Lorin Gutierrez on her bashers: "Please be sensitive of what you comment."

lead image

Lorin may mensahe rin sa mga tulad niyang nalayo ng matagal sa kanilang mahal sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lorin Gutierrez may pakiusap sa mga haters niya lalo na pagdating sa muling pagkikita nila ng amang si Yilmaz Bektas. Ibinahagi rin niya ang mga aral na natutunan niya sa naging pagbisita nila sa Turkey.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pakiusap ni Lorin Gutierrez sa mga haters niya
  • Mga aral at realizations ni Lorin Gutierrez sa muling pagkikita nila ng amang si Yilmaz Bektas after 15 years

Pakiusap ni Lorin Gutierrez sa mga haters niya

lorin gutierrez haters

Larawan mula sa Instagram account ni Lorin Gutierrez

Sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Lorin Gutierrez ang mga tagpo sa naging muling pagkikita nila ng amang si Yilmaz Bektas. Kasama syempre ang kapatid niyang si Venice at iba pang miyembro ng kanilang pamilya sa Turkey kabilang ang half at older sister nilang si Ilknaz.

Makikita sa vlog ni Lorin kung gaano naging very emotional at memorable ang naging Turkey reunion at experience nila ng kapatid niyang si Venice. Marami nga sa mga social media followers niya ang natuwa na sa wakas ay nagkita ng muli ang mag-aama. Habang may ilan parin ayon kay Lorin ang may mga negative comments na hindi niya pinalampas.

Sila ay pinakiusapan niya lalo pa’t ayon kay Lorin ay napakahalaga para sa kaniya ng naging reunion nila ng ama. Kaya naman kung noong una sa iba niyang post, ito lang ay kaniyang binabalewala, hindi daw ngayon para sa momentous event na ito sa kaniya at kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If you can leave a hate comment on any other piece of content that I produced and you can say whatever you want about the any other aspect of my life. When it comes to this especially me seeing my family again please be careful and be sensitive of what you do comment. Because this is possibly the most monumental moment of my life.”

Ito ang pakiusap ni Lorin sa mga followers niya sa bandang dulo ng kaniyang latest vlog.

Mga aral at realizations ni Lorin sa muling pagkikita nila ng amang si Yilmaz Bektas after 15 years

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

Sabi pa ni Lorin, pinag-isipan niyang mabuti kung iba-vlog niya ang naging reunion nila ng ama sa Turkey. Pero dahil marami siyang aral na natutunan at realizations sa naging karanasan ay nais niyang ibahagi ito sa iba.

Lalo na sa mga tulad niyang nalayo sa ama o mahal sa buhay ng maraming taon. Pati na ang pagkakasundo at maayos na co-parenting relationship sa wakas ng kaniyang amang si Yilmaz at inang si Ruffa Gutierrez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My main message that I want to get across you guys is that it is possible. There were definitely moments of my life where I was convinced that I didn’t know when I’m going to see my father’s side again. I didn’t know if I was even gonna touch Turkey.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Lorin.

Sa vlog ni Lorin ay maririnig siyang nagsabi na bagamat 15 years ang lumipas na hindi niya nakita ang pamilya nila sa Turkey ay parang kailan lang ito nangyari. Dahil sila ng kapatid niyang si Ilknaz kasama si Venice ay parang hindi naman napaghiwalay ng oras at panahon.

Maayos na rin daw ang relasyon nila ng ama niyang si Yilmaz. Sa katunayan ay may bahagi ng vlog niya na makikitang naging very emotional si Lorin habang nagsusulat ng Father’s Day greeting sa ama. Hiling niya sana huwag lumipas ang another 15 years bago sila magkitang muli.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa naging karanasan, may mensahe si Lorin sa mga tulad niyang nalayo sa kanilang mahal sa buhay ng matagal. Ito ay ang walang imposible at bumabalik ang mahahalagang tao sa buhay mo sa tamang oras.

“It’s possible to heal those relationships, it is possible to move forward. It is possible to grow even when it feels like it is impossible. The right people will come back into your life in God’s perfect timing”, aniya.

Pag-amin pa ni Lorin, naging mahirap at masakit ang past 15 years’ ng buhay niya. Pero ngayon ito na ang mindset niya matapos muling makasama ang ama. Ang mag-focus sa mga susunod na taon kaysa magmukmok sa nakaraang na lumipas na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My mindset is that past is the past. And there’s really nothing that we can do to alter or change it. I am not the type of person to dwell on the 15 years and instead focus on the next 15 years. There’s a lot with me and my family to catch up on. And there’s a lot of more growing to do and there’s a lot more time to be spent. A lot more years to try and get back but it’s never too late, never.”

Ito ang sabi pa ni Lorin Gutierrez tungkol sa natutunan niya matapos makitang muli ang ama after 15 years.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement