Ano nga ba ang lagay ng aktres na si Iza Calzado, siya ba ay may pneumonia o COVID-19?
Iza Calzado pneumonia COVID-19
Ibinahagi ni Iza Calzado-Wintle ang kanyang kasalukuyang kalagayan ngayon. Siya kasi ay naka-admit sa ospital dahil sa pneumonia na isa sa mga tinitignang sintomas ng COVID-19. Dahil dito, siya rin ay nagpa-test na para sa naturang sakit. Siya raw ay naghihintay pa ng resulta sa ngayon.
“Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I’m currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now.
It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.
I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.
I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together.”
Mensahe ng aktres
Ngunit sa kanyang post ay binigyan niya ng papugay ang mga frontliners na tumutulong sa kanya at sa iba pang mga pasyente lalo na sa panahon na ito.
Hinihikayat din ng 37-year old na aktres na ipagdasal nating lahat ang mga may sakit. Pati na rin ang kanilang mga pamilya. Higit sa lahat ay ang mga frontliners dahil hindi biro ang sakripisyong ginagawa nila.
Celebrities na positibo sa COVID-19
Si Iza ay isa sa mga lead actors sa teleserye ngayon sa ABS-CBN na Ang Sa Iyo Ay Akin. Ang produksyon naman nito ay pansamantalang itinigil dahil na rin sa COVID at enhanced community quarantine.
Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay nagpositibo sa naturang sakit ang aktor din na si Christopher De Leon. Siya ay mayroon ding palabas sa nasabing network. Kaya naman ang mga production staff na nakasama nila ay pinayuhan nang mag self-quarantine.
Image from Freepik
Sintomas ba ng COVID-19 ang pneumonia?
Ang COVID-19 ay napag-alamang pumupuntirya sa respiratory system ng isang tao. Ang pneumonia naman ay impeksyon sa baga. Madalas itong nagdudulot ng lagnat, ubo na may plema, chest pain at hirap sa paghinga. Masasabing ang mga sintomas ng dalawa ay halos pareho.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
SOURCES:
ABS CBN News, CDC
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!