LOOK: Lorin Gutierrez, nag-celebrate ng kaniyang 16th birthday

lead image

Alamin kung sinu-sino nga ba ang mga dumalo sa star-studded na 16th birthday celebration ng panganay na anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez.

Nitong ika-31 ng Agosto, Sabado, nag-celebrate ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez ng kaniyang ika-16 na kaarawan sa Whitespace Manila sa Makati.

Birthday dress ni Lorin Gutierrez

Sa kaniyang 16th birthday at espesyal na gabi nagsuot si Lorin Gutierrez ng isang off shoulder two-piece dress na may asul at lila na frills.

Ang kaniyang napakagandang off shoulder two-piece dress ay dinesign ng Filipina clothing designer na si Rosenthal Tee, na sikat sa paggawa ng mga bridal pieces at ready-to-wear na evening gowns.

Kinumpleto rin niya ang kaniyang look sa pagsuot nito ng two-layered necklace, dangling earrings, at isang shining, shimmering na heels.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Lorin Gutierrez (@loringabriella) on

Coachella-inspired 16th birthday

Nagkaroon nga ng isang napakagandang 16th birthday si Lorin Gutierrez at naging isa itong star-studded na musical festival-themed birthday celebration.

Ang inspirasyon di-umano ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez para sa kaniyang birthday celebration ay ang Coachella music festival.


Pagpasok mismo ng mga guests ni Lorin sa Whitespace Makati ay sinasalubong sila ng maliliwanag at napakakulay na festival-inspired venue na may food kiosks, game corners, plush couches, photo booths, at ilang mga naka-dress up na area para sa mga photo ops.


Ang nag-style nga ng venue ay ang sikat na event stylist na si Gideon Hermosa.

Ang mga naging hosts nga sa 16th birthday ni Lorin ang isa sa mga kaniyang tito na si Mond Gutierrez kasama ang online influencer, lifestyle blogger, at model na si Janeena Chan.

Star-studded party

Maliban sa pamilya at mga malalapit na kaibigan ni Lorin Gutierrez, naging mala-star-studded nga ang kaniyang 16th birthday celebration.

Kabilang nga sa mga dumalo sa kaniyang party ay ang prominenteng Gutierrez clan na pinangunahan ng kaniyang ina na si Ruffa at bunsong kapatid na si Venice, ang lolo at lola nitong si Eddie at Annabelle, ang kaniyang mga tito na si Richard, Mond, Rocky, at Elvis, asawa ni Elvis na si Alexa, at ang asawa ni Richard na si Sarah Lahbati at anak na si Zion.


Ang kaniyang star-studded guest list ay kasama ang mga celebrities at personalities na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, Charlene Gonzalez-Muhlach at anak na si Atasha, Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Cristalle Belo-Pitt, Anthony Pangilinan kasama ang mga anak na sina Ella at Benjamin, Bubbles Paraiso, Mariel Padilla, at Jackie Foster kasama ang mga anak na sina Kobe at Jared.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on


Ilan ring celebrities at personalities na present doon ay sina Lorna Tolentino, Nadia Montenegro, CJ Jaravata, Vina Morales, Donita Rose, Cristina Romualdez kasama ang anak na si Sophia, Marjorie Barretto kasama ang mga anak na sina Leon at Julia, Kadenang Ginto stars na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri, mga dalginding ni Sunshine Cruz na sina Angelina, Sam, at Chesca, Phoemela Baranda, Bongbong Marcos kasama ang anak na si Simon, at Chavit Singson.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Allan Diones (@allan_diones) on


Source: Nice Print Photography

Basahin: LOOK: Lorin Gutierrez, naghahanda na para sa kaniyang 16th birthday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner