LJ Reyes, thankful sa kaniyang fruitful year at learnings sa 2022. Plano niyang i-prioritize muna ang mga anak at looking forward ngayong 2023!
LJ Reyes moving forward sa 2023
Sa latest Instagram post ni Ms. LJ Reyes, nailahad niya ang kanyang pagiging thankful sa mga learnings ng 2022. Last 2o21, napabalita ang hiwalayan nila ni Paolo Contis at kinumpirma rin niya ito sa isang panayam sa The Interview Talk kasama si Boy Abunda.
Pero mukhang naka-move on na si Ms. LJ at talaga namang naglu-look forward siya sa 2023, kasama ang mga anak.
View this post on Instagram
Kasama sa larawan sa kanyang latest IG post ang mga anak na si Summer Ayanna (anak niya kay Paolo Contis) at Ethan Akio (anak niya kay Paolo Avelino). Bagay na sinabi ni Ms. LJ na “I am blessed to have my kids with me no matter what,” bahagi ng mga grateful moments niya sa nagdaang taon.
Dahil rito, maiisip ng mga netizen na wala pang balak bumalik ng Pinas si Ms. LJ.Pati ang hindi muna pagbabalik sa showbiz work ay alang-alang sa kanyang mga anak.
Nabalita ring lumipad ng States si LJ kasama ang mga anak na sina Aki at Summer, bagay na nabanggit niya rin sa interview with Boy Abunda. Ginawa ito ni LJ matapos ang napabalitang hiwalayan at nasabing plano kay Paolo Contis. Isa ito sa bagay na nai-consider niya para sa mga anak.
Ayon sa kaniya, lumipad sila sa US para ilayo ang mga anak sa sitwasyon ng mga bangayan at naririnig na maling impormasyon habang nasa Pinas.
“Hindi ko po kaya mag-rebuild ng pamilya ko [Summer at Aki] ng nasa Pilipinas kami after everything. After ng lahat ng dahilan kung bakit talagang kailangan kong tanggalin ‘yong mga sarili namin sa sitwasyon.”
Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes
LJ, pag-move on at mga anak sa New York
After a few months, sa sumunod na interview ulit kay Boy Abunda, mas napag-usapan nila ni Ms. LJ ang buhay nila ng mga anak sa States. Ginanap ang interview sa restaurant ng mother ni Ms. LJ Reyes.
Sa interview na ito, mas open at wholehearted ng pinag-usapan nila kung gaano kalaki ang kwento behind sa hiwalayan nila ni Paolo Contis. Pero mas positive si LJ sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang pinagdaan.
“Kasi there are days tito Boy na, hindi totoong walang araw na at feeling nila naka move on ka na. I think it will be a long journey, a difficult one. Pero, yun nga, talagang kumakapit lang ako sa Diyos tito Boy.”
Nagbahagi rin si LJ ng mga coping mechanisms, sa tulong ng kanyang sister at mother na nasa US. Share pa niya, hindi siya binitawan at mas sinuportahan siya ng mother niya.
Desisyon ni LJ ay tungkol sa mga anak niya
Hindi maikakaila ng mga fans ni LJ na naging mabigat ang kaniyang moving on phase after ng napabalitang split kay Paolo. Naging mahirap at hindi madali kay LJ dahil ayon sa kanya, lahat ng plano ay ipinagpapasa Diyos niya.
Dagdag pa niya, ang mga desisyong ito, kabilang na ang pananatili sa States ay para sa mga anak niya. At bilang isang single mom, magiging pangalawa ang sarili sa pagde-decide sa mga bagay. Laging uunahin ni LJ ang mga desisyon para sa anak.
“Pero, for me to make at least decent decision, or decisions that will benefit my kids, I really have to set aside all those negative emotions. Which is very difficult Tito Boy. Everyday I always pray na sana pag gumawa ako ng desisyon it will always be based on God’s will. Or yung kung ano ang makakabuti sa mga anak ko.”
Para kay LJ, biyaya ang mga anak
Larawan mula sa Facebook account ni LJ Reyes
Paaala ni LJ sa mga ina at fans sa Pinas, isang malaking blessing o biyaya ang kaniyang mga anak. Laging magiging priority ng kanilang buhay ang mga kids sa kanilang buhay.
Dahil sa mga nakaraang pahayag ni Ms. LJ tungkol sa mga plano at desisyon para sa anak, at kasalukuyang nag-aaral ang mga anak sa US, wala muna siyang planong bumalik sa Pinas. Kasabay nito, wala muna sa 2023 planner ni Ms. LJ ang makita sa limelight at sa mga palabas sa pelikula o sa TV.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!