Isang lola umiyak dahil sa relief goods, ano nga ba ang totoong nangyari sa viral video na ito?
Lola umiyak dahil sa relief goods
Kilalanin si Lola Ponyang na mula sa San Jose Del Monte, Bulacan. Naging viral ang video ng lola na ito dahil siya ay umiiyak sa labas ng kanyang bahay. Ito raw ay dahil nilagpasan lamang siya ng mga nagpapamahagi ng relief goods sa kanilang lugar.
Ayon sa kanyang anak, wala raw kasi ang stub na hinahanap ng barangay para maabutan sila ng pack ng relief goods. Ito naman daw ay misunderstanding. Akala raw kasi ng kanyang 55-year old na ina ay pareho lamang ang stub at quarantine pass.
Matapos naman ang ilang minuto ay makikita sa video na binalikan din ng mga namimigay ng relief goods si Lola Ponyang at humingi ng pasensya dito.
Naglabas naman ng sama ng loob ang anak ni Lola Ponyang dahil sa tingin niya raw ay hindi patas ang mga opisyal. Pinipili lang daw umano ng mga ito kung sino ang tutulungan at hindi talaga lahat ay naabot ng tulong.
Mga kapitbahay na tumulong kay Lola Ponyang
Image from GMA News
Matapos mapanood ang video ng matanda, agad na nagpaabot ng tulong ang mga kapitbahay nila sa kanila. Nagbigay pa nga ang mga ito ng grocery para mayroong makain ang kanilang pamilya.
Ayon sa isang residente na malapit kay Lola Ponyang, naranasan din naman niya na mawalan. Kaya lubos daw ang nararamdaman niyang pagka-awa dito. Dahilan para magbigay ito ng groceries.
Panig ng barangay officials
Image from GMA News
Ayon sa pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan, mayroong 63,000 indigent families sa kanilang nasasakupan. Ito raw ang dahilan kung bakit namimigay sila ng stubs. Inuuna raw kasing pamahagian ng mga relief goods iyong mga walang kakayanan, sa ngayon.
Simula noong napatupad ang Enhanced Community Quarantine, nagsimula na raw silang mamigay ng mga relief packs na ito. Ginagawa naman daw ng kanilang barangay officials ang kanilang makakaya. Nanghihingi naman ito ng kaunting pang-unawa sa mga tao dahil hindi rin daw madali ang sitwasyon.
SOURCE: GMA News
BASAHIN: Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!