LOOK: Lorin Gutierrez, naghahanda na para sa kaniyang 16th birthday

lead image

Silipin dito ang teaser video ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez para sa kaniyang nalalapit na sweet 16 birthday celebration.

Ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez ay nagdiwang ng ika-16 na taong gulang nito lamang ika-3 ng Agosto at magkakaroon nga ito ng isang grand birthday celebration para sa kaniya ngang sweet 16 si Lorin Gabriella.

Si Lorin Gutierrez ay ang panganay na anak ni Ruffa sa kaniyang former husband na si Yilmaz Bektas.

Preparation ni Lorin Gutierrez sa birthday, nagsisimula na

Nito nga lamang ika-26 ng Agosto nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang teaser video para sa magiging selebrasyon ng anak na si Lorin sa kaniyang Instagram account.

Pag-alala nga ng aktres, "I still remember when you were a baby and now you’re already a young lady."

Bilin pa ni Ruffa, "Study hard, be a good girl @loringabriella and continue making us proud."

"I’ll save the rest for your sweet 16th birthday celebration," pagtatapos niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Ang teaser video ay ginawa ng Nice Print Photography na nakasaad nga sa caption ng aktres.

Nagkaroon nga ng paunang pasilip si Ruffa ng teaser ni Lorin noong ika-17 ng Agosto ng mag-post ang aktres ng litrato nito.

Sa litratong ito ay suot ni Lorin ang isa sa mga suot niya sa video na leather neon green na bodycon dress na may patong na denim neon green na jacket. Tapos may fish net rin itong suot na stockings at black and white checkered na sneakers.

Aniya sa kaniyang caption, "Lorin at 16 xoxo."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Gumawa pa siya ng teaser video 

Panoorin ang buong teaser video para sa nalalapit na sweet 16 celebration ni Lorin Gutierrez at makikita niyo kung gaano nag-bloom bilang isang fine young lady ang anak ni Ruffa.

Source: Nice Print Photography

Basahin: LOOK: Lorin Gutierrez, nag-celebrate ng kaniyang 16th birthday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner