Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Muling nakausap ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice ang kanilang amang si Yilmaz Bektas. Alamin dito ang buong detalye!

Nagkaiyakan umano sina Yilmaz Bektas at ang anak nito kay Ruffa Gutierrez na si Venice, ang isa pa nilang anak ay si Lorin. Ito ay matapos na muling mag-usap ang mag-ama makalipas ang ilang taon na kawalan ng komunikasyon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Yilmaz Bektas at anak na si Venice nagkaiyakan sa muling pag-uusap
  • Lorin at Venice suportado ang love life ni Ruffa Gutierrez
  • Ruffa Gutierrez mas naintindihan si Annabelle Rama nang maging ina

Yilmaz Bektas at anak na si Venice nagkaiyakan sa muling pag-uusap

Naikuwento ni Ruffa Gutierrez ang naging pag-uusap ng kaniyang bunso na si Venice at ng tatay nito na si Yilmaz Bektas. Sa vlog ni Ogie Diaz, tinanong niya si Ruffa kung kumusta ang relasyon ng ex-husband sa kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice.

lorin venice yilmaz bektas

Larawan mula sa Instagram ni Ruffa Gutierrez

Pag-amin ni Ruffa, for the longest time ay wala umanong komunikasyon sina Lorin at Venice kay Yilmaz Bektas. Ngunit nitong nagdaang Holy Week ay tumawag ang sister ni Yilmaz Bektas dahil napanaginipan umano nito ang anak na si Venice.

Sinabi ni Ruffa kay Venice na nangangamusta si Yilmaz Bektas at nag-aalala. Saad ni Venice, “Give Baba my number, mommy. I’m old enough.”

Dati ay hindi binibigay ni Ruffa ang contact number ng mga bata sa side ng tatay ng mga ito. At lahat ng komunikasyon ay dumaraan sa kaniya noong bata pa ang mga anak.

“Nasa Boracay kami. Na-stranded kami ron ng 24 hours. Binigay ko ‘yung number ni Venice. Nag-usap silang mag-ama,” salaysay ni Ruffa.

Dagdag pa ng aktres, nagkaiyakan daw sina Venice at Yilmaz Bektas habang nag-uusap. Nakita ni Ruffa na nasasaktan pa rin ang kaniyang mga anak na lumaki ang mga ito nang walang ama. Naroon pa rin aniya ang lungkot nina Lorin at Venice dahil pakiramdam ng mga ito ay inabandona sila ni Yilmaz Bektas.

Hiling naman ni Ruffa Gutierrez na dumating ang araw na muling magkita sina Lorin, Venice, at Yilmaz Bektas.

“I hope one day, magkita sila, magkausap sila, and he can be a father to the kids.”

BASAHIN:

Ruffa Gutierrez malapit ng mag-graduate ng college at 47 years old: “It’s never too late!”

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”

Lorin at Venice suportado ang love life ni Ruffa Gutierrez

Todo-suporta rin naman daw ang mga anak ni Ruffa Gutierrez sa ideya na ma-in love muli ang kanilang mommy. Saad pa nga ng mga ito, “Mommy you have to really find someone soon.”

lorin venice yilmaz bektas

Larawan mula sa Instagram ni Ruffa Gutierrez

Kapwa kasi mag-aaral sa abroad sina Lorin at Venice. At ayaw nilang maiwan nang mag-isa sa bahay ang kanilang mommy na ang kasama lang ay mga aso. Saad naman ni Ruffa, “Darating din tayo diyan. Alam ko naman na I’m not gonna grow old alone.”

Dahil dito ay naitanong ni Ogie Diaz kung hindi pa rin ba talaga dumarating ang “the one” ni Ruffa. Saad ng aktres, “Only time will reveal who that person is.” Ipinagdasal na rin naman daw ni Ruffa na matagpuan na niya ang taong makakasama habambuhay.

Marami naman daw pumoporma at nagpaparamdam sa kaniya pero panalangin ng aktres na ilayo sa kanya ng Diyos ang mga hindi seryoso.

Nabanggit ni Ogie Diaz si Herbert Bautista na umano’y manliligaw ni Ruffa Gutierrez. Paliwanag ng akres, hindi pa siya sigurado kung si Herbert na ang kaniyang answered prayer. Giit nito, hindi naman umano siya nagmamadali.

Ruffa Gutierrez mas naintindihan si Annabelle Rama nang maging ina

Itinanong din ni Ogie Diaz kay Ruffa Gutierrez kung kumusta sila ng kaniyang nanay na si Annabelle Rama. Katulad pa rin daw ba ng dati kung sila ay magsagutan.

“If there’s one thing that I can’t control, it’s my mom and her mouth.”

Paliwanag ng aktres, mayroon pa rin silang differences ni Annabelle Rama pero mahal niya ito. Kaya kung minsan ay hindi na lang niya pinapatulan at sinasawalang-bahala na lang ang mga hindi nila pagkakaintindihan.

Tuwing nag-iingay umano sa social media si Annabelle ay pinagsasabihan ito ng mga anak at apong sina Lorin at Venice. Kung minsan ay nakikinig din naman daw si Annabelle sa kanila at buburahin ang mga post sa social media.

Pagpapatuloy pa ni Ruffa, bukod sa generous at loyal na kaibigan si Annabelle, protective at maalaga ito sa pamilya.

Nakita rin daw ni Ruffa kung gaano katindi ang pagmamahal ni Annabelle sa kanilang daddy. Tulad ng mga ito nais niya rin na balang araw ay may makakasama siya sa pagtanda.

lorin venice yilmaz bektas

Larawan mula sa Instagram ni Ruffa Gutierrez

“I remember when my dad got sick, my mom was really there taking care of him.”

“Kung mahanap ko ‘yong lalaking ‘yon, aalagaan ko rin siya nang ganyan.”

Aminado rin ang aktres na noong bata pa siya ay hindi niya masyadong naa-appreciate ang kaniyang nanay. Lalo na noong kabataan niya ay mahigpit ang kaniyang mommy especially pagdating sa love life.

Ngunit nang maging isang mommy na rin si Ruffa ay napagtanto niya na, “Once you become a mom, then you realized she’s only after your welfare.”

Ngayong isa na rin siyang mommy ay mas naintindihan niya raw at na-appreciate si Annabelle Rama. Hindi lang sa pagmamahal sa pamilya nito kundi maging sa pagiging loyal na kaibigan.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!