila.

“Umabot na nga sa point na nag-break na po kami. After few days na-realize ko 'di puwedeng ganito dahil may mga bata.

Nagbaba po ako ng pride kahit alam ko ako 'yong nasasaktan. Iniisip ko na kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya if he wants to take us back, hindi na daw.”

Mula nang araw na iyon ay hindi na daw sila nakapag-usap ni Paolo. At para sa kaligtasan niya at ng mga anak niya ay nag-desisyon nalang siyang lumayo.

Safe at healthy environment para sa mga anak niya, ito ang priority ni LJ sa ngayon

Si LJ ngayon ay nasa New York, USA kasama ang anak niyang si Aki at Summer. Nang matanong kung naiisip niya pang makipag-balikan kay Paolo. Sagot ni LJ sa ngayon ay natatakot siyang makaharap itong muli. Dahil natatakot umano siyang maniwalang muli sa mga sinasabi nito at ma-manipula.

Mahirap man kalimutan ang 6 na taon nilang magkasama, para kay LJ mas importante ang safety ng mga anak niya. At ang lumaki ang mga ito na may nakakasamang mabuting ehemplo sa tabi nila.

“Priority ko po 'yong safety at healthy environment ng mga anak ko. Gusto ko po yung mga anak ko na lumaki sila na magandang asal ang nakikita nila, magandang ehemplo. Gusto ko rin meron silang takot sa Diyos.”

Sa huli, nagpasalamat si LJ sa mga taong nagpaabot ng mensahe para palakasin ang loob niya sa napakahirap na punto na ito ng buhay niya. Hiling niya sana matapos na ang isyu na ito at maging tahimik na sila ng mga anak niya.

“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nagparamdam ng suporta nila sa akin at sa mga anak ko. Tapusin na nating itong issue na ito sana pagdasal ninyo nalang po kami.”

Ito ang pakiusap at pasasalamat ni LJ sa mga sumusuporta sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

YouTube

Photo:

Image from LJ Reyes Official Facebook account