Yilmaz Bektas kinatatakutan parin ni Ruffa Gutierrez kahit 12 years na silang hiwalay.
Ruffa takot parin kay Yilmaz Bektas
Inamin ng former beauty queen na si Ruffa Gutierrez na hanggang ngayon ay natatakot parin siya sa dating asawang si Yilmaz Bektas.
Kahit na daw ba ilang taon na ang nakalipas at maayos na ang samahan nila ngayon ay hindi parin nawawala ang trauma na dinanas niya sa dating asawa.
Would you believe until now I’m still afraid of my ex-husband? Even if he’s invited me so many times to go back, I don’t want to go back because I have this notion in my head that he will kill me,” pahayag ni Ruffa.
Taong 2007 ng makipaghiwalay si Ruffa sa dating asawa ng dahil umano sa pananakit ni Yilmaz Bektas sa kaniya.
Noong una nga daw ay in denial pa siya sa kaniyang nararanasan na kahit sa mga magulang niya ay tinago niya.
“I was actually even in denial. My parents were saying, ‘Why do you have black and blue spots in your body?’ I didn’t say anything until I couldn’t take it anymore and I was ready to leave my husband,” kwento ni Ruffa.
Nagkaroon nga rin daw ng post-traumatic stress disorder (PTSD) ang dating beauty queen dahil sa domestic violence na naranasan sa asawa. Ngunit dahil sa pinagdaanan ay marami siyang natutunan bagamat masakit parin kapag naalala niya ito.
“It’s very difficult. You learn from those lessons but when we discuss it, like right now, there’s still pain in my heart. So I guess you never really forget whatever those experiences have brought you, but you just learn and you move on,” dagdag pa ni Ruffa.
Ruffa laban sa domestic violence
Kaya naman sa pamamagitan ng isang program na “Voices Against Violence” ay hinikayat ni Ruffa ang iba pang babae na nakakaranas ng domestic violence na magsalita. Dahil hindi daw tulad noon ay hindi niya alam kung saan siya pupunta para humingi ng tulong. Ngunit ngayon ay may mga grupo ng handang tulong sa kanila kabilang na siya.
“Right now they have somewhere to go because back then, 12 years ago, I didn’t know who to contact, I didn’t know there was a hotline”, kwento ni Ruffa.
“It’s better to speak out and be free and not live in fear anymore than continue your life in a prison cell… If there’s any of you who are listening right now, if you’re getting beaten up by your husbands, we’re here, please tell us because there’s still life out there for everyone”, panghihikayat niya.
Sa ngayon ay mag-isang tinataguyod ni Ruffa ang dalawang anak nila ni Yilmaz Bektas na si Venice at Lorin.
At kung may kakilala naman na biktima ng pang-aabuso o domestic violence ay narito ang mga hotlines na maaring tawagan para mai-report at matulungan ang biktima.
Department of Social Welfare and Development: (02) 931-8101 to 07
DSWD-NCR Ugnayan Pag-asa Crisis Intervention Center: (02) 734-8639, (02) 734-8654, (02) 734-8626 to 27
Philippine National Police: (02) 723-0401 to 20
PNP-Women and Children Protection Center: (02) 410-3213
NBI-Violence Against Women and Children Desk: (02) 523-8231 to 38, (02) 525-6028
Source: ABS-CBN, Cosmo
Basahin: Ruffa Gutierrez and her daughters allegedly harassed in Malaysia
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!