Ilang major hospitals sa NCR na Makati Med, Medical City, St Lukes maximum capacity dahil sa COVID-19.
Makati Med, Medical City, St. Lukes maximum capacity COVID-19
Hindi na makakapag-accommodate ang mga major hospitals sa Metro Manila tulad ng Makati Med, Medical City at St. Luke’s ng mga COVID-19 patients. Ito ay dahil puno na ang kanilang mga ospital ng mga PUIs at mga nag-positibo rin sa COVID.
Ang Makati Medical Center ay nakapag-accommodate na ng 700 patients simula noong nagsimula ang outbreak. Sa ngayon ay may 70 silang pasyente na naka-admit kasama na ang mga nagpositibo sa COVID-19, PUIs at mga staff na kailangang i-quarantine. 15% naman ng mga ito ay nasa ICU.
Sa Medical City naman sa Pasig City, 64 PUIs ang naka-admit sa ospital at mayroon pang 18 na positibong kaso ng COVID dito. Ayon sa kanila, mayroong 11 na pasyente na naghihintay pa sa kanilang Emergency Department. Anim naman ang naka-mechanical ventilator at 5 ang nasa kritikal na kondisyon. Sa kanilang frontline, 137 na rin ang naka-quarantine.
Sa St. Luke’s Quezon City at Taguig City naman, mayroon ng total na 48 positive cases at 139 patients na ikino-consider na PUIs. Maging ang kanilang mga staff o frontliners ay naka-quarantine na sa kabuuan ay 592 ang bilang.
Para masigurong maibigay pa rin nila ang kanilang maayos na serbisyo sa mga in-patients, minabuti na muna nilang magdeklara ng maximum capacity. Hindi na muna sila, sa ngayon, tatanggap ng mga pasyente. Payo naman ng mga ospital na ito, maaari munang i-assess ang sarili, sakaling makaranas ng mga sintomas ng COVID-19. Maaari rin daw na humanap muna ng ibang ospital na kaya pang mag-accommodate sa kanila.
Nakikiusap din ang mga frontliners na tumulong sa kanila na mapigilan pa ang pagdami ng kaso ng COVID sa pamamagitan ng pagse-stay sa bahay at pagsunod sa social distancing.
Ano ang dapat gawin kapag nakaramdam ng sintomas ng COVID-19?
Sakaling makaramdam ng mga sintomas ng COVID tulad ng paninikip ng dibdib o hirap sa paghinga, dry cough, lagnat at pananakit ng katawan, ang unang gawin ay mag self-quarantine. I-isolate na agad ang sarili sa mga kasama mo sa bahay. Ito ay para kung sakali, hindi mo na rin sila mahawaan.
Sa protocol ng DOH na sinusunod ng mga ospital, hangga’t hindi nakikita ang mga sintomas ay pinapauwi lang din ang mga pasyente. Ito man ay nakababahala, subukan pa rin na kumalma. Ang labis na pag-aalala ay makakapagpababa lamang ng iyong immune system.
Kahit na ang Makati Med, Medical City, St Lukes ay maximum capacity dahil sa COVID-19, tatanggap pa rin naman sila ng outpatients na iba ang kalagayan bukod sa COVID-19. Maaari pa rin silang magbigay ng tests pero hindi na nila kayang ma-accommodate sakaling nais magpa-admit ng pasyente. Ang kanilang emergency naman daw ay bukas pa rin, sakaling kailangan talaga ng pasyente na mapatignan.
SOURCE: ABS-CBN News
BASAHIN: Research explains why some people still go outside amid COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!