LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista!

LJ looking beautiful at happy sa kaniyang wedding day!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes kasal na. Tingnan dito ang mga larawan sa naging intimate wedding ceremony ni LJ at mister niya na ngayong si Philip Evangelista.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • LJ Reyes kasal na sa non-showbiz bf na si Philip Evangelista.
  • Love life ni LJ Reyes.

LJ Reyes kasal na sa non-showbiz bf na si Philip Evangelista

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

Ikinasal na ang aktres na si LJ Reyes sa non-showbiz boyfriend niyang si Philip Evangelista. Ang kanilang kasal ay ginanap nitong October 8 sa isang intimate wedding ceremony sa New York na kung saan mga kaibigan, pamilya at mahal nila sa buhay ang sumaksi sa  pag-iisa nilang dibdib.

Si LJ wala pang opisyal na pahayag sa kaniyang naging pagpapakasal. Pero nagbahagi siya ng kaniyang wedding photos sa Facebook na kung saan kitang-kita ang kaniyang saya sa pagsisimula sa panibagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Love life ni LJ Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

Marami ang hindi mapigilang matuwa sa estado ng buhay pag-ibig ngayon ni LJ Reyes. Dahil matatandaang dalawang beses ring na-involve si LJ sa showbiz na karelasyon na nauwi lang sa paghihiwalay. Nauna na rito ang naging relasyon nila ng aktor na si Paulo Avelino. Nagtagal sila ng apat na taon at naghiwalay noong 2013. Sila ay nagkaroon ng isang anak na si Aki na 12 years old na ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si LJ nagkaroon rin ng relasyon sa isa pang Paolo sa mundo ng Philippine showbizness. Ito ay sa aktor at comedian na si Paolo Contis. Sila ay may isang anak na babae na nagngangalang Summer. Si Summer ay apat na taong gulang na ngayon.

Ang relasyon ni Paolo at LJ ay tumagal ng anim na taon. Naging kontrobersyal ang kanilang naging paghihiwalay dahil umano sa third party. Ito ay unang itinanggi ni Paolo. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay ipinakilala niya rin bilang kaniyang girlfriend ang aktres na si Yen Santos. Ito ang sinasabing third party sa naging hiwalayan ni Paolo at LJ na kanilang isinapubliko noong September 2021. At nito ngang Mayo, ibinahagi ni LJ na engage na siya sa non-showbiz boyfriend at ngayon ay mister niya ng si Philip Evangelista.

Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement