Tila isang teleserye ang buhay at mga pinagdaanan ni Aldrin hindi niya tunay na pangalan. Tunghayan ang kaniyang kwento ng kaniyang buhay at kaniyang mga karanasan at pinagdaanan.
Lumaki si Aldrin sa isang tipikal na pamilyang Pilipino. May mga araw din ng mga pagsubok ang pamilya nila subalit masaya pa rin at nalalampasan nila ito.
“Lolo at Lola ko pala ang kinilala kong Nanay at Tatay”
Subalit noong elementary siya may nalaman na siya na tila magbabago sa kaniyang kinagisnan. Pagkukuwento niya,
“Nalaman ko noong bata ako na ‘yong kinalikahan kong mga magulang ay Lolo at Lola ko pala, at ‘yong tinuturing kong Ate ay ang tunay ko pa lang Nanay.”
Kwento pa niya,
“‘Yong nanay ko talaga ay ang Ate ko pero sila(Lolo at Lola ko) ang parents ko sa aking birth certificate. Nalaman ko lang ‘yong totoo noong elementary na ko. Siguro mga nasa grade 4 or grade 5, hindi ko na masyadong tanda.
Nalaman ko lang mag-isa kasi wise ako haha. Palagi kasi sinasabi ni mama na lola ko pala talaga na, “Ako lang mama mo ah, ako lang.” Tuwing naglalambing siya sa akin.
Larawan mula sa iStock
Kaya napaisip ako nung bata ako, sabi ko sa sarili ko siya lang naman talaga mama ko. Pwede pa bang may iba? Then many events happened that helped me discover na they’re my grandparents.
Na-figure out ko lang talaga on my own and in some events na nangyari sa bahay. May mga narinig ako na hints nung bata ako.
May pangyayari kasi na nangyari sa bahay nung bata ako. Nag-away si Mama at si Ate nung dapat lalayas si Ate sabi ni Mama or lola ko na isama raw ako ng Ate ko. Siguro somehow doon ko nalaman. Napagdugtong-dugtong ko lahat.”
Pero sa kabila naman nang nalaman niya ay hindi naman naging rebelde si Aldrin, sa murang edad naintindihan niya ito. Pagkukuwento pa niya,
“Hindi naman ako naging rebellious o nagrebelde. Siguro ang rebellious stage ko hindi naman dahil sa nalaman ko ang totoo patungkol sa mga magulang ko.
Dahil sa mahigpit at ‘di ako makalabas noon. Pero regarding sa real parents issue, hindi. Kasi hindi ko din masyadong naiisip, siguro dahil na rin positive person ako.
BASAHIN:
Happy Grandparents Day!: Biggest life lessons kids can learn from their lolos at lolas
An Open letter to our Lolos and Lolas
7 payo ni lola at lolo para tumagal ang pagsasama ninyong mag-asawa
“Hindi naman nagbago ang lahat.”
Larawan mula sa iStock
Sa kabila nang nalaman ni Aldrin sa patungkol sa kaniyang Lolo at Lola, hindi naman umano nagbago ang pakikitungo niya sa kaniyang pamilya. Pagbabahagi niya,
“Hindi naman nagbago ang lahat same pa rin until now. Ate pa rin ang tawag ko sa kaniya(sa tunay kong Nanay) kasi doon na ko nasanay. I mean I know na Nanay ko siya pero I doesn’t feel like it. Nasanay na rin ako na si Lola ang Mama ko, at si Lolo ang Papa ko.
Saka normal lang, ‘di naman ako nag-crave sa alaga ng Nanay at Tatay. Kasi nabigay naman nila sa ‘kin iyon(ng Lola at Lolo ko), it is what is lang siya for me.”
Pagbabahagi pa niya, nalaman din naman ng kinilala niyang Mama at Papa, pati na rin ang Ate niya na tunay niyang Nanay na alam niya ang totoo. Salaysay niya,
“Oo noon pa elementary days pa(alam din nila na alam ko ang totoo), parang ‘di rin naman siya naging big deal sa family namin.”
Masaya rin naman siya noong bata siya sa kabila ng nalaman niya, lagi niya umanong kasama ang kaniyang isa sa matalik na kaibigan noon at iba pa niyang mga kababata. Kaya masasabi niyang masaya rin ang kaniyang childhood sa kabila ng mga nalaman niya.
Thankful ako sa Mama at Papa ko, na Lolo at Lola ko rin
Kwento nga ni Aldrin, hindi rin sumama ang loob niya, naintindihan naman niya umano ang lahat. Saka nagpapasalamat pa rin siya sa pagmamahal at pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang Mama at Papa,
“Maalaga at saka mahilig sa bata Lolo at Lola ko, magaling din magluto si Lola. Thankful pa rin ako sa Mama at Papa ko, Lolo at Lola ko rin.
Saka nung bata ako siya(ang mama ko) naghahatid sa ‘kin sa school, graduation siya rin lagi kong kasama. Plus, kapag nag-o-out of town kami family, si Mama rin nag-aasikaso sa ‘kin. Kahit sa pagpasok ko sa school. Siya ang nagpapaligo noong bata ako. Siya ang gumising ng mas maaga sa amin para ihanda ang uniform at pagkain ko noon.
Ang message ko sa kanila, is mahal ko sila and salamat lalo na kay mama sa pag-aalaga sa akin noong bata ako at hanggang ngayon na may anak na ako, pati anak ko siya pa rin nag-aalaga minsan.
Larawan mula sa iStock
Siguro ang natutunan ko lang talaga ay maging humble at kung kaya mo tumulong mas okay na ikaw tumutulong kaysa ikaw tinutulungan.”
Sa huli, sa kabila ng mga pangyayari sa buhay ni Aldrin ay nalampasan niya ito. Tunay na iba talaga ang pagmamahal ng isang magulang at mga lolo at lola pero hindi ibig sabihin nito ay may higit sa dalawa. Parehas nagmamahal sa ibang paraan lamang ipinapakita.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!