Lovely Abella and Benj Manalo may sweet na mensahe sa kanilang baby na si Liam sa naging dedication day nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Lovely Abella and Benj Manalo baby Liam’s dedication day.
- Mensahe ni Lovely at Benj sa anak na si Liam.
Lovely Abella and Benj Manalo baby Liam’s dedication day
Nitong February 10 ay pinabinyagan nina Lovely Abella at Benj Manalo ang baby nilang si Liam. Ito ay ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City. Dinaluhan ito ng malalapit na kaibigan ng dalawa. Kabilang na ang komedyanteng sina Betong Sumaya, Kakai Bautista at Maey Bautista. Sila ay mga ninong at ninang ni Liam. Ganoon rin ang aktres na si Kathryn Bernardo na may kwelang message sa kaniyang inaanak.
“Maging masaya ka. Gawin mo lahat ng gusto mo. And nandito kaming lahat susuporta, and again kung di ka papayagan tumakas ka someday. You call Ninang, I got you.”
Ito ang mensahe ni Kathryn sa inaanak niyang si Liam.
Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella-Manalo
Mensahe ni Lovely at Benj sa anak na si Liam
Si Lovely may mensahe rin sa kaniyang anak. Binalikan niya rin kung gaano naging kahirap ang pagbubuntis niya kay Liam at kung paano naging napakasaya ng buhay niya sa pagdating ng anak.
“Anak, gusto ko lang sabihin sayo na mommy and daddy loves you so much. Superduper mahal ka namin.”
Ito ang mensahe ni Lovely sa anak na ibinahagi niyang sa bata palang nitong edad ay alam niyang good listener na.
“So tahimik siya pag nagdadaldal ako kahit 3 hours pa yan. After nun doon na siya maglilikot. So feeling ko good listener talaga yung anak ko.”
Ito ang sabi pa ni Lovely.
View this post on Instagram
Si Benj may mensahe rin sa anak na tinawag niyang happy pill ng kanilang bahay. Kapag nga daw sa tuwing umaalis siya ng bahay ay gusto niyang umuwi na agad para makasama lang ito. Kaya naman si Benj ito ang mensahe at paalala sa anak na si Liam sa araw ng dedication nito.
“Always put God first in everything you do. Siya pagkunan mo ng lakas.”
Welcome to the Christian world Liam!
Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella-Manalo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!