Ngayong paparating na naman ang summer vacation, kabi-kabila na ang out of town at bakasyon ng pamilya. Ngunit paano kung biglaang hindi kayo nakapagbook ng flight at hindi nakagawa ng itinerary? O hindi naman kaya hindi niyo nakasanayan na magbakasyon dahil ayaw makisabay sa dagsa ng tao sa mall, tourist spots o beach? Don’t worry mga moms and dads, ang bonding ng isang pamliya ay hindi lagi sa labas ng bahay ginaganap. Pwede rin namang mag enjoy sa inyong home sweety home diba? Narito ang family activities at home na siguradong hindi niyo kailangan ng malaking budget!
11 family activities para hindi ma-bored sa bahay
Family activities at home | Image from tirachardz on Freepik
1. Baking
Bukod sa pantanggal boredom ang pagbe-bake, ito rin ay may magandang benefits sa inyong pamilya! Mas lalong napapractice ang communication at trust ng bawat isa. Hindi rin mawawala ang pagpahid ni bunso ng chocolate icing sa face ni mommy!
Pero teka, bakit hindi niyo itry magbake ng banana cake?
2. Movie Marathon
Family activities at home | Image from tirachardz on Freepik
Syempre hindi mawawala sa family activities at home natin ang movie marathon ng pamilya! Buksan na ang TV at maghanap ng magagandang palabas sa Netflix. Oppss! ‘Wag kakalimutan ang nilulutong popcorn ni Ate! Piliing palabas ang mga family related movies na talaga namang makakarelate ang lahat.
3. Board Games
Kung palakasan lang naman pala sa talino at diskarte ang usapan, bakit hindi niyo itry ang mga board games natin? Sikat board games ang Uno cards, Monopoly, Checkers, Scrabble at Chess.
Oh teka, walang mag-aaway ah!
4. Pool party
Oo, aminado talaga tayong mainit ngayong summer. Kaya moms and dads, bakit hindi kayo maghost ng mini pool party sa inyong bakuran? Ihanda na ang mga portable swimming pool at rubber ducks! Pwede rin kayong gumawa ng barbeque and for dessert, ang childhood fave, ice cream!
5. Picnic
Family activities at home | Image from Freepik
Isa sa traditional bonding ng pamilyang pilipino ay ang magpicnic. Maglatag lamang ng picnic rug sa inyong bakuran at sabay sabay na kainin ng nilutong ulam ni nanay.
‘Wag kakalimutan ang malamig na lemonade para mabawasan ang iyong init na nararamdaman!
6. DIY your pizza
Who hates pizza? Halos lahat na yata ay hindi maka-resist sa pagkaing ito. At for sure, paborito itong snack inyong family. Bakit hindi niyo itry gumawa ng sariling style ng pizza? Magandang bonding rin ito ng pamilya!
7. Make a garden
Kung gusto mong maexpose sa nature ang mga anak mo, magandag first step ang pagtuturo sa kanilang magtanim ng halaman sa bakuran. Isama mo na rin ang iyong asawa. Mahalagang malaman nila ang kahalagahan ng mga puno at halaman. Kaya habang nagtatanim kayo, pangunahan mo ito. Magbigay ng mga facts at benefits ng pagkakaroon ng maraming greens sa paligid.
Oppss! ‘Wag kakalimutan ang gloves at mga safety measures!
8. Practice yoga!
Family activities at home | Image from jcomp on Freepik
Pagkatapos ng ilang months na pag-aral at finally day-off ng asawa mo, tamang-tama ang yoga para sa pamilya ngayong bakasyon. Kung gusto mo rin namang maging physically fit ang iyong mga anak, pamunuan mo na ang yoga! Magandang medication rin ito at pantanggal ng stress ninyo ni mister.
9. Make a postcards and letters
It’s time to appreciate your loved ones! Pwedeng ipasok sa inyong family activities ang paggawa ng postcards and letters para sa lola, lolo, tita, friends o kaya naman neigborhood!
Sa ganitong paraan, matuturuan mo ang iyong mga anak sa murang edad na matutunan ang magpakita ng appreciation sa mga taong pinapasalamatan nila. Madedevelop rin nila angg kanilang creative skills habng gumawa ng mga cards!
10. Stargazing
Pagkatapos ng mahabang araw, isa sa pinaka romantic na family bonding ang mag star gazing sa gabi. Maglatag lang ng makapal na sapin sa inyong garden at sabay sabay na titigan ang mga nagliliwanag na stars sa langit. Maaaring ito na rin ang iyong pagkakataon na sabihin sa iyong pamilya kung gaano mo sila pinapahalagahan.
11. Camp out
Syempre, pagkatapos ng stargazing, ituloy na rin sa pagca-camping! Ihanda lang ang tent, makapal na sapin, camp fire at foods! Pwedeng-pwede itong ganapin sa inyong bakuran. Magplano rin kasama ang iyong asawa ng mga ituturong hacks or reminders kung sakaling magkaroon ng emergency kapag camping.
Kayo moms and dads, may plano na ba kayo ngayong summer vacation?
Source: Life Hack
BASAHIN: 5 Family activities to try this weekend
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!