Lovi Poe engaged na sa kaniyang long-time British boyfriend na si Montey Blencowe

Ayon kay Lovi, naganap ang wedding proposal dalawang taon na ang nakakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lovi Poe engaged na sa British boyfriend na si Montey Blencowe!

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Lovi Poe engaged na sa kaniyang long-time boyfriend.
  • Love story ni Lovi at Montey.

Lovi Poe engaged na sa kaniyang long-time boyfriend

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

Ini-reveal ng aktres na si Lovi Poe na engaged na siya sa long-time boyfriend niyang si Montey Blencowe. Si Montey isang British film producer na naka-based ngayon sa Amerika.

Base sa Instagram post ni Lovi tungkol sa kanilang engagement, ang wedding proposal ay naganap dalawang taon na ang nakakaraan. At pinili nila Lovi at Montey na isapribado muna ito na kung saan tanging malalapit na kaibigan at kanilang pamilya lang ang nakakaalam. At masaya siya na sa ngayon ay maibabahagi niya na rin ito sa publiko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring. ☕️🌅💍”
“We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you. ♥”

Ito ang caption ng Instagram post ni Lovi kung saan makikita ang kaniyang engagement ring sa maikling video.

 
View this post on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga netizens nabigla sa revelation na ito ni Lovi. Pero ang mga celebrity friends niya masaya sa balitang ito na ibinahagi ni Lovi sa unang pagkakataon sa social media. Ilan nga sa mga bumati sa kaniya ay sina Angelica Panganiban, Glaiza de Castro at Winwyn Marquez na kapwa masasaya narin sa kanilang buhay may asawa.

Love story ni Lovi at Montey

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

Walang masyadong impormasyon tungkol sa relasyon at love story nila Lovi at Montey. Pero ayon sa ilang reports ay nagkakilala sila noong 2019. Sa parehong taon ay nagsimulang maging official ang kanilang relasyon ng umattend sila ng Royal Ascot, ang isa sa espesyal na event sa Britain. Mula noon ay nanatiling low-key ang relasyon nila Lovi at Montey na kanilang nasusurvive kahit malayo sila sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement