Annulment ni Ruffa Gutierrez sa mister na si Yilmaz Bektas naging difficult man para sa dating beauty queen, wala naman daw siyang regrets.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-aalala ni Ruffa Gutierrez sa annulment niya sa dating mister na si Yilmaz Bektas.
- Annulment story nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.
Ruffa Gutierrez annulment story
Ruffa with Yilmaz/ Image from The Philippine Star
Nitong Biyernes February 25 ay inalala ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez ang naging annulment niya sa Turkish businessman at ex-husband na si Yilmaz Bektas.
Ang pag-alala ay ginawa ni Ruffa sa pamamagitan ng Instagram post na kung saan makikita ang mga larawan niya at mga anak na sina Lorin at Venice noong ito ay maliliit pa.
“On this day, ten years ago my annulment was granted. Thank you Facebook memories for making me remember.”
Ito ang bungad ni Ruffa sa kaniyang post tungkol sa kaniyang annulment. Si Ruffa isinalarawan ang annulment niya bilang bittersweet journey.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, sa naging karanasan ay marami siyang natutunan na naging malaking impluwesya sa kung sino siya ngayon.
Mahirap man ang napagdaanan, sabi pa ni Ruffa ay wala siyang pinagsisihan. Sa halip ay nagpapasalamat parin siya dahil siya ay may dalawang anak na kung saan umikot ang mundo niya sa mga nakalipas na taon hanggang ngayon bilang isang single mother.
“What a bittersweet journey it has been. I now realize that not everyone is going to stay forever but I still have to keep on going and thank them for the life lessons that made me the woman I am today.”
“No regrets, just love.”
Ito ang sabi pa ni Ruffa.
Image from Ruffa Gutierrez’s Instagram account
Annulment story nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas
Taong 2003 ng maikasal sina Ruffa at Yilmaz. Ang kanilang pagpapakasal ay ginawa ng dalawang beses. Ang una ay ginanap dito sa Maynila para sa pamilya at kaibigan ni Ruffa. Habang ang pangalawa naman ay sa Turkey para naman sa pamilya at mga kaibigan ni Yilmaz.
Para sa mga nakasaksi ng kasal nina Ruffa at Yilmaz, ito ay isang fairy tale wedding. Dito sa Maynila, ito ay ginanap noong March 25, 2003 na isang grand garden wedding sa NBC Tent sa Taguig. Habang ang wedding nila sa Turkey ay ginanap sa Istanbul noong May 11 sa isa sa mga lumang palasyo doon.
Pero makalipas ang apat na taon 2007 ay ginulat ni Ruffa ang buong bansa sa kaniyang rebelasyon. Si Ruffa mula sa Turkey ay tumakas pabalik ng Pilipinas kasama ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice. Si Lorin ay tatlong taong gulang palang noon, habang si Venice ay dalawang taon palang.
Image from Ruffa Gutierrez’s Instagram account
Kuwento ni Ruffa sa kaniyang naging interview siya ay battered wife. Patunay daw sa pang-aabusong natanggap niya mula sa asawa ang mga peklat at pasa na tinatakpan niya lang ng make-up. Lalo na sa tuwing humaharap siya sa kaniyang mga magulang at pamilya para ang mga ito ay hindi mag-alala.
“Yes, I have many scars in my body and it came to a point where I would just put makeup on them, cover them up. When he would cut my hair, I would put hair extensions. It became like a normal situation.”
Ito ang sabi ni Ruffa sa isang panayam.
BASAHIN:
Ruffa Gutierrez’s funny comment sa sexy photo ng anak na si Lorin: “Nag-shorts ka pa!”
Ruffa Gutierrez takot parin daw sa dating asawang si Yilmaz Bektas
Annabelle kay Ruffa: “Ayaw ko lang… bobo talaga siya sa lalaki”
Pagkaka-annull ng kasal ni Yilmaz at Ruffa
Dagdag pa niya maliban sa pananakit ay ginugupit rin daw ng dating asawa ang buhok niiya. Noong una kuwento pa ni Ruffa ay napansin niyang masyadong control freak si Yilmaz.
Pero inakala niyang protective lang ito sa kaniya at talagang mahal siya. Ngunit kalaunan ay naging madalas na ang pananakit nito, pati na ang pagsasabi sa kaniya ng masasakit na salita.
Ilang taon man ang lumipas at kahit nag-cocommunicate sila ni Yilmaz para sa kapakanan ng mga anak ay hindi parin daw handang bumalik si Ruffa sa Turkey.
Ito ay kahit na libre pa at ilang beses na siyang pinapabalik doon ng dating asawa para magbakasyon. Dahil kuwento ni Ruffa, natatakot parin siya sa asawa at sa maaring gawin nito sa kaniya.
Taong 2012 ng ganap na mapawalang-bisa ang kasal ni Ruffa kay Yilmaz.
“Today I embrace my freedom once again. Not everyone is given second chances. I am blessed. As I close a chapter in my life and open a new one. I would like to thank all of u for being so supportive during this bittersweet journey.”
“It’s official. I’m annulled.”
Ito ang sabi noon ni Ruffa Gutierrez tungkol sa kaniyang naging annulment.
Photo from:
RMN PH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!