May ilang araw na bakasyon ang papalapit, may naiisip ka na bang long weekend activities para sa iyong family? Narito ang ilang ideas na makakatulong sayo.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Mga long weekend sa Pilipinas.
- Long weekend activities para sa iyong family.
Mga long weekend sa Pilipinas
Papatapos na ang taong 2023 pero may long weekend pa na nilolook-forward ang marami sa atin. Ito ay sa papalapit ng Barangay at SK elections na susundan ng pagdiriwang ng araw ng mga yumao at kaluluwa. Sa susunod na buwan ng Disyembre ay may long weekend parin na natitira. Ang malaking tanong, may plano ka na ba para sa iyong pamilya? Kung wala pa, narito ang ilang long weekend activities na maari niyong gawin para mas maging healthy at close ang relasyon ninyo sa isa’t-isa.
Long weekend activities para makapag-spend ng quality time sa iyong pamilya
-
Magpunta kayo sa beach at mag-swimming.
Ito ang favorite na gawin ng maraming pamilyang Pilipino kapag may mahabang bakasyon. Dahil sa init sa Maynila, masarap naman talagang magpakalayo-layo saglit at magtampisaw sa tubig. Lalo na kung sasabayan ito ng videoke at masarap na barbecue. Siguradong hindi lang ang mga bata ang mag-eenjoy kung hindi pati narin matatanda sa ilang araw na pahinga at bakasyon nila.
-
Mamasyal kayo sa bagong destinations sa lugar ninyo.
Maraming bukas na pasyalan, kainan o camping sites ngayon na malapit sa Maynila. Bakit hindi niyo subukan at bisitahin ng iyong pamilya? Siguradong matutuwa ang mga bata na may makitang bagong lugar. At higit sa lahat ang makapag-spend ng quality time kasama ang kaniyang mga magulang.
-
Mag-exercise o mag-zumba kasama ang pamilya.
Usong-uso ngayon sa kada barangay sa Maynila ang paggawa ng iba’t-ibang physical activities. Magandang halimbawa na nga dyan ay ang pag-zuzumba. Hindi lang kayo pagpapawisan, mag-eenjoy pa kayo sa paggawa ng mga steps na syempre mag-iimprove rin ng dancing skills ninyo. O kaya naman ay mag-jogging habang mas kinikilala ang neighborhood ninyo. Puwede rin kayong maglaro ng basketball o volleyball para naman mas maging solid ang team work ng pamilya ninyo.
-
Mag-movie marathon.
Kung ayaw mo namang lumabas at gusto mo lang magpahinga ngayong long weekend ay puwede rin naman. Puwede parin kayong mag-bonding ng iyong pamilya. Sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikula sa Netflix o Disney. Sasabayan ninyo lang ito ng pagpapak ng popcorn o any takeout meal na hindi lang ikaw ang mabubusog pero pati narin ang mga tsikiting mo.
-
Mag-picnic o mag-party.
Ang long weekend perfect rin para makilala ang inyong friendly neighborhood. O kaya naman ay makipag-bonding sa iba pang miyembro ng inyong pamilya. Tulad ng mga kamag-anak sa side mo o side ng asawa mo. Kaya naman perfect idea ang pagpipicnic o kaya naman pagpaparty. Maaring ito ay sa pamamagitan ng barbecue party o kaya naman street food party. Puwede rin namang pumili ng theme at mag bring-your-own baon or handa nalang ang peg ninyo. O kaya mag-decorate ng inyong bahay ng sama-sama. Mas magiging exciting pa nga ang activity kung lalagyan ng mga games na may pa-premyo. Para naman hindi lang basta busog ang pamilya siguradong enjoy pa! Dahil ang long weekend hindi para makapagpahinga. Ito rin ang perfect time para makapag-spend ng quality time sa iyong pamilya. Kaya sulitin ito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!