Ruffa Gutierrez ito ang nakakatuwang reaction sa sexy na larawan ng anak na si Lorin Gutierrez.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nakakatuwang reaksyon ni Ruffa Gutierrez sa sexy na larawan ng anak na si Lorin Gutierrez.
- Paano pinalalaki ni Ruffa Gutierrez ang mga anak niya.
Reaksyon ni Ruffa sa sexy photo ng anak na si Lorin Gutierrez
Image from Instagram
Napakabilis ng panahon, dahil dalagang-dalaga na sa ngayon ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez. Si Lorin ay ang isa sa dalawang anak ni Ruffa at dating asawang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Siya ay 18-anyos na.
Sa kaniyang mga Instagram post, makikita kung gaano kaganda at ka-sexy si Lorin sa ngayon. Hindi makakailang ito ay mula sa celebrity family na nakaantabay rin sa bawat post at achievements niya.
Tulad na lang sa isang sexy na larawan ni Lorin suot ang black swimsuit with maong shorts. Sa kaniyang post ay siyempre nanguna ang kaniyang ina na si Ruffa Gutierrez sa pagre-react.
“Nagshorts ka pa!” Ito ang nakakatawang komento ni Ruffa sa post ng anak na maraming netizens rin ang nag-react at naka-relate.
“Typical Filipino mom.”
“Narinig ko ung boses na maam Anabelle Rama.”
“Hahaha ako din ‘yan sasabihin ko sa anak ko.”
Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizen sa comment ni Ruffa sa post ng anak na si Lorin.
Komento ni Richard Gutierrez sa pagpapa-sexy ng pamangkin na si Lorin
Pero maliban sa comment na ito ni Ruffa, kinaaliwan rin ng mga netizens ang comment ng aktor na si Richard Gutierrez sa sexy post ng pamangkin niya.
Si Richard nagpa-alala sa pamangkin na huwag masyadong maglantad ng balat at coveran ang sarili niya. Dahil ayaw nito na may mga lalaking tumitingin-tingin sa katawan ng pamangkin.
richardgutz
Cover yourself. I don’t want any of these guys checking you out. 👊
Ito ang komento ng aktor sa post ng pamangkin niya na sinundan ng post ng misis niyang si Sarah Lahbati na nagpapahiwatig na lumalabas na ang pagiging protective na tito ng aktor. Si Lorin napatawa nalang sa reaskyon ng tito niya.
Ang mga netizen ipinunto na conservative, protective at strict tito si Richard Gutierrez.
“Sobra naman itong Tito eh, very conservative and strict.”
“Paano pa kaya kung daughter na niya.”
Ito ang nasabi ng ilang netizens. Habang ang iba naman ay sumang-ayon sa mga sinabi ni Richard. Hinangaan rin ng mga ito ang aktor sa pagiging protective sa pamangkin niya.
“@richardgutz Much respect for this comment. We need more men to speak out against young teens dressing immodestly because it is sending all kinds of wrong signals.
And she does not look like a young woman with class and sophistication dressing like this, especially if she plans to be a beauty queen. She should showcase her OTHER assets and less of her looks. Thank you.”
“Agree, at your age kung pwede huwag muna magpa-reveal ng skin. You know deep inside men are too sensitive and protected of women who are close to them. Pretty ka hija, beauty doesn’t need to show what should be covered. God Bless. #justsaying”
Ito naman ang komento ng iba pang netizens sa viral post na ito ni Lorin Gutierrez.
BASAHIN:
Annabelle kay Ruffa: “Ayaw ko lang… bobo talaga siya sa lalaki”
Ruffa Gutierrez takot parin daw sa dating asawang si Yilmaz Bektas
Underwater prenup photos nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez
Habilin ni Ruffa sa anak na si Lorin
Image from Instagram
Sa ngayon si Lorin ay nasa ibang bansa upang mag-aral sa kolehiyo. Siya at kaniyang kapatid na si Venice, 16-anyos ay pinalaki ng kanilang ina na si Ruffa Gutierrez na nag-iisa.
Bagama’t ayon kay Lorin sa isang panayam ay may constant communication naman umano sila ng kaniyang amang si Ylmaz Bektas. Maayos din umano ang relasyon nito sa kaniyang inang si Ruffa.
Samantala, sa naging 18th birthday ni Lorin nitong Agosto ng nakaraang taon ay may nakakatuwa at sweet na message sa kaniya ang inang si Ruffa.
Ang mariing ipinunto nito ay huwag na muna sana siyang mag-boyfriend at tumututok sa pag-aaral at pag-abot ng mga pangarap niya.
View this post on Instagram
“Don’t be in such a hurry to grow up. Savour your youth. Yes, you’re officially an adult, but that definition means being responsible with all aspects of your life.
Be a leader, not a follower. Chase your dreams, travel the world, pursue your goal of taking up law, be a good girl -HUWAG MUNA MAG BOYFRIEND (gosh, I sound like my mom).
And if you decide to have one 10 years from now, CHOOSE WISELY. Be with someone who respects you and is GOD FEARING. Don’t just follow your heart Lorin, use your brain.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!