Ruffa Gutierez, malapit ng makapagtapos ng kolehiyo sa edad na 47 after 34 years ng pagtatrabaho sa entertainment industry!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ruffa Gutierrez malapit ng magtapos ng kolehiyo
- 4 Tips upang ma-balance ang work, school, at family
Ruffa Gutierrez malapit ng magtapos ng kolehiyo
Ruffa Gutierrez, ibinahagi sa publiko, habang nasa kaniyang noontime show na It’s Showtime, ang tungkol sa kaniya nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo.
Ayon sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho na hosts ng show, na-miss nila ang aktres nang ito ay hindi nakapasok sa work. Kaya naman inusisa nila ito kung ano rason sa likod ng kaniyang naging pag-absent sa show.
“Nako! Nag-aaral ako, ‘di ba? Feeling ko sexy babe lang ako, I had academic deadlines.” sagot naman ni Ruffa.
Bukod sa pamilya, tila pag-aaral na ang kaniyang naging topmost priority sa kaniyang buhay. Sa pagkakataong ito ay naibahagi niyang patapos na rin ang kaniyang practicum.
“I’m graduating college in July!” proud niyang sambit sa kaniyang mga kasamahan.
Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez
Humanga naman ang mga kasamahang host ng show at ipinahatid agad sa kaniya ang maaga nilang pagbati ng congratulations. Mabilis lamang ang panahon, at ilang buwan na lamang ay ga-graduate na ang aktres sa kurong Bachelor of Arts in Communications Arts.
Pagbabahagi niya,
“So it’s never too late!”
Proud na proud ang aktres na ibahagi na hindi na lamang daw siya high school graduate. Dahil sa loob daw ng napakahabang panahon ay high diploma ang hawak niya at mayroon siya.
Ayon sa kaniya, sa murang edad na 13-year-old ay nagsimula na siyang magtrabaho at pumasok sa entertainment industry. Ito ang naging dahilan kung bakit pansamantalang naisantabi muna ni Ruffa ang isa sa kaniyang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez
Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Ruffa tungkol sa pagbabalik iskwela niya. Dahil Mayo noong nakaraang taon, matatandaang ibinahagi na niya sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ang tungkol sa bagay na ito.
Ayon pa nga sa aktres,
“You’re never too old to chase your dreams.”
Sa kasalukuyan ay 47-year-old na ang aktres, at may dalawang naggagandahang anak na sina Lorin at Venice. Kung aalalahanin, matatandaang nakuha ni Ruffa ang titulo ng pagiging Miss World 1993 second runner up.
Mula sa pagiging beauty queen, dumating pa ang mas maraming oportunidad para sakaniya at naging isa sa mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz.
Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez
Matayog na ang naabot ni Ruffa, malayo na rin ang narating ng kaniyang karera. Subalit sa kabila ng lahat ng achievements nito, ang makapagtapos ng pag-aaral ang isa sa kaniyang mga ultimate goal.
Pagbabahagi pa ni Ruffa,
“I am both humbled and excited to share with you that I am currently enrolled in The Philippine Women’s University to pursue a Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).”
Inilarawan ng Commission on Higher Education ang ETEEAP bilang “comprehensive educational assessment program at the tertiary level that recognizes, accredits and gives equivalencies to knowledge, skills, attitudes and values gained by individuals from relevant work.”
Samantala, inamin naman ni Ruffa na hindi lamang niya matagal na pangarap ang makapagtapos ngg kolehiyo. Para sa kaniya, isa itong napakagandang paraan upang magsilbing mabuting role model para sa kaniyang mga anak.
Ayon kay Ruffa Gutierrez,
“Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children.”
BASAHIN:
Ruffa Gutierrez sa annulment kay Yilmaz Bektas after 10 years: “What a bittersweet journey it has been.”
Annabelle kay Ruffa: “Ayaw ko lang… bobo talaga siya sa lalaki.”
Ruffa Gutierrez’s funny comment sa sexy photo ng anak na si Lorin: “Nag-shorts ka pa!”
4 Tips upang ma-balance ang work, school, at family
Mayroon mga tao na sa kabila ng mga achievements sa buhay at maraming bagay na kanila nang naabot ay pinipili pa ring bumalik sa pag-aaral. Marami rin naman nais bumalik sa pag-aaral at makapagtapos ng kolehiyo kahit mayroon na silang full-time na trabaho.
Karamihan sa mga taong ito ay mayroon na ring obligasyon sa pamilya at may sarili nang pamilya. Kaya naman karaniwan sa kanilang struggle ay kung paano pagsasabayin at babalansehin ang tatlong bagay na ito: pamilya, pag-aaral, trabaho.
Hindi naman malabo na mag-succeed ang isang tao sa tatlong bagay ito. Kailangan lamang na maiging pagpaplano, pagiging organize, at pagkakaroon ng malinaw na commitment.
Narito ang ilan sa mga tips na maaaring mkatulong sa’yo upang magtagumpay:
- Subukang humanap at gawin ang ilang mga tried and tested na time management hacks. Maaari ka ring gumawa ng sarili mo, at gawin kung ano ang pinaka-effective para sa’yo. Nang sa gayon, higit mong masusulat ang iyong bawat oras sa maghapon.
- Maging tapat ka sa iyong pamilya at mga taong malalapit sa iyo ukol sa iyong mga commitment mula sa pagbabalik eskuwela. Mas mabuti kung ipagbibigay-alam mo sa kanila kung paano maaapektuhan ang iyong oras at availability dahil dito. Nang sa gayon, higit mong makukuha ang pag-iintindi at full-support mula sa mga taong malalapit sa iyong puso.
- Mahalaga na aware ang iyong boss, team, o manager at dapat ay lagi kang handa na pag-usapan ito. Maaari kang makipag-usap sa kanila kung paano ninyo pa gagawing flexible ang iyong oras sa trabaho.
- Huwag kalimutan at parating tatandaan ang kahalagahan ng self-care at self-love.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!