Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19

Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19

Kinumpirma na ng manager ni Iza Calzado na siya nga ay coronavirus positive.

Iza Calzado coronavirus positive. Matatandaan na noong Huwebes lamang, ang aktres na si Iza Calzado ay nag-post sa kaniyang Instagram. Siya nga ay naka-admit sa ospital dahil sa pneumonia.

Iza Calzado coronavirus positive

Kinumpirma naman ng kanyang manager sa isang Facebook post na siya nga ay COVID-19 positive. Dumating na raw ang test results nito ilang araw matapos siyang ma-test. Ayon pa sa kanya, mukhang mabilis naman ang pag-recover ng aktres dahil siya ay namo-monitor nang mabuti sa ospital.

Nabanggit pa na siya ay nakakahinga na ngayon ng walang oxygen assistance. Kung mapapansin kasi sa huling post niya, siya ay nakasuot ng oxygen mask. Ito pala ay para matulungan siyang makahinga dahil nga nagpakita na siya ng senyales ng pneumonia nang itakbo sa ospital.

iza-calzado-coronavirus-positive

Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19 | Image from Iza Calzado Instagram

“Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I’m currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now.

It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.

I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.
I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together.”

Iza Calzado family

Ang asawa at mga taong nakasalamuha naman ng 37-year old na aktres ay ipapa-test din dahil ito ay naka-close contact niya bago malaman na siya nga ay coronavirus positive. Bagama’t walang sintomas na ipinapakita ang kanyang asawa na si Ben Wintle, kailangan pa rin na magself-quarantine ito sa ngayon.

Ang teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin, kung saan bida si Iza Calzado, ay natigil muna ang produksyon bago pa man magsimula ang Enhanced Community Quarantine.

Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19

Screenshot from @missizacalzado’s Instagram

COVID-19 positive celebrities

Si Iza Calzado ay pangalawa pa lang na celebrity na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, si Christopher De Leon naman ay pinauwi na at kasalukuyang nagre-recover. Ayon sa mga kaanak nito, bumubuti na nga raw ang kondisyon ng aktor.

Pagbabahagi ng naging karanasan sa COVID-19

Kilala bilang matatag na tao ang aktres na si Iza Calzado. Ito ay dahil bata pa lamang ay marami nang naranasan na nagpatibay sa kanya. Kaya nang makumpirmang positibo siya sa COVID-19 ay hindi agad siya nawalan ng pag-asa.

“Ang dami dami nang nangyari sa buhay ko. Ang dami nang hirap ang pinagdaanan ko. Sabi ko, hindi ito magtatapos dito. Hindi COVID ang magpapatiklop sa akin.”

iza-calzado-coronavirus-positive

Iza Calzado, nag-positibo sa sakit na coronavirus o COVID-19 | Image from Iza Calzado Instagram

Isa ang kanyang asawang si Ben Wintle sa naging inspirasyon ni Iza sa paglaban niya sa virus. Ayon sa kanya, hindi niya nakikitaan ng kahit anong pagkahina ang kanyang asawa.

“Yung asawa ko hindi ko siya nakitaan na pinanghinaan ng loob pero nakita ko kung gaano kabigat yung dinadala niya.

Ngunit nang sinabi ng doctor na bumubuti na ang kalagayan ng aktres, dito niya unang nakitang umiyak ang asawa.

“Noong una kaming nakakuha ng good news, na parang sinabi ‘nung doctor na ‘Good news, she’s showing signs of improvement.’ Doon siya umiyak. Hindi ko alam na buong time pala, kasi yung asawa ko ay magaling magdala. “

Bahagi pa ng aktres na noong nalaman niyang positibo siya sa COVID-19, agad niyang naisip ang kanyang kapatid na 16 years old. Aminado siya na isa sa hindi niya kayang iwan bukod sa kanyang asawa ay ang kapatid nito dahil siya na lamang ang nag aalaga sa kanya.

 

 

SOURCE:

ABS CBN News

BASAHIN:

Iza Calzado, isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner