X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey

5 min read

Masayang-masaya sa mga larawang iniupload sa social media si Glaiza De Castro. Ito ay matapos na muling ikasal sa kaniyang asawang si David Rainey.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 2nd wedding ni Glaiza De Castro dinaluhan ng mga celebrity
  • Mga kaibigan todo suporta sa kasal ng aktres

2nd wedding ni Glaiza De Castro dinaluhan ng mga celebrity

Sa ikalawang pagkakataon ay ikinasal sina Glaiza De Castro ang kaniyang Irish husband na si David Rainey. Matatandaang naganap ang unang kasal nito sa intimate Celtic ceremony by mountain cliff noong October 2021 sa Northern Ireland, United Kingdom.

Ngayong Enero 2023 naman ay muling ikinasal ang dalawa dito naman sa Pilipinas. Sa Zambales ginanap ang kasal ni Glaiza De Castro na ang tema ay Filipiniana.

glaiza de castro at david rainey

Larawan mula sa Instagram ng Nice Print Photography

Ang celebrity friends ni Glaiza De Castro na sina Isabel Oli, Sheena Halili, Chynna Ortaleza, at Rochelle Pangilinan ang nagsilbing bride’s maid sa naganap na kasal. Habang si Angelica Panganiban naman ang kaniyang Maid of Honor.

Dinaluhan din ng iba pang naggagandahan at nagugwapuhang mga artista sa kanilang Filipiniana at Barong ang nasabing kasalan.

Sa mga larawang ini-upload ng Nice Print Photography, makikitang dumalo sa kasalan sina Kean Cipriano, Maxene Magalona, Tracy Garcia, at Joy Marcelo.

Gayundin ang mga kasama ni Glaiza De Castro sa Running Man Ph na sina Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Mikael Daez, at Angel Guardian. Kasama rin si Ruru Madrid na ang ka-date ay ang kaniyang girlfriend na si Bianca Umali.

Sa isang episode ng Bright Side, ibinahagi noon ng aktres kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan ng Irish husband.

glaiza de castro at asawa

Larawan mula sa Instagram ni Glaiza De Castro

2018 daw nang pumunta si Glaiza sa Siargao para sa kaniyang birthday celebration.

“Tapos one night, may tumutugtog na isang kanta na sobrang favorite ko. Hinanap ko kung sino ‘yong nagpapatugtog, apparently siya pala ‘yon. Nag-usap na kami,” kuwento ni Glaiza.

At nang kinailangan na raw bumalik ni David sa Ireland, nagpatuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa. Tuloy-tuloy rin ang panliligaw ng lalaki sa aktres sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga regalo at love letters.

September 2018 nang naging official na ang relationship ng dalawa. Ipinakilala ng ani David sa pamilya niya si Glaiza noong February 2019 sa naganap na birthday celebration ni David at ng kakambal nito sa England.

Noong June 2019 naman ay nagtungo si Glaiza sa London para mag-aral ng kursong music production at dito na nga nagkaroon ang dalawa ng mas maraming quality time nang magkasama.

Mga kaibigan todo suporta sa kasal ng aktres

Bago ang kasal ni Glaiza De Castro, kaliwa’t kanang bridal shower ang sumorpresa rito mula sa iba’t ibang group of friends nito.

Sa magkakahiwalay na Instagram post ay ipinaskil ng aktres ang mga larawan ng pakulo ng kaniyang mga kaibigan.

Noong January 5 ay ibinahagi ni Glaiza ang video ng bridal shower na inihanda ng kaniyang kaibigan na si Vanessa Gatan.

Aniya, “Wala talaga akong ka idea idea kasi naman kala ko mag bonding lang kami ni @farfalla214. Pero ang saya kasing makita ulit kaming magkakasama. Dati kwarto at cafe lang ang bonding natin. Ngayon kung saan-saan na tayo nakakarating. Pero hindi p arin tayo mawawala sa mga mahahalagang moments ng isa’t isa.”

Nang mga oras na iyon ay hindi rin daw makapaniwala si Glaiza na ilang araw na lang ay ikakasal na siya.

“Sobrang na appreciate at chini cherish ko ‘yong mga ganitong moments dahil oras ang pinakamainam na maibibigay mo sa tao kaya salamat mga sis,” pahayag ng aktres.

glaiza de castro Larawan mula sa Instagram ni Glaiza De Castro

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Glaiza ang isa na namang bridal shower na sorpresa naman nina Angelica Panganiban sa kaniya. Sabi ng aktres, ang red dress na suot niya sa mga larawan ay dinala lang ni Angelica. Para may pamalit siya dahil hindi makapagbihis ng akma sa okasyon dahil wala siyang ka-ide-ideya sa mga magaganap.

“Yong akala ko may viewing ng condo pero iba pala ang ma vu-view ko. Grabe ‘yong pagmamahal na naramdaman ko kagabi kaya maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng #HappypeCHAy” saad ni Glaiza sa IG post.

glaiza de castro kasama ang mga kaibigan

Larawan mula sa Instagram ni Glaiza De Castro

January 19 naman naganap ang ikatlong bridal shower para kay Glaiza. Ito naman ay inihanda nina Rochelle Pangilinan, Isabel Oli, Sheena Halili, at Chynna Ortaleza—na sila ring mga bride’s maid sa kasal ng aktres.

“Okay, so this time napag handaan ko ang bridal shower. Bilang ito lang talaga yung naka schedule sakin. Pero hindi ko pa rin alam kung anong magaganap so feeling ko medyo napasobra naman ata yung outfit ko this time?” saad ng aktres.

Nagpasalamat din ito sa pagmamahal ng kaniyang mga kaibigan at pamilya.

“Lord, salamat sa pamilya lalo na sa mga kaibigang binigay mo sa akin. Hindi sila madaling makita. Sa mga naging abala sa payugyog na ito, salamat ng marami at mahal na mahal ko kayo.”

Bandera, Instagram, GMA

Partner Stories
Hyperquick, Take Your Pick! Ayala Malls’ Zingmall Brings Quick & Easy Online Shopping to Cebu
Hyperquick, Take Your Pick! Ayala Malls’ Zingmall Brings Quick & Easy Online Shopping to Cebu
What to do when your pregnancy cravings are unhealthy
What to do when your pregnancy cravings are unhealthy
PAWS N’ PLAY YEAR 5 IN U.P. TOWN CENTER
PAWS N’ PLAY YEAR 5 IN U.P. TOWN CENTER
Including BDO Foundation, Huawei, and Isla Lipana & Co. Knowledge Channel Strengthens Partnership with Industry-Leading Brands to Enhance PH Education
Including BDO Foundation, Huawei, and Isla Lipana & Co. Knowledge Channel Strengthens Partnership with Industry-Leading Brands to Enhance PH Education

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey
Share:
  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.