Lovely Abella ipinanganak na ang panganay nila ni Benj Manalo: “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda”

Ayon pa kay Lovely, ok lang na di siya maganda ng makapanganak basta healthy ang anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lovely Abella ipinanganak na ang first baby nila ng mister na si Benj Manalo. Si Lovely hindi man lang nagawang mag-ayos tulad ng ibang celebrities ng manganak. Ito ang dahilan niya kung bakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Panganganak ni Lovely Abella sa first baby nila ni Benj Manalo.
  • Lovely mahina pa ang breastmilk pero gagawin ang lahat para mapasuso ang anak.

Panganganak ni Lovely Abella sa first baby nila ni Benj Manalo

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella

Hindi man lang nakuhang magpaganda at mag-ayos ng celebrity mom na si Lovely Abella ng maipanganak niya ang first baby nila ng mister niyang si Benj Manalo. Paliwanag ni Lovely, hindi tulad ng ibang celebrity moms na maganda parin kahit nanganak na, masyado daw mahirap ang napagdaanan niya.

“Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Lovely sa Instagram.

Pagpapatuloy niya, ibang-iba ang karanasan niya sa naging panganganak ngayon kumpara sa panganay niya noon 15 taon na ang nakakaraan. Ang tinutukoy ni Lovely ang naging anak niya sa nauna na niyang nakarelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko.”

Ito ang sabi pa ni Lovely.

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lovely mahina pa ang breastmilk pero gagawin ang lahat para mapasuso ang anak

Ibinahagi niya rin na sa ngayon ay kaunti palang ang gatas niya. Pero gagawin niya daw ang lahat para paramihin ito at maibigay ang pangangailangan ng anak niya.

“Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk. Pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng anak ko.”

Ito ang sabi pa ni Lovely.

Halos tatlong taon ring sinubukan ni Lovely at kaniyang mister na si Benj na magkaanak. Pero dahil mababa ang sperm count nito ay nahirapan sila. Kaya naman ng magbuntis si Lovely ay labis ang saya ng mag-asawa. Lalo pa ngayon na isinilang niya na ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang si Liam Emmanuel.

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement