LJ Reyes, ibinahagi na nag-reach out ang ex na si Paulo Avelino para kamustahin sila ni Aki

Pero dating karelasyon at ama ng anak niyang si Summer na si Paolo Contis hindi parin nag-eeffort na makausap siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes sa New York masaya umano kasama ang mga anak niya. Paulo Avelino kinamusta umano siya at ang anak nilang si Aki.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Buhay ni LJ Reyes sa New York.
  • Paulo Avelino may mensahe kay LJ.

Buhay ni LJ Reyes sa New York

Nakipagkita ang beteranong talk show host na si Boy Abunda sa aktres na si LJ Reyes sa New York. Sa kanilang pagkikita ay nag-usap sila tungkol sa buhay nila LJ ngayon at ang mga anak niya.

Ayon kay LJ, sila ay okay at masaya sa New York kasama ang kaniyang pamilya. Bagama’t pag-amin niya may mga araw pa rin na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa pagsasama nila ng dating karelasyon na si Paolo Contis.

“I wanna be honest. There are days that I find it difficult na parang ang hirap nito.”

Ito ang sabi ni LJ tungkol sa buhay niya ngayon sa New York bilang single mother sa mga anak niyang si Aki at Summer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni LJ, hindi madaling kalimutan at mag-move on sa mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan. Lalo na’t apektado rin ang mga anak niya sa mga nangyari. Pero pinagdadasal niya na sana ay mapatawad niya na si Paolo para tuluyan na silang makapag-move forward ng mga anak niya.

“Mahirap madaliin ‘yong mga bagay-bagay kasi meron pong dalawang bata na umaasa sakin. I feel like I cannot make any more wrong decisions.”

“Pinagdadasal ko na mapatawad ko siya. Because I know if I don’t forgive this very dark emotion will eat me up. And I won’t be able to move on and move forward with my kids ng maayos, ‘yong walang galit.”

LJ umaming may mahal pa rin si Paolo Contis

Pag-amin pa ni LJ hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya para kay Paolo. Dahil ito pa rin umano ay ama ng anak niya. Kahit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagre-reachout sa kaniya.

“Kapag nagmahal ka naman kasi, hindi ‘yong kahit gawan ka ng masama I mean I don’t think it will just go away like that. It’s a very complicated situation and emotion kasi may anak din po kami.”

Ito ang sabi pa ni LJ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paulo Avelino kinamusta si LJ at anak nilang si Aki

Pagbabahagi pa ni LJ, kinamusta rin umano siya ng ex na si Paulo Avelino at ama ng anak niyang si Aki. Nagsabi umano ito na maaari siyang humingi ng tulong anumang oras sa aktor para sa anak nila.

“We are not friends friends na parang everyday nag-uusap but he’s been there for Aki naman.”

“Parang nagsabi lang siya sa ‘kin na I know you are going through a very difficult time. Siyempre ang iniisip niya daw ay si Aki. If anything daw that I need when it comes to Aki I can always tell him.”

Ito ang pagkukuwento ni LJ tungkol sa pangangamusta sa kaniya ng dating karelasyon at aktor na si Paulo Avelino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, pagbabahagi pa ni LJ, masaya siyang makasama ang ina at kapatid niya sa New York. Dahil sa piling ng mga ito alam niyang hindi siya nag-iisa sa pagharap ng napakalaking pagsubok na nararanasan niya.

BASAHIN:

LJ Reyes: “Ang forgiveness is a work in progress—hindi madaling ibigay ang forgiveness”

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

LOOK: LJ Reyes slays in New York, keeps busy after split-up with Paolo Contis

LJ mas priority ang mga anak niya sa ngayon

Kung may isang bagay nga daw na natutunan si LJ sa bahagi na ito ng kaniyang buhay, ito ay bilang ina dapat ang anak niya ang lagi ang priority niya.

“We always gonna have our kids to be the priority of our lives. Bilang mga nanay, bilang babae, bilang magulang,” sabi pa ni LJ.

Buwan ng Agosto ng maglabasan ang balita na hiwalay na si LJ at Paolo Contis. Una ang sinabing dahilan ay nawala na umano ang spark sa pagitan nila.

Pero marami ang hindi naniwala dito at sinasabing may 3rd party sa pagsasama ng dalawa. Hindi man deretsahang inamin ito ni LJ ng kumpirmahin niya ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis, nabanggit niya namang mas higit na inaalala niya ang kapakanan ng mga anak niya kaysa sa diumano’y 3rd party na sumira sa relasyon nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si LJ ngayon ay busy sa pagtulong sa restaurant na pag-aari ng kanilang pamilya sa New York. May mga projects at endorsements rin daw na patuloy na ini-offer sa kaniya.

Pagdating sa pagbabalik-artista, sabi ni LJ sa ngayon ay hindi pa siya makapag-desisyon. Pero isa lang ang sigurado sa kaniya, lahat ng gagawin niya ay laging para sa mabuting kapakanan ng mga anak niya.

Source:

YouTube

Photo:

LJ Reyes Official Facebook account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement