TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Tuguegarao Longganisa Recipe: Ang Ybanag sausage ng Cagayan Valley

4 min read
Tuguegarao Longganisa Recipe: Ang Ybanag sausage ng Cagayan Valley

Maraming bersyon ng longganisa recipe sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas at isa rito ang Ybanag longganisa ng Cagayan Valley. Alamin ang kumpletong sangkap at paraan ng preparasyon o pagluluto nito.

Longganisa recipe naman ng mga taga-Cagayan Valley ang itatampok natin sa araw na ito.

Sa artikulong ito malalaman natin:

  • Ang pinagmulan ng longganisa recipe sa Pilipinas
  • Iba’t-ibang uri ng longganisa sa bansa
  • Mga sangkap sa paggawa ng Tuguegarao longganisa
  • Ang proseso sa paggawa at pagluluto ng longganisang Ybanag
longganisa recipe

Larawan mula sa iStock

Pinagmulan ng longganisa recipe sa Pilipinas

Sinasabing nagmula sa mga Kastila ang pagkain ng longganisa sa ating bansa. Tinatawag din nila itong longaniza na ang pangunahin ding sangkap ay sariwang karne ng baboy. Nilagyan ito ng mga pampalasa na cinnamon, paprika, aniseed, suka at bawang. Hindi tulad ng chorizo na isa ring uri ng sausage, ito ay kailangan munang lutuin bago kainin. Ang chorizo ay ready to eat na dahil gawa ito sa cured o smoked pork.

Nakarating sa Pilipinas ang longganisa recipe mula sa Acapulco trade ng bansa sa Mexico. Sa kanila naman nagmula ang dalawang termino na ginagamit natin upang makilala ang uri nito: hamonado at recado.

Ang hamonado ay ang matamis na bersyon ng longganisa samantalang ang recado naman ay ang spice-mixed na longganisa.

Iba’t-ibang uri ng longganisa sa Pilipinas

Bawat lugar sa Pilipinas ay may sariling timpla ng longganisa recipe. Ito ang ilan sa mga kilalang longganisa sa bansa:

  • Alaminos longganisa – pork longganisa de recado mula sa Pangasinan.
  • Cabanatuan longganisa (Batutay) – beef longganisa mula sa Nueva Ecija.
  • Calumpit longganisa (longganisang bawang) – pork longganisa de recado mula sa Calumpit, Bulacan.
  • Chorizo de Bilbao – dry pork longganisa na ginamitan ng paprika bilang pampalasa.
  • Chorizo de Cebu (Longganisa de Cebu) – pork longganisa hamonada mula sa Cebu.
  • Chorizo de Macao – dry pork longganisa na ginamitan ng anise liqueur bilang pampalasa.
  • Chorizo Negrense (Bacolod Longganisa) – pork longganisa ng Negros Island.
  • Longaniza de Guinobatan – pork longganisa de recado ng Guinobatan, Albay.
  • Lucban longganisa – pork longganisa de recado mula sa Quezon. Ginagamitan ito ng oregano bilang pampalasa.
  • Pampanga longganisa – pork longganisa hamonada ng Pampanga.
  • Pinuneg – pork blood sausage ng Cordillera Administrative Region.
  • Tuguegarao longganisa (Longganisang Ybanag) – pork longganisa de recado ng Cagayan Valley. Ginagamitan ito ng annato oil o atsuete upang maging kulay orange.
  • Vigan longganisa – pork longganisa de recado ng Ilocos Region. Ginagamitan ito ng sukang Iloko bilang pampalasa.
  • Skinless longganisa – pork longganisa de recado na hindi ginagamitan ng bituka ng baboy bilang hog casing.
longganisa recipe

Larawan mula sa iStock

Mga sangkap sa paggawa ng longganisa recipe ng mga Ybanag

  • 1 kilo pork coarsely ground (kailangang may 30% fat ang karne ng baboy)
  • 1 kutsarang durog na paminta
  • 2 buong head ng bawang, chopped
  • 1 kutsarang asin
  • 3 kutsarang sukang Iloko
  • 1 1/2 kutsarang annato oil (atsuete oil)
  • hog casing
  • cooking twine
longganisa recipe

Larawan mula sa iStock

Ang proseso sa paggawa at pagluluto ng longganisang  Ybanag

  1. Hiwain sa maliliit na piraso ang mga karne ng baboy at taba nito. Gamit ang meat processor, gilingin ito upang maging pino. Kapag nagiling na ang lahat ng karne at taba ng baboy, ilagay na ito sa isang mixing bowl. Ilagay ang lahat ng sangkap at haluing mabuti.
  2. Gamit ang funnel o embudo, ilagay ang mixture sa hog casing. Paghiwa-hiwalayin ang mga ito ng 2-3 inches. Pilipitin at talian ng twine ang bawat pagitan. Gawin ito hanggang sa mailagay na lahat ng mixture sa hog casing. TIP: Puwede ka ring gumawa ng longganisa balls mula rito kung nais mo.
  3. I-air dry o ibilad sa araw ang mga longganisa ng ilang oras (at least 10-16 oras). Mas masarap kung overnight ang pagkaka-air dry dito. Ilagay sa freezer ang mga longganisa pagkatapos itong ma-air dry. NOTE: Siguraduhing walang dadapo na insekto sa mga longganisa upang masiguro ang kalinisan nito.
  4. Kapag handa ng lutuin ang longganisang Ybanag, maglagay muna ng kaunting tubig sa kawali at ilagay ang ilang piraso nito. Hayaang kumulo ang tubig at matuyo saka maglagay ng cooking oil upang iprito ang mga longganisa. Ikot-ikutin ang mga longganisa upang pantay na maluto ang bawat side nito.
  5. Kapag golden brown na ang bawat side, ihango na ito at ilagay sa isang rack upang mapatulo ang excess oil. Ilagay sa serving dish at ihain habang mainit. Masarap itong i-partner sa sinangag na kanin, pritong itlog at kamatis. Enjoy!
Partner Stories
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Tuguegarao Longganisa Recipe: Ang Ybanag sausage ng Cagayan Valley
Share:
  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko