Inamin ng aktress na si Lotlot de Leon na gusto na niya magkaapo bago ang edad na 60.
Lotlot de Leon gusto na ng apo kay Janine Gutierrez
As celebration ng Mother’s Day, nag vlog ang aktres na si Janine Gutierrez kasama ang kanyang ina. Sa vlog ni Janine,inamin ng kanyang ina na gusto na nito magkaapo.
Naitanong ni Janine na“Are you sad that you don’t have grandchildren yet?”
“Sometimes.” sagot ng ina niya. Nagulat pa si Janine at sabi niya “really?”
Umamin ang aktres na si Lotlot sa isang vlog ni Janine na gusto na nito magsettle down ang panganay niyang anak. Alamin Dito. |Instagram mula sa account ni Lotlot de Leon.
Dagdag pa ng ina na “Yeah, parang I want na.” Natawa naman ang aktres na si Janine sa sagot ng ina. Dahil nga raw 51 na ang aktres, sana ay magkaroon siya ng apo dahil sa edad niya.
Sagot naman ng kanyang anak, “That’s super young.” Bago naman daw sana sya mag 60 ay nagkaroon siya ng apo kay Janine hopefully.
Umagree naman si Janine at sagot pa nito. “Sana naman. Agree!” Napatanong naman siya na kung may plano naba ang anak at kung ano nga ba ang plano nito.
Napa-sagot naman agad si Janine na, “Wala pa, wala pa!”
Sa comment section naman, nagkumento ang ilang fans ni Janine. Panahon na raw para mag settle down ito kasama ang Paulo Avelino ang rumored-boyfriend ng aktres
Marami ang nagtatanong sa aktres kung ano na nga ba ang relationship status ng dalawa. Sagot naman ni aktres sa mga nagtatanong,
“My daughter can speak for herself. She can speak for herself, she can explain,”
Dasal ng aktres na ang lahat ng kanyang anak ay makahanap ng tamang partners at makapagsettle down ng masaya. Alamin Dito. |Instagram mula sa account ni Lotlot de Leon.
Ang mahalaga lang daw sa aktres st maging masaya ang kanyang anak na si Janine at ang mga kapatid nito.
“Ako naman as a mom, I just want her to be happy. We always pray for my children to be with the right partners, ’di ba…na tama ’yong mapili nila,” dagdag pa ng aktres sa sagot sa press.
Kaya kasama sa kanyang prayers ang nakatagpo ang kanyang mga anak ng tamang partners.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!